Luis Manzano relates his five-hour stay inside "PBB" house

TV host Luis Manzano spent five hours inside the Pinoy Big Brother house.



Kahapon ng madaling-araw, April 22, lumabas si Luis Manzanosa Pinoy Big Brother house. Ipinasok si Luis sa Bahay ni Kuya bandang 8:30 p.m. noongLunes, April 21—ang mismong araw ng kaarawan ng TV host—na labis niyang ikinagulat.More or less five hours din ikunulong si Luis sa PBB house.

"Yun talaga ang plano nila. Ayaw naman siguro nila ngovernight. Pero yun ang plano nila, mga few hours lang," saad ni Luis nangmakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa loob ng Bahay ni Kuya ay binigyan ng task si Luis nakailangan niyang patulugin lahat ng housemates para makalabas siya agad.Nakumpleto ba niya yung task?

"Hindi, kasi lumabas ako ng 1:30 a.m.," sagot ng PBB Teen Edition Plus co-host.

Nalaman ba niya kung bakit siya ipinasok ni Kuya sa PBBhouse?

"Wala lang. Nagtrip-trip lang si Kuya at ang PBB family."

Hindi ba siya nagkaroon ng ideya o nakahalata man lang naipapasok siya sa Bahay ni Kuya?

"Medyo nahahalata ko dahil medyo iba yung pagiging secretiveng mga tao that day. Pero yung ipapasok ako, alam ko naman na ipapasok. Pero I wasn'tsure when.

"Tsaka nagkakalokahan na kami. ‘O, Luis papasok ka na, ha.Malapit na yung birthday mo.' Yung mga ganung lokohan. Kaya may feeling na. Peroyung kung paano nila nagawa, I had no idea. So yung the whole setup na naka-standby pala si Toni [Gonzaga] para pagpasok ko,siya ang magte-takeover, wala akong idea sa ganun," salaysay niya.

Sino ang nag-impake ng gamit niya?

"Kung ano yung gamit ko sa ASAP, halos yun din."

Ipinagpaalam ba siya ng PBB sa ina niyang si BatangasGovernor Vilma Santos?

"I guess. Dahil nakausap ko siya sa loob ng confession room,"ngiti ni Luis.

Ano ang sinabi ng Mommy Vi niya sa kanya?

"Wala, e, fan na fan naman si Mommy [ng PBB], so siguro she waslike expecting din na I would stay longer. Pero malay ninyo kung ipasok akoulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Willing ba siyang pumasok ulit ng PBB house?

"Oo naman! It's an adventure. Hindi ako takot or anything."

Nahirapan ba siya sa loob ng Bahay ni Kuya?

"Hindi naman. Five hours, you can't compare it kung gaanokatagal yung ibang housemates. Yung saakin, hours lang ‘yon."

May naramdaman ba siyang takot habang nasa loob ng Bahay niKuya?

"It's not naman labu-labo na it's completely differentworld. Na it's not necessarily something to be scared of, but something toexplore."

If ever ibalik siya, ano ang gusto niyang maranasan habangnasa loob?

"Gusto kong tingnan kung paano talaga magigising ka, nandunka. Tapos matutulog ka ulit, magigising ka, nandun ka."

So, wish niya na mas matagal pa siya sa loob ng Bahay niKuya kung sakaling ibalik siya?

"Siguro, not naman one week. Pero yung alam mo yung to bondwith the housemates. Kaya para sa akin, bitin talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN