FIRST READ ON PEP: Comedienne Eugene Domingo joins cast of GMA-7's "Kim Sam Soon"

Comedienne Eugene Domingo is the latest addition to the cast of GMA-7's My Name Is Kim Sam Soon. She is reportedly playing the role of Regine Velasquez's friend.



Pagkatapos ni Heart Evangelista ay isa pang Kapamilya angmapapanood na sa Kapuso network.

Ang aming tinutukoy ay ang comedienne na si Eugene Domingo.Kasama si Eugene sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na My Name Is Kim Sam Soon,na pagbibidahan ni Regine Velasquez.

Sa listahan ng cast members na inilabas ng PEP last April20, ay hindi pa kasama ang pangalan ni Eugene. Pero may nakapagsabi sa amin nakasali na rin sa cast ang naturang comedienne.

Upang kumpirmahin ang balitang ito ay tinawagan ng PEP sacell phone ang tumatayong manager ni Eugene na si Ricky Gallardo. Kinumpirma niRicky ang balita na kasama nga si Eugene sa My Name Is Kim Sam Soon.

Nilinaw ni Ricky na bagama't tinanggap nila ang naturangproyekto ng GMA-7, hindi raw sila pipirma ng exclusive contract gaya ni Heart.

Dagdag ng manager ni Eugene, kahit noong nasa ABS-CBN pa siEugene ay hindi nagkaroon ng exclusive contract ang komedyana. Pero project basis lang ang kontrata ni Eugene.

"We never hadany contract sa kahit anong istasyon. Kay Eugene naman, trabaho lang, bastamaganda ang offer, maganda ang role," banggit ni Ricky.

Nagsimula si Eugene bilang bit player hanggang sa makilalasiya bilang magaling na comedienne sa mga TV shows ng ABS-CBN—Marina,Kampanerang Kuba, Kokey, Volta, atbp.—at mga pelikula ng Star Cinema —AngTanging Ina, Volta, D' Lucky Ones, Ang Cute ng Ina Mo, Paano Kita Iibigin?

Ang huling TV show ni Eugene sa ABS-CBN ay ang Volta with Ai-Ai delas Alas.

Bago ang My Name Is Kim Soon ay nakapagtrabaho na rin siEugene sa bakuran ng GMA-7 sa pamamagitan ng film arm nitong GMA Films.Nakasama siya noon sa The Promise (2007) nina Richard Gutierrez at AngelLocsin, at kasalukuyan niyang ginagawa ang I.T.A.L.Y., kung saan kasama niyasina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Dennis Trillo, Mark Herras, at RhianRamos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Regine, na nakasama ni Eugene sa Paano Kita Iibigin?, kasama rin sa My Name IsKim Sam Soon sina Mark Anthony Fernandez, Wendell Ramos, Tessie Tomas, Nadine Samonte, Dr. Hayden Kho, CarmiMartin, Maureen Larrazabal, Pauleen Luna, Jennica Garcia, Mart Escudero, at angkaibigan ni Eugene na si John "Sweet" Lapus.

Gagampanan ni Eugene ang papel ng kaibigan ni Regine sa MyName Is Kim Sam Soon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN