PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera cried after her tough underwater scene in "Dyesebel"

Marian still refuses to talk about her lovelife.
by Erwin Santiago
Published Apr 24, 2008
"Kasi lumulubog ako, humahampas yung tubig sa akin. Magkasalubong kami ng alon, naglalaban, ‘tapos humahampas pa sa akin... Nagawa ko yung eksena, pero after nun, napaiyak talaga ako..." narrates Marian Rivera.

"Tarantada" ang description ni Direk Joyce Bernal sa character ni Marian Rivera sa Dyesebel. Ayon pa sa director, mas malapit sa tunay na ugali ni Marian ang character ni Dyesebel kumpara sa unang ginampanan ng young actress sa Marimar.

Sumang-ayon naman si Marian dito nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Dyesebel noong Lunes, April 21, sa poolside ng Hotel Sofitel sa may Roxas Blvd., Pasay City.

"Kasi walang effort, e. Kasi tarantada talaga si Dyesebel. Parang sa madaling salita, pasaway siya. ‘Pag sasabihin ng nanay niya, ‘Anak, huwag kang aalis ng bahay.' ‘Opo, ina.' Pag natulog si Ina, lalabas ako ng bahay. Pag puwede pang tumakas, tatakas uli ako kay Ina... So ganun siya kapilya," paglalarawan ni Marian sa bago niyang role.

Ganun din ba siya sa tunay na buhay?

"Hindi naman. Kaya siguro nasabing malapit sa akin, kalog kasi ako, e, masayahin akong tao," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADJUSTMENTS. Dahil ilang linggo lamang ang pagitan sa pagtatapos ng Marimar at pagsisimula ng taping nila ng Dyesebel, nagkaroon ng workshop sina Marian at Dingdong Dantes upang matanggal sa sistema nila ang karakter nila bilang Marimar/Bella at Sergio.

Paliwanag ni Marian, "Kasi talagang hindi biro na sabihin na hindi kami nahirapan ni Dingdong sa paglayo ng character dun sa natapos namin. Dun sa Marimar, lahat na yata ng attitude, nagawa ko na dun. Lahat ng tono ng boses, nagawa ko na dun. This time [sa Dyesebel], talagang nag-a-adjust kami kaya nag-workshop kami para maiba naman siya.

Ano naman ang mga pagbabagong ginawa niya para rito sa Dyesebel?

"Siguro yung intonation ng boses ko, yung paggalaw ko, yung kapilyahan ko, ‘tsaka yung mga salitang kalog ako. Kasi sa Marimar, hindi puwedeng kalog, e," sabi ni Marian.

CRYING DYESEBEL. Inamin din ni Marian na iniyakan niya ang underwater scenes niya sa first week ng taping nila sa Coron, Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo, inayakan ko talaga," sambit niya. "Kasi lumulubog ako, humahampas yung tubig sa akin. Magkasalubong kami ng alon, naglalaban, ‘tapos humahampas pa sa akin... Nagawa ko yung eksena, pero after nun, napaiyak talaga ako... Mga ilang minuto lang, ‘Okay na ako, kakain na po ako.' Nai-release ko na."

Bukod dito ay nagkasugat-sugat din ang ilang bahagi ng katawan ni Marian dahil sa matatalim na corals at mga bato sa dagat.

"Kasi malabo ang mata ko, 250 [visual acuity]. Sobrang labo niya!" sabi ni Marian. "Kapag wala akong contacts, wala akong nakikita. Kaya yung mga divers, ‘Peram po ako ng mask.' Tinitingnan ko muna sa ilalim ng dagat. Ime-memorize ko kung ano yung nasa ilalim. Pagtanggal ko [ng mask at contacts], nagpapanggap na lang akong may nakikita, pero wala talaga. Naa-appreciate ko yung ganda ng dagat kapag may mask, pero kapag wala na, nagpapanggap na lang ako!" nakakatawa niyang kuwento.

Dahil sa hirap na dinanas niya sa underwater scenes ay naitanong niya tuloy kay Direk Joyce kung kailan siya magkaka-paa sa bago niyang telefantasya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Oo, tinanong ko talaga!" tawa ni Marian. "Actually, mahirap talaga, sobrang hirap ng Dyesebel. Pero once na in-enjoy mo na siya at napanood mo na siya, yung playback sa TV, ‘Ay, ang cute pala.' Ang ganda pala sa ilalim ng dagat na lumalangoy ka ‘tapos nagpapa-cute-cute ka diyan, ang ganda!

"Natsa-challenge ako, mas ginaganahan ako. E, yung mga huling eksena ko sa Palawan, talagang pinursige ko. Nakita n'yo yung paglangoy-langoy, ngumingiti-ngiti na may ganyan pa [kumpas ng kamay], ine-enjoy ko na ‘yon," lahad niya.

Dahil sa training niya at actual shooting niya for Dyesebel ay masasabi raw ni Marian na magaling na siyang lumangoy.

SUNSILK COMMERCIAL. Isa si Marian sa pinaka-in demand na product endorser. Magmula nang maging hit ang Marimar ay naging sunud-sunod na rin ang TV commercials niya; nariyan ang Maxi Peel, PLDT, Fit ‘n Right, Sunsilk, at may lalabas na isa pa ngayong Linggo (April 27) na isang brand ng oatmeal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naitanong namin kay Marian kung bakit biglang nawala si Heart Evangelista sa TV commercial ng Sunsilk, samantalang silang tatlo ni Maja ang original image models nito. Sa TVC ay si Nikki Gil ang pumalit kay Heart, na incidentally ay pumirma na ng two-year exclusive contract sa GMA-7.

"Actually, wala akong idea," saad ni Marian. "Pero ang sabi sa akin, pumunta yata siya sa States."

(Ayon sa kampo ni Heart ay nagkataong magbabakasyon ang young actress sa States nang tawagan siya for the TVC shoot. Bagama't hindi siya nakasama rito ay hindi pa rin naman tinatanggal si Heart bilang endorser.)

Kuwento pa ni Marian, hindi sila magkakasabay nina Maja at Nikki sa shooting ng TVC. Hindi raw kasi magkatugma ang schedules nila, pero nagkita-kita raw sila nina Heart at Maja sa launch ng Sunsilk.

May nakakatuwa ring kuwento si Marian tungkol sa naturang event ng Sunsilk.

"Kasi nakita ko yung mga staff, parang puro taga-Dos. Sabi ko, ‘Ano ba naman ‘to, puro taga-Dos yung mga nandito?' Sabi ko sa PA, ‘Akin na ‘yang pin kong ‘Proud to be Kapuso.' ‘Hubadin mo ‘yan.' ‘Wala akong pakialam, proud ako!' Naloka sila nang bonggang-bongga dun!" pilyang kuwento ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DINGDONG & RICHARD. Nagbigay rin ng komento si Marian sa friction na namamagitan diumano kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez dahil sa mahigpit na kumpitensiya sa kanila ngayon. Si Dingdong ang kapareha ni Marian sa Marimar at Dysebel at si Richard naman ang katambal ng dalaga sa pelikulang My Best Friend's Girlfriend.

"Actually, mapapatunayan kong walang anuman sa kanila," saad ni Marian. "Dahil nag-Showbiz Central kami kahapon [April 20], nag-usap kami ni ‘Chard, ‘tapos dumating si Dingdong. Kaming tatlo, magkausap kami.

"Iba si Richard, iba si Dingdong. Iba sila ng personalities. At dahil sa mga katangian nilang ‘yon, nakikilala sila. Magkaiba sila."

Speaking of Dingdong, inulit ni Marian na wala silang problema ng girlfriend ng leading man niya na si Karylle. May mga kumakalat kasing intriga na lumalabo ang relasyon nina Dingdong at Karylle dahil sa pagiging malapit nina Dingdong at Marian. Idagdag pa rito ang mga romantic scenes nila sa kanilang mga programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okay kami ni K [palayaw ni Karylle]," giit ni Marian. "To be honest, siya pa ang lumalapit sa akin ‘pag hindi ko siya nakikita. O kaya ako, lalapit ako sa kanya. Malaki ang respeto ko sa relationship nilang dalawa kaya okay ako kay K. ‘Tsaka alam ni K kung gaano kami ka-close ni Dingdong bilang magkaibigan.

MARIAN'S LOVELIFE. Nang tanungin si Marian tungkol sa kanyang sariling lovelife, tumanggi na naman siyang magbigay ng detalye tungkol dito.

"Ibalato mo na sa akin ‘yon," pakiusap niya. "Huwag na lang natin siyang pag-usapan. Nakakahiya rin sa kanya kasi hindi naman siya showbiz, ‘tapos nasusulat sa diyaryo. Parang ako yung nahihiya.

"Wala naman sigurong masama na nakikita kaming lumalabas, kung magkasama kami. Dalaga naman ako at meron akong personal na buhay na akin na lang. Kasi buong buhay ko, nakalantad na sa publiko at kahit anumang gawin ko na nakikita nila, pintas dito o namumuna sa akin, naiintindihan ko. Sige, bilang artista, parte talaga ng buhay ‘yan. Pero yung personal kong buhay, palagi kong sinasabi, ibalato n'yo na lang sa akin ‘yan. Akin na lang. Yun na lang ang hinihiling ko," pagwawakas ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi lumulubog ako, humahampas yung tubig sa akin. Magkasalubong kami ng alon, naglalaban, ‘tapos humahampas pa sa akin... Nagawa ko yung eksena, pero after nun, napaiyak talaga ako..." narrates Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results