Isabel Blaesi says no to Mikee Lee and Dino Imperial

Isabel Blaesi on Mikee Lee: "Nawala ang spark." On DinoImperial: "Ayoko sa kanya, ayoko talaga!"



Hindi pala totoo ang napabalitanoon na nagkaro'n ng relasyon sina IsabelBlaesi at Mikee Lee at pagkatapos ay naghiwalay sila.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayIsabel kahapon, April 24, itinanggi niyang naging boyfriend niya ang binatangAtenista. Nilinaw niya ang lahat habang masayang nakikihalubilo sa presspeople at iba pang April birthday celebrators sa birthday presson na ibinigay sakanila ng ABS-CBN Star Magic.

BUSY MIKEE. Sabi ni Isabel, "Totoo pongnanligaw sa akin si Mikee, pero hindi ko po siya naging boyfriend. Sabi ko posa kanya, let's be friends na lang."

So binasted niya si Mikee?

"Hindi naman po basted na ayoko. Basta parang gusto kopong maging magkaibigan na lang kami," sagot ni Isabel.

Bakit hanggang friends lang ang gusto niyang maging relasyonnila ni Mikee, hindi ba niya ito type na maging boyfriend?

"Hindi naman po sa ganoon. Basta...‘pag may na-feel akosa ‘yo."

Wala ba siyang na-feel kay Mikee?

"Meron po, kaya lang parang eventually nawala. Nawalayung spark."

May nakita ba siyang hindi maganda kay Mikee kaya nawala angfeelings niya rito?

"Hindi, e. Nawalan na lang talaga kami ng ano, e.Parang nawalan ng gana pareho."

Sa ngayon ay wala nang communication sina Isabel at Mikee. "Matagal ko na po siyang hindi nakakausap simula nungmatapos yung show naming Abt Ur Luv.

"Ang pagkakaalam ko po, busy siya sa school, sobra.Alam ko po ngayon focused siya talaga sa school. Alam ko nga po natanggap siyasa Georgetown [University, in Washington DC, U.S.A.]."

STUDYING KIKO. May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

"Karamihan po non-showbiz. Pero may isa pongtaga-Siyete, yung sa StarStruck, si Kiko Junio."

May maasahan ba naman sa kanya si Kiko?

"Okey lang, pinag-aaralan ko pa muna siya."

NO TO DINO. Sa ngayon ay regular na napapanood siIsabel sa seryeng Prinsesa ng Banyera na pinagbibidahan ni KristineHermosa. Kapareha niya rito si Dino Imperial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung na-develop sa kanya si Dino at ligawan siya nito?

"Ayoko sa kanya, ayoko talaga," tigas sa tanggingsagot ng dalaga.

Bakit ayaw niya kay Dino, e, guwapo naman ito?

"Ang liga-ligalig kasi niya at ang kulit-kulit. Diyosko!"

May mga nagsasabi na hawig sila ni Dino.

"Oo nga po marami nga ang nagsasabi," agree niyasa amin.

So possible kayang maging sila, since kasabihan na ‘pagmagkamukha ay nagkakatuluyan?

"Ngiii!" nakasimangot na sagot ni Isabel sa amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN