Teri Onor adjusts showbiz career to job as Abucay vice-mayor

"Nakakapag-adjust na ‘ko,nae-enjoy ko na siya. At nakikita ko na hindi lang siya vice-mayor. Baka umakyat-akyatpa tayo ng konti," says Teri Onor about his job as Abucay vice-mayor.



Mag-iisang taon na mulanang manalo bilang vice-mayor ng Abucay, Bataan,ang comedian na si Teri Onor. Ito ang main reason kungbakit for a while ay hindi siya naging visible sa telebisyon.

Pero muli ngangmapapanood si Teri sa Dyesebel. Ang character niyang si Akirang, isang evil seahorse, ang isa sa mgaidinagdag na bagong tauhan sa istoryang hango sa classic komiks ni MarsRavelo.

NO CONFLICT. Ayon kay Teri nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ang pagbabalik-showbiz niya atpagtanggap ng isang primetime show ay hindi naman in conflict sa tungkulin niya bilang bise-alkalde ng Abucay.

"Wala namangconflict. Basta huwag lang namang tatamaan yung session na Monday, which isevery 3 p.m. Then, after ng session, puwede naman akong bumalik. Although, most of thetime talaga, nasa Bataan ako. Parang hands-on.Gusto ko na nakikita ko ang problema, paano sosolusyunan. Mahirap din kasi yung over the phone lang."

Kuwento pa ni Teri, nakapag-adjustna raw siya sa buhay-pulitika at nae-enjoy na rin daw niya ang tungkulin niya.

"Nakakapag-adjust na ‘ko,nae-enjoy ko na siya. At nakikita ko na hindi lang siya vice-mayor, baka umakyat-akyatpa tayo ng konti." Hindi na rin daw bago sa kanya ang politics since ang loloraw niya ay dati ring mayor.

Masaya naman si Teri nasa pagbabalik-showbiz niya. His first regular show ay pang-primetime pa at saisang malaking fantaserye na tulad ng Dyesebel.Wish lang niya na sana, huwag naman daw magalit sa kanya ang mga bata.

"Medyo nasa bad side kasiako ngayon. Pero funny-evil naman. Parang taga-sulsol. Medyo mahirap kasi,maliit lang talaga ‘ko rito na palagi akong nasa balikat ni Dyangga [played by MyleneDizon]. So, naka-harness ako palagi rito."

CAN'T GO BACK TO BULAGA. Masasabing sa noontime show na Eat...Bulaga! mas nakilala si Teri. Nang magsimula na nga ang electioncampaign last year, he had no choice but to leave the show. When asked kung babalikanba niya ang Eat...Bulaga!, maagap angnaging sagot niya na hindi pa raw siguro posible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap kasi, e. Ifever, I have to leave every day ng 9 a.m. sa Bataan.Critical ang time. ‘Tapos, 2:30 halos natatapos ang show, so, pagbalik ko ng Bataan, wala na ‘kong aabutan. Isang oras lang halos angipapasok ko. So, mahirap...baka masilipan lang ako na napapabayaan ko ang trabahoko. So, ito na muna para hindi masyadong taxing."

Naging pagkakataon na rinng PEP 'yon para maitanong kay Teri kung totoo ang isang tsismis: Kaya raw hindi na siyamakabalik sa Eat...Bulaga! ay nagkaroon siya ng utang sa kasamahan niya sa show na si Jimmy Santosat hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nababayaran.

Itinanggi naman ni Teriang tsismis na ito.

"Wala. That's not true.Noong nawala naman ako sa Eat...Bulaga!,standard na yun na kapag nangangampanya, bawal talagang makita sa telebisyon.Kaya naman hindi na ‘ko makabalik, mahihirapantalaga ‘ko sa oras.

"And with Jimmy naman,madalas pa rin kaming nagkakasama. Minsan nasa Bataan siya. Kahit noong campaign, nagkakasama rinkami. So, that's not true."

DEBT CASE. Kung tutuusin nga raw ay sakanya pa may utang ang ibang tao dahil sa isang investment na sinamahan niya.Teri informed PEP na lumabas na ang resolusyon ng Department of Justice atipinasa sa Regional Trial Court (RTC) ng Pasigang kasong isinampa niya laban sa isang Korean national. Nag-issue naman angPasig RTC ng warrant of arrest para sa Korean na "alias Cynthia Camacho."

Twelve million pesos angutang sa kanya ng Koreanang may Filipino alias dahil nakapag-asawa daw ito ngisang Pinoy.

"Actually, 25 million yun,pero 12 million lang yung sa akin. Yung 13 million sa ibang mga tao pa. Nagkataonlang kasi na ako yung kilala. Pero sa ngayon, inaayos na naman. Nakikipag-usapsila kung paano babayaran, hindi nga lang siguro buo.

"Sana makuha...kasi, naka-process naman siya nglegal at may kaso. Sa ngayon, ayoko munang sabihin kung paano nila ‘komababayaran kasi masyadong sensitive."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN