Eugene Domingo loves being up to her ears in work

"I love working, kaya sige lamang ako, tawid nang tawid kungsaan may kalye. Kahit saan, basta may trabaho, okey ako," says EugeneDomingo about the many projects she has been doing and others that she will soon be doing.


Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angpictorial ng ilan sa cast ng I.T.A.L.Y.(I Trust And Love You) ng GMA Films last Friday, April 25. Sina Jolina Magdangalat Eugene Domingo ang naghahanda sa pictorial. Si Mark Herras naman ay umaga panag-pictorial kaya hindi na namin nakausap.

NO FALLING OUT. Unang tanong ng PEP kay Eugene ay ang balitang nag-over dabakod na raw siya sa Kapuso network dahil may falling out sila ng best friendniyang si Direk Wenn Deramas at hindi na isinasama si Eugene sa mga projectsniya sa ABS-CBN.

"Hindi po totoo iyon, magkakabit na ang bituka namin niDirek Wenn," nakangiting sagot ni Eugene. "Sabihin na lamangnatin I'm an 'international' actress na puwede namang mag-fly over sa lahatng productions at sa lahat ng TV networks.

"Alam ni Direk Wenn ang offers sa akin ng GMA-7 at GMAFilms. Nakita naman namin ng manager ko na maganda ang offer nila, magandaang role ko at since wala pa naman akong project sa ABS-CBN, tinanggap naminiyon.

"Huli ko pang project kay Direk Wenn ay ang Volta at dapatay kasama ako sa Maligno pero hindipuwede dahil may conflict sa schedule ng taping. Saka maganda rin iyongnakagagawa ka naman sa ibang production dahil lumalawak lalo ang experience moat dumarami ang mga nakakatrabaho mo.

"Kasama naman ako sa movie nina Robin Padilla at Ai-Aidelas Alas, ang Ikaw Pa Rin (Bongga KaBoy) ng Viva Films na si Wenn ang direktor namin. Nasa My Monster Momdin ako, na co-production venture ng Regal Entertainment at GMA Films.

EUGENE'S FIRSTS. "At siyempre, sino naman angtatanggi sa offer ng GMA Films, itong I.T.A.L.Y.,e, first lahat ang nangyari sa akin dito?

"First time kong gumawa ng movie sa GMA Films. First time koring makapag-cruise at nakarating sa Europe, Asia, and Africa.First time kong nakasama ang ibang artista rito like Dennis Trillo and RhianRamos, at first time kong naging direktor si Mark Reyes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkuwento ng kaunti si Eugene tungkol sa role niya sa I.T.A.L.Y.

"Gumaganap akong head ng household sa barko at, naku! Abanganninyo, isang Italian actor ang ka-partner ko riyan. May nagturo rin saamin ng Italian, si Valentina, kaya kapag naggi-guest ako ngayon sa TV,nag-i-Italian ako, ‘chos!"

Kumusta naman pagtatrabaho niya with GMA Films?

"Unforgettable! Sa unang gabi lamang naman naminsa Costa Magica kami medyo nahirapan dahil mahangin at maalon. Pero pagkataposnun, very comfortable na kami.

"Grabe ang bonding namin, kapit-kamay kami sa trabaho, walangnaging pasaway, kung kailangan ang tulong ng bawat isa sa pagsu-shooting,sama-sama kami.

"Kapag bumababa kami ng barko, wala kaming ginawa ni Jolina kundipumunta sa mga simbahan. Kasi ang gaganda ng simbahan nila roon. Kapagbukas ang church, pumapasok kami, kung sarado, nagdadasal kami kahit sa gatelamang ng church. For our safety at success ng movie namin.

"Humanga rin ako sa boyfriend ni Jolina, si BebongMuñoz, na first time ko ring nakasama. Ang bait-bait niya, masayahin, atmarunong makisama. Lagi siyang may kuwento at tumutulong siya sashooting. Pero binibigyan naman namin sila ni Jolina ng ample time paramagkasama sila dahil five days lamang namin siyang nakasama. Bumaba kasisiya ng Barcelona dahil tutuloy pa siya ng Washington D.C."

"I LOVE WORKING."Hindi ba siya nagugulat na sunud-sunod ang projects niya?

"Hindi! Mas magugulat ako kung natutulog lamang ako athindi nagtatrabaho. I love working, kaya sige lamang ako, tawid nang tawid kungsaan may kalye. Kahit saan, basta may trabaho, okey ako."

Dumating sa pictorial ang executive producer ng Pinoyadaptation ng Koreanovelang My Name Is Kim Sam Soonpara raw sukatan ng kanyang chef uniform si Eugene.

"Natuwa nga ako nang malaman ko, pagbalik namin from Europe,na kasama raw ako sa Kim Sam Soon atgaganap akong chef friend ni Regine Velasquez. Sabi ko nga kay Songbird[Regine] na una ko siyang nakasama sa PaanoKita Iibigin nila ni Piolo Pascual sa Star Cinema, hindi ko siyahihiwalayan hanggang hindi ako nagiging singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mamayang gabi nga, may dinner kami, lahat ng cast ng drama-comedy,sa bahay ni Songbird sa Ayala Hills, siya raw ang magluluto. Sa Thursdaykasi, May 1, magsisimula na kaming mag-taping sa Tagaytay City.

"Pero pupunta muna ako sa dinner naman sa Xavierville, pagkataposng press preview ng Ploning ngPanoramanila, na kasama rin ako sa first movie co-production venture ni JudyAnn Santos.

"Sanaay panoorin ito ng mga tao, simula sa Wednesday, April 30, dahil ito na iyongmakabuluhan at magandang pelikula na hinihintay nila. Bukod sa mahusay nadireksyon ni Dante Nico Garcia, mahusay na acting ng mga artista at samagandang cinematography ni Charlie Peralta, mamahalin ninyo ang kagandahan ngCuyo, Palawan," nakangiting patapos niUge.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN