Young actor Dino Imperial open to a more daring image

"Walang daya yun. Hindi ako gumamitng lavacara doon ah! Napansin ko lang, kapag nasa mall ako or public place, yungmga tao, bigla na lang titingin doon sa harapan ko. Nakaka-conscious upon realizing na ganoon ang effectsa kanila. Pero natatawa na lang ako. I just got used to it," says Dino Imperial about his tight-fitting costume in Volta.



Nagdiwang ng kanyang 20th birthday ang young actor na siDino Imperial nitong April 9. Nag-decide siyangidaos ito through a foam party sa isang bar sa The Fort.

"Malaki-laki rin ang nagastos ko, pero okey lang,"sabi pa ni Dino sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Minsan langkasi mangyayari yun, parang pamamaalam ko na sa teen years ko. So I decided tobe with my friends and relatives.

"Gusto ko lang maging masaya. Sulit naman kasi afterthat, nanalo ako ng fifty thousand pesos when I joined Game KNB? [ABS-CBN game show hosted by Edu Manzano] kaya nabawi koyung ginastos ko sa party," dugtong niya.

DARING DINO. Laging may pilyong ngiti itong si Dino. Nag-umpisa itong maywholesome image, at hanggang ngayon, gustong ma-maintain ito sa kanya ng StarMagic. Pero mukhang mas bagay kay Dino ang medyo palaban o pagiging daring.

"Naiisip ko na rin ngang magbabad sa gym at magpalaking katawan," tuloy-tuloy na sabi pa ni Dino. "In preparation na rinfor a new image, kaya lang, nakakatamad na mag-isa ako sa gym. Gusto kongmagkaroon ng gym buddy, na tutulong sa akin, lalo kung magbubuhat ng mabibigat.Dyahe kasi kung papatulong ka sa ibang strangers na nandodoon sa gym."

Sinubukan ni Dino na magpunta sa isang gym na malapit sapinapasukan niyang school, sa La Salle-St. Benilde, sa Taft Ave., Manila, namalapit din sa tinutuluyan niyang bahay.

Ang stint niya sa natapos na comedy show na Volta ay lumikhang ingay nang mapansin ng televiewers na masyado raw bakat ang harapan ni Dino satight-fitting costume niya as a superhero na anak ni Ai-Ai delas Alas.

"Oo nga, hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin 'yan, e, walana yung show," banggit ni Dino. "Walang daya yun. Hindi ako gumamitng lavacara doon ah! Napansin ko lang, kapag nasa mall ako or public place, yungmga tao, bigla na lang titingin doon sa harapan ko. Nakaka-conscious upon realizing na ganoon ang effectsa kanila. Pero natatawa na lang ako. I just got used to it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At pumasok nga sa isipan niya na puwede nga siguro siyangmag-gym nang husto para gumanda ang katawan.

"Baka nga yun ang gusto ng mga tao. Why not? Pero sasamantalahinko muna itong wholesome roles na ibinibigay sa akin dahil minsan lang namanakong maging bata, di ba? Ayokong magmadali," sabi ni Dino.

Gusto sana ni Dino na mag-concentrate sa drama gaya saginagawa niya sa Prinsesa ng Banyera, pero may opportunities for him to do comedy, gayasa Parekoy. Nakapag-umpisa na si Dino na mag-taping dito, na ang nagdidirek sabagong show na ito ng ABS-CBN ay si Randy Santiago.

"April 9 ang eksaktong birthday ko, pero yun ang unangaraw ng taping ko, kaya trabaho ang inatupag ko," nangingiting sabi ngbinata. "Nerdy-nerdy ang role ko sa Parekoy. I'm happy kasi dumating yungbagong work nang patapos na kami for Astigs. May pagka-underdog naman ako doon,kaya iba-iba na yung naa-assign sa akin. I don't think na mata-typecastako."

CONFLICT WITH ENCHONG. Naalaala naming bigla ang conflict sa kanila ng co-star niyasa Astigs na si Enchong Dee. Noong una, akala namin ay biru-biruan lang 'yon,noong panahon pa ng Abt Ur Luv.

"Parang nagkapersonalan, pero dinadaan ko lang noon sabiro yun," pagtatapat ni Dino.

Ang tila cause ng conflict daw sa kanila ay si EmpressSchuck. Totoo ba ito?

"Dapat kasi, hindi. Hindi ko niligawan si Empress. Ifind her too young. Hindi talaga," sumpa ni Dino.

Lumapit daw si Enchong sa kanya at kinumpronta siya.

"Diniretso niya ako, na kesyo may naririnig daw siya nasinisiraan ko raw siya," kuwento ni Dino. "Naguluhan ako. I thinkit's more of case ng maling akala. Nagkaroon ng paliwanagan. Pareho namankaming cool ni Enchong. Wala namang nangyaring gulo. Pinag-usapan lang namin,and then, tapos na yun."

Inamin ni Dino na hindi taga-showbiz ang current girlfriendniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN