Beth Tamayo made to look younger in "Ploning"

"Kaya nga nagtatawanan na kami nung press preview ng Ploning.Kasi naka-braids nga ako," relates Beth Tamayo who was made to look like a 24-year-old when in real life she's 30.



Beth Tamayo is already 30 years old.

Pero sa Ploning, pinabata ang kanyang edad. Mayeksena pa nga raw roon na sinabi niyang 24 years old lang siya't magtu-25 palang.

"Anak kasi ako ni Mylene Dizon. Nung tumanda na siya, shewas played by Tessie Tomas, ‘tapos ako nga ang naging anak niya."

Kinailangan daw talagang pagmukhang bata pa siya sa Ploning.Isa sa mga paraang ginawa nila ang pagbabagong-ayos ang kanyang buhok.

"Kaya nga nagtatawanan na kami nung press preview ng Ploning.Kasi naka-braids nga ako. Sabi ko nga kay Ga [Dante Nico Garcia, Ploning'sdirector], ‘Ga, papasok ba? Magmumukha ba akong nasa early twenties lang? Naku,tawanan talaga kami nung preview na nung movie."

Natuwa nga raw siya nang husto sa itsura niya sa movie kayain-upload at naka-post na ang photos niyang naka-braid siya kanyang multiplyaccount.

WANTED TO CO-PRODUCE. Co-producer si Judy Ann ng Ploning. Bilang matalik namagkaibigan, muntik na rin palang maging co-prod dito si Beth.

Nagkausap na nga raw sila ng isa sa producers ng Ploning nasi Guia Gonzales.

"Nag-set na nga kami ng place and time to meet. Ang kasolang, nung aalis na ako, kinuha lahat ni Johnny [Wong, her businessman husband]ang mga sasakyan sa bahay. May mga guests daw kasi siya from Hong Kong."

Although tinext niya si Guia na male-late siyangmakakarating sa kanilang meeting, hindi pa rin siya nakarating dahil sa kawalanng masakyan. Tinext na lang uli niya ito na i-move na lang ang oras at araw ngkanilang pag-uusap. Hindi na raw ito nag-reply.

Nanghihinayang man, umaasa na lang si Beth na sa nextventure nina Juday at iba pang kapartner nito sa Ploning ay makaka-join nasiya.

"'Di bale, marami pa naman silang ipo-produce," aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN