DJ Durano on rumor about Wenn Deramas's influence: "Ano kasi ang masama roon?"

"Ginagawa rin yun ng ibang director... Kaya kung anuman angsabihin nila tungkol sa amin ni Direk Wenn, dedma na lang ako," says DJ Duranowhen asked about the rumors that his talent manager, Direk Wenn Deramas, gives him special treatment.


Positive ang response sa partisipasyon ni DJ Durano sa Maligno,ang bagong horror serye ng ABS-CBN na pinag-uusapan ngayon. Importante angrole niya rito bilang isang pulis na kampon din ng kadiliman, kaya lahat ngnakapangingilabot na pangyayari sa kuwento ay may kaugnayan din siya.

"Natutuwa ako dahil nagkaroon ako ng chance namakatrabaho uli si Claudine [Barretto]. We have worked before in otherteleseryes, like Marina and Walang Kapalit. Pati sa MaalaalaMo Kaya, nagkasama na rin kami, kaya very much relaxed yung kabuuan ngpagtatrabaho namin sa Maligno," kuwento pa ni DJ.

STRANGE EXPERIENCE. Ikinuwento rin ni DJang ilang aberyang kinaharap ng nabanggit na horror-serye sa huling dalawangaraw nila ng taping.

"Parang may pumipigil na tapusin namin angtaping," sabi pa ni DJ. "Narooong may pumutok na ilaw, nawawalan ngpower. Siyempre, nagkakatinginan na lang kami sa set kapag ganoon.

"Pero, ang feeling namin, lahat kasi kami halos sa set,grabe ang paniniwala namin sa Diyos. Tinrato naming trabaho ito, pero malakasang faith namin. May tsuma-challenge lang talaga."

Nagbabaon palagi si DJ ng St. Benedict's cross, lalo noongkasagsagan ng taping ng Maligno.

"Hindi biro ang ganitong experience na magtrabaho saisang project na tungkol sa God's rival, ang demonyo.

"Maski naman sa araw-araw na ginagawa natin, may mgapagkakataon talagang sinusubukan din tayo ng demonyo, kaya dapat na matatag angpaniniwala natin sa Diyos to overcome this."

AWAY FROM DIREK WENN. One of the rare times na magtatrabaho si DJ away from hisdirector-mentor na si Wenn Deramas ay ang teleseryengmagtatampok kay Kim Chiu, sa local adaptation ng Koreanovelang My Girl.

"Natutuwa nga ako dahil okey mismo kina Direk JeromePobocan at Erick Salud yung participation ko sa bagong teleserye.

"Marami kaming mga eksena rito ni Ronaldo Valdez natalagang mahusay, kaya dapat na up on my toes din ako. I play the love interestof Bing Loyzaga in the new soap," dugtong ni DJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DJ AND DIREK WENN'S RELATIONSHIP. Noon pa'y marami nang tumutuligsa na si Direk Wenn daw langang nagtitiyaga sa kanya.

"Kasi naman, manager ko si Direk Wenn. Natural lang,trabaho rin niya na suportahan ako. Ang advantage nga lang, in-demand siya as adirector, kaya hayun, marami rin akong jobs.

"Ano kasi ang masama roon? Ginagawa rin yun ng ibangdirektor na nagma-manage ng kanya-kanyang talents. Kaya kung anuman ang sabihinnila tungkol sa amin ni Direk Wenn, dedma na lang ako.

"Kasi, obvious naman kung bakit may mga taong ganyan.Mga naiinggit ba 'yan?

"May iba ring directors na nag-o-offer sa akin, perokailangang pag-aralan ding mabuti yung assignments. Kaya siguro may mganagkakainteres na ibang directors sa akin dahil nakikita naman nila kung anongklaseng trabaho ang ibinibigay ko," pahayag ni DJ.

ENTER RICKY GALLARDO. Kumalat ang chikang may iba nang nagma-manage kay DJ. Ito aysi Ricky Gallardo na siyang namamahala sa career nina Sid Lucero, Angel Aquino,Eugene Domingo, at iba pa.

"Hindi naman manager talaga. Si Direk Wenn pa rin angkinakausap tungkol sa akin. Si Ricky, tumutulong sa amin as an adviser. Kasi,sa recording, kailangan ko ng parang mag-aasikaso sa akin.

"I think si Ricky ang tutulong sa amin ni Direk Wenn saparteng 'yan. Walang masyadong nangyayari roon sa Ballyhoo Records na unangnag-release ng album ko.

"We're wrapping up a deal with Viva Records, para maslalo akong ma-promote," tanging nasabi na lang ni DJ.

Maganda rin ang partisipasyon ni DJ sa Ikaw Pa Rin(Bongga Ka, Boy!) ng Viva Films at markadung-markado siya bilang isa sa mga kabarkada ni RobinPadilla.

May rason talaga para kainggitan si DJ at maging tampulan ngmga intriga dahil na rin nga sa impluwensiya ng direktor na si Wenn Deramas, nasiyang nag-aasikaso talaga ng career ni DJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN