Gabby Eigenmann says nude photos of sister "no big deal"

"'Pag may pagkakamali at pagkukulang ang isa, hindidapat kinukunsinti. Kaya lang, may mga bagay na kami-kami na lang ang dapatnagkakausap at nakakaintindi, para hindi naman malagay sa alanganin ang buongclan namin," says Gabby Eigenmann about sister Katherine "Ira" Eigenmann's nude photos on theInternet.



Hindi pa man eksena ni Gabby Eigenmann ang kukunan sa MagdusaKa! nang dalawin namin ang taping nito, nasa set na si Gabby at naghihintayna ng instructions. Kaya sinamantala ng PEP (Philippine Entertainment Portal)ang pagkakataon para makatsika siya sa isa sa private rooms ng Marinara, isanggirlie club sa may Quezon Avenue.

ABOUT IRA. Itinanong agad namin ang isyu tungkol sakapatid niyang si Katherine "Ira" Eigenmann (magkapatid silang buo sa parentsnilang sina Mark Gil at Irene Celebre) na diumano'y pinagpipistahan ngayon anghubad na larawan sa Internet. (Click here for related article)

"As much as possible, ayoko nang magsalita pa tungkolsa isyung 'yan," sabi pa ni Gabby habang napapailing. "I have toprotect my sister, kaso nga, nariyan na 'yan.

"Ang sa akin lang, ayoko nang palakihin pa. With whathas happened, we're all just here to support her. Hindi naman din tama nailaglag siya dahil doon.

"The family is behind her, and we just don't want tomake a big deal out of it. But, it's not true that my parents are disowning herdahil doon," paglilinaw ng aktor.

Naitanong namin kay Gabby na sa loob ng 12 years niya sashowbiz, ano ang stand niya sa ganitong mga bagay? The Gils and the Eigenmannsof showbiz are considered a royal family, kaya isang kamalian lang ng isangmiyembro nito, tiyak na damay ang lahat at hinihingan na sila ng reaction.

"Kaya nga it entails a lot of responsibilities,"sabi ni Gabby. "Naririto agad kami sa showbiz dahil sa pangalan ng parentsand elders namin, so, it's just proper na protektahan namin yun by staying awayfrom troubles at kung anu-anong controversies.

"'Pag may pagkakamali at pagkukulang ang isa, hindidapat kinukunsinti. Kaya lang, may mga bagay na kami-kami na lang ang dapatnagkakausap at nakakaintindi, para hindi naman malagay sa alanganin ang buongclan namin.

"The family remains intact. 'Yan ang stand namin, kahitano pa ang mangyari, dapat ay sama-sama kami sa pagharap sa problema, sachallenges. For us, yung nangyari kay Katherine, it's really no big deal,"katuwiran ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOYAL KAPUSO. Sa Magdusa Ka!, Gabby playsthe role of Roland, half-brother ni Dennis Trillo sa istorya.

"This time, good boy role ito," nangingiting sabi paniya. "I was given good boy roles na rin before, but for a long time, purobad characters ang naa-assign sa akin. Na wala namang problema.

"Kaya masaya rin ako dahil naiiba itong latestassignment na ibinigay sa akin."

Sa totoo lang, Gabby may be just on the sidelines as acharacter actor, pero he remains loyal sa GMA-7. Parang kaunti na lang sila nagenuinely proud to be Kapuso talaga.

"Kokonti lang ba? Hindi naman," parang nadiyahe siGabby sa observation namin.

"Marami pa ring iba riyan. Ang sa akin lang, GMA-7talaga ang nagtitiwala sa akin, hindi naman ako napapabayaan.

"Lagi akong may assignments. Nag-decide man silangmaging semi-regular na lang ako sa S.O.P., still, nabigyan ako ng chanceto concentrate more on drama and other kinds of roles.

"Hindi ako nawawala sa mga teleserye. Ako naman, I'mjust here to work. Kung ano ang ibigay sa akin, pinagbubuti ko atipinagpapasalamat ko. Wala akong karapatang magreklamo. Walang dahilan paragawin ko 'yun," sabi na lang ni Gabby.

CONTENTMENT. Kung gugustuhin lang talaga ni Gabby,puwedeng naging pambida siya. Hindi lang naging ganoon ang packaging niya.

"Kuntento na kasi ako sa ganito. Kung bibigyan man akong opportunities na ganyan, why not? Pagtatrabahuan ko rin.

"Like here in Magdusa Ka, medyo nagbawas na akong timbang dito, para may makita naman silang bago sa akin. Kung mayroongpagkakataon, just give me enough time, I will work on the physical equirements.

"Sa ngayon kasi, I also have my musical career.Diversified pa rin, kaya I am not much into that. Basta, kung ano yung ibigayna role sa akin, pinagbubutihan ko na lang," sabi ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN