Ai-Ai delas Alas keeps herself busy with movies while waiting for next TV project

"I'm very sure, mayroon namang plano. Kayalang, mas magandang pag-usapan kung nariyan na. So far, busy naman kasi ako sasunud-sunod na projects at may inaasikaso pa akong business," says Ai-Ai delas Alas about her next TV project.



Magkaiba ang pahayag nina Ai-Ai delas Alas at Direk Wenn Deramastungkol sa proyektong may pamagat na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Sabi niAi-Ai, pang-Metro Manila Film Festival daw ito para sa Disyembre; samantalangang sabi naman ng direktor, nakatakda na silang mag-shoot this May for a Julyplaydate.

Anyway, magkaiba man ang sinabi nila sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nakatakdangsequel ng matagumpay na Ang Tanging Ina (2003), heto at sabay silang nagpu-promotepara sa forthcoming Viva movie na Ikaw Pa Rin (Bongga Ka, Boy!).

"Ibang klaseng excitement dahil nga si Robin Padillaang kapareha ko, for the first time," sabi ni Ai-Ai. "Iba talaga siRobin, at silang dalawa lang ni Bong [Revilla] yung gumanap na leading men ko talaga,na kami yung masasabing mga bida talaga sa pelikulang nagawa namin.

"Mahirap ikumpara sila ni Bong. Noong ginawa namin angKapag Tumibok ang Puso with Senator [Bong], para kaming mga cartoons doon. Thistime, kami ni Binoe [palayaw ni Robin], as in may love angle talaga nana-develop, and I'm sure matutuwang sundan ito ng mga manonood."

Usap-usapan siyempre ang ilang intimate scenes nila ni Binoesa kanilang bagong movie.

"Okey ang lasa ng lips ni Robin!" nakatutuwangsabi ni Ai-Ai. "Mayroon kasing halik na mararamdaman mo at malalasahan mo yunglaway, pero yung kay Robin, parang hindi ganoon. He's a good kisser. Maychemistry ang mga laway namin!

"Basta, tinira ko si Robin! At kung paano ko siyatinira, nangyari yun sa loob ng kotse. Hanapin na lang ninyo ang eksenang yunsa pelikula," at napahalakhak si Ai-Ai.

Ang malaking pagkakaiba nga raw ay yung hindi animated angkilos at paraan ng pagpapatawa niya sa Ikaw Pa Rin.

"Naisip kasi namin nina Direk Wenn, ibahin yung style.Para hindi naman kasawaan. Yung this time, sa istorya at situwasyon nakatutok. Hindiako parang cartoons dito sa movie. At ang kaibahan din nito, isa akong doktorasa kuwento nito. As in doktora ng mga hayop [veterinarian]," nakatawangdugtong uli ng komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BONGGACIOUS MOVIECAREER. Bongga ring maituturing ang movie career ni Ai-Ai. Kahit nga pagkataposng Volta ay mukhang walang immediate plans sa ABS-CBN for a new show namagtatampok sa kanya, kampante pa rin si Ai-Ai sa mga kaganapan sa kanyangbuhay.

"I'm very sure, mayroon namang plano," sambit niya. "Kayalang, mas magandang pag-usapan kung nariyan na. So far, busy naman kasi ako sasunud-sunod na projects at may inaasikaso pa akong business, yung Ai Sarap sa maytapat ng ABS-CBN, na twenty-four hours, at dapat na hands-on ako doon."

Kinumusta rin namin kay Ai-Ai ang pelikulang pagtatambalannila ng dating pangulong Joseph Estrada.

"Mukhang made-delay at baka sa August na kami mag-shoot,"banggit ng comedienne. "Ang alam ko, ipapaayos ni Erap yung tuhod niya, atsaka gusto niya in top shape siya 'pag nagsu-shoot kami"

What excites Ai-Ai even more ay makakasama niya halos ang originalcast ng blockbuster na Ang Tanging Ina sa sequel nito.

"Pati si Nikki Valdez na wala na sa limelight, may mgaeksena siya sa Canada kung saan doon na siya naka-base ng husband niya," masayang sabini Ai-Ai. "Umoo si Marvin Agustin, at okey naman daw sa GMA-7 na lumabasuli siya sa Star Cinema. Sila kasi yung original na mga anak ko sa movie, diba?

"Ang hindi na lang talaga pupuwede ay si HeartEvangelista dahil nakalipat na siya sa GMA-7 at exclusive na siya doon, andwe're sure mahirap na siyang payagan pa."

Naitanong din ng PEP kay Ai-Ai kung ano pa ba ang gustoniyang magawa sa comedy.

"Yung parang sa Borat, perohindi naman ganoon ka-brutal na may ipinapakita na!" sabi ni Ai-Ai. "Mahirapkasing ma-achieve yun dito sa Pilipinas dahil kilalang-kilala na ako. Masmaganda talaga kung isu-shoot sa ibang bansa, na parang reality show angdating.

"Palagay ko, magki-click yung ganoon. Yung talagangunpredictable kung ano ang mangyayari. Basta shoot lang nang shoot, at bahalana kung anong klaseng katatawanan ang lumabas," pagwawakas ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN