PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang feels insulted that Raymond Lauchengco doesn't know him

Ronnie and Raymond will have a face-off in "ASAP '08" this Sunday.
by Roldan Castro
Published May 2, 2008
"Siguro matagal na rin siyang nawala sa sirkulasyon at hindi masyadong nakikinig siguro ng radio or nanonood ng TV. Masyado na siguro siyang nag-lie low kaya hindi na siya update sa nangyari sa showbiz," says Ronnie Liang (right) about Raymond Lauchengco's (left) remark that he does not know him.

Maghaharap na ngayong Linggo, May 4, sa segment na "Music Room" ng musical variety show ng ABS-CBN na ASAP '08 sina Raymond Lauchengco at Ronnie Liang. Ito ay pagkatapos sabihin ni Raymond na hindi niya kilala ang 2nd runner-up ng Pinoy Dream Academy (PDA).

Ayon kay Raymond, hindi rin niya alam na ni-revive pala ni Ronnie ang hit song niya noong ‘80s na "Saan Darating ang Umaga" sa bagong album ng ASAP '08 mainstay. Ang kilala lang daw ni Raymond na nag-revive ng mga kanta niya ay sina Christian Bautista ng "So It's You" at Lea Salonga ng "I Need You Back."

Pero inamin naman ni Raymond na hindi niya pa naririnig ang version ni Ronnie ng "Saan Darating ang Umaga" kaya hindi niya mahusgahan kung nabigyan ba ito ng justice ng baguhang singer.

RONNIE'S REACTION. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie at inalam kung ano ang gagawin niya ‘pag nagsama sila ni Raymond sa Sunday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lalapit po ako at maghe-hello," sagot ni Ronnie. "Magpapakilala po ako na ako si Ronnie Liang, isa sa PDA scholars. Reregaluhan ko siya ng CD ko para malaman niya na ni-revive ko yung kanta niya at mahusgahan niya kung na-carry ko pong kantahin yung ‘Saan Darating Ang Umaga.'"

Sumama ba ang loob niya kay Raymond nang sinabi nitong hindi siya kilala ng dating sikat na singer?

"Hindi naman sumama ang loob, pero siyempre nakaka-disappoint," pag-amin ni Ronnie. "Magkakasama tayo sa showbiz at kahit papaano medyo matagal na rin tayo. Honest, nalungkot din po.

"Kasi kung sinabi po nina Sir Louie Heredia, Sir Gino Padilla, at Sir Randy Santiago na kilala nila ako nung magkasama-sama kami sa dressing room ng Boy & Kris, tapos siya [Raymond] hindi, nakakalungkot. Pare-pareho naman kaming singers. E, si Sir Randy nga, kinanta pa yung kanta kong ‘Ngiti,' so ibig sabihin ina-acknowledge din po niya ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siguro matagal na rin siyang [Raymond] nawala sa sirkulasyon at hindi masyadong nakikinig siguro ng radio or nanonood ng TV. Masyado na siguro siyang nag-lie low kaya hindi na siya update sa nangyari sa showbiz."

Nakakainsulto ba na hindi kilala ang isang singer ng kapwa niya singer?

"Opo," diretsong sagot ni Ronnie. "Nakaka-bad shot ng konti. Siyempre, maski papaano, may konti na rin tayong napatunayan. Lalo na sa PDA, 24 hours, araw-araw, imposibleng hindi niya tayo napapanood nun.

"Actually, yung tao kahit walang breeding o sabihin natin galing sa ganitong family kaya may attitude, pero sana po ay matututo po tayo sa pakikitungo lalo na sa mga kasamahan sa showbiz. Sana next time ‘pag tinanong siya, maging prepared po siya sa sagot niya na hindi nakaka-offend," makahulugang sabi ni Ronnie.

Nilinaw ni Ronnie na ang Universal Records ang pumili na i-revive niya ang awitin ni Raymond na "Saan Darating ang Umaga," na naging theme song din ng 1983 movie na may ganun ding pamagat starring Maricel Soriano, Nida Blanca, Nestor de Villa, Jaypee de Guzman, and Raymond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung may concert si Raymond Lauchengco sa May 16 at 17 sa Music Museum kasama sina Louie Heredia, Gino Padilla, at Randy Santiago titled Greatest Hits of the '80s,—si Ronnie naman ay may repeat concert sa Metro Bar sa May 17 kasama sina Yasmien Kurdi at Bodie Cruz.

Ibig sabihin nito, magkakatapat ang shows nina Ronnie at Raymond.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro matagal na rin siyang nawala sa sirkulasyon at hindi masyadong nakikinig siguro ng radio or nanonood ng TV. Masyado na siguro siyang nag-lie low kaya hindi na siya update sa nangyari sa showbiz," says Ronnie Liang (right) about Raymond Lauchengco's (left) remark that he does not know him.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results