PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iwa Moto settles issue with her boyfriend's ex-girlfriend

Iwa talks about leading men Robin Padilla and Dennis Trillo.
by Rommel R. Llanes
Published May 8, 2008
"Dati pa, nakapag-usap na kami. She's looking for my number tapos tinawagan ko siya. Tapos sabi ko, ‘Bakit mo hinahanap yung number ko?' Wala, kasi gusto na daw niyang matapos na," narrates Iwa Moto about her boyfriend's ex-girlfriend.

Gaganap na naman bilang kontrabida ang young actress na si Iwa Moto sa bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Magdusa Ka, kung saan kasama niya sina Katrina Halili at Dennis Trillo. Ang Magdusa Ka ang next project ni Iwa pagkatapos ng Joaquin Bordado.

"Maganda ang role ko sa Joaquin, pero dito, iba yung magiging ano... Kasi ako yung pangunahing malditang mang-aapi kay Kat," lahad ni Iwa sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Magdusa Ka noong Lunes, May 6.

Gaya ng pagsasama nila noon sa Kung Mahawi Man ang Ulap, magkakaroon din daw ng kissing scenes sina Iwa at Dennis dito sa Magdusa Ka. Pero hindi pa raw nakukunan ang naturang eksena.

DENNIS VS. ROBIN. Naitanong namin kay Iwa kung ano ang kaibahan ng halik ni Dennis sa kissing scene nila noon ni Robin Padilla sa Joaquin Bordado.

"Hindi ko naman sila masyadong dinama. Baka sabihin naman nila napaka-maniac ko!" tawa ng young sexy actress

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero inamin ni Iwa na mas kinabahan siya sa halikan nila ni Dennis noon sa Kung Mahawi Man ang Ulap.

"Kasi first time kong makipag-kissing scene," sabi ng dalaga. "Mas nakaka-tense yung kay Dennis. Yung kay Binoe, medyo inisip ko na lang sa sarili ko na trabaho lang talaga.

"Mas nakakahilo si Binoe kasi Binoe na yun, e. Ang level niya, iba na. Pero kay Dennis kasi tropa ko siya. Ewan ko, ang gulo nga, e. Puwede bang silang dalawa na lang?" tawa niya ulit.

Naalala rin namin, inirereto ni Robin si Iwa sa pamangkin nitong si Ralph Padilla. Ano na ang nangyari rito?

"E, wala, e," sagot ni Iwa. "Talagang magkaibigan lang kami, wala na tayong magagawa dun."

Bukod kasi dito ay may boyfriend na si Iwa na nagngangalang Michael Ablan.

Sinabi rin ng young actress na noong mga huling taping days niya sa Joaquin Bordado ay naging mas at ease na siya kay Robin kumpara noong una nai-starstruck pa ang StarStruck 3 First Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, "Ang nangyari kasi dun, every time na magte-take kami, kinukulit ko si Kuya Binoe. Tapos kinakausap ko siya, ang bilis-bilis kong magsalita, hindi niya ako maintindihan. Ending, ako na yung naging at ease; siya na yung napraning sa akin."

Pa'no niya ihahambing si Dennis kay Robin?

"Magkaiba. Pareho silang guwapo. Pero iba yung atake ni Binoe, iba yung atake ni Dennis. Si Dennis mabait na sweet; si Binoe medyo may pagka-macho na sweet din at mabait," saad ni Iwa.

Sino ang mas type niya sa dalawa?

"Wala, e!" natawang sinabi pa ni Iwa.

Kung wala siyang boyfriend at halimbawang sabay manliligaw sa kanya sina Binoe at Dennis, sino ang sasagutin niya?

"Puwede bang sabay sila?" tawa niya.

Kanino siya mas close?

"Mas close ako kay Dennis," pag-amin ni Iwa. "Nakasama ko na siya sa Super Twins, Zaido, Mahawi, at ngayon sa Magdusa Ka. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha ni Dennis!" biro niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ENCOUNTER WITH SACHIE. Naikuwento rin ni Iwa na nagkita at nagkaayos na pala sila ng Viva Hot Babe na si Sachie Sanders. Si Sachie ang dating girlfriend ni Michael Ablan na boyfriend ngayon ni Iwa.

Naganap daw ang pagkikita nina Iwa at Sachie sa taping ng All Star K, The P1 Million Videoke Challenge, kung saan K!ller si Iwa at isa naman sa mga contestant si Sachie.

Nagkaroon ba sila ng confrontation?

"Hindi, okay naman kami. Nakapag-usap na kami before," sabi ni Iwa.

Wala bang nangyaring tarayan or sampalan?

"Dyusko naman! Hindi naman ako cheap para makipagsampalan. Kung makikipag-away ako, ayoko naman na malaman pa ng tao," aniya.

Hindi na sila magkagalit?

"Hindi na," sabi ni Iwa. "Dati pa, nakapag-usap na kami. She's looking for my number tapos tinawagan ko siya. Tapos sabi ko, ‘Bakit mo hinahanap yung number ko?' Wala, kasi gusto na daw niyang matapos na."

Tinanong ba niya ba si Sachie kung totoong ipinamalita nito na inagawan siya ni Iwa ng boyfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala, sabi ko na lang sa kanya tapos na yun. Ang pinag-usapan na lang namin, hindi yung confrontation, hindi yung past, kundi kung paano namin aayusin yung gusot dati, na ngayon gusto naming maayos na.

"Nagkita kami, ‘Hi, kamusta ka na?' Bumeso ako sa kanya, bumeso siya sa akin. E, hindi ako puwedeng makisalamuha sa kanila kasi ako yung K!ller. E, di ba, pag K!ller ka, itinatabi ka sa ano...so nasa gilid lang ako. Nandun ako sa mga hosts," kuwento ni Iwa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dati pa, nakapag-usap na kami. She's looking for my number tapos tinawagan ko siya. Tapos sabi ko, ‘Bakit mo hinahanap yung number ko?' Wala, kasi gusto na daw niyang matapos na," narrates Iwa Moto about her boyfriend's ex-girlfriend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results