PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mickey Ferriols gets back to work while partner Archie Alemania takes care of their kid

Mickey says Archie wants a grand wedding.
by Rose Garcia
Published May 19, 2008
"I always tell Archie, ‘Babes, whatever happens, ke ikaw ang meron or ako, basta tulungan tayo,'" says Mickey Ferriols as she relates how she and partner Archie Alemania handle their relationship.

Parang on and off ang showbiz career ni Mickey Ferriols, lalo na nang mabuntis at manganak siya sa kanilang anak ni Archie Alemania na si Brent Marcus Alemania, now 2 years and 5 months old.

Now, she's visible again dahil kasama siya sa Star Cinema movie na Caregiver. Ayon kay Mickey, nagpapasalamat nga raw siya dahil kapag si Archie ang hindi masyadong busy, siya naman ang may pinagkakaabalahan at siyempre pa, source of income ng kanilang pamilya.

MICKEY'S TURN TO WORK. Contrary sa notion na financially, hindi sila masyadong okey ni Archie, ayon kay Mickey ay maayos naman daw ang aspetong ito ng pamilya nila at nagagawa naman daw nilang makaraos kahit both of them ay ang pag-aartista lang talaga ang source of income.

"Okey naman kami ni Archie," simula niyang pahayag. "Alam n'yo, ang dami kong dapat ipagpapasalamat sa Diyos. The time that I gave birth to Brent, wala akong work noon for one and a half year. And it was Archie na nagkatrabaho for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon naman na natapos ang Lastikman niya, wala pa kasi siyang regular na kasunod. Rumaraket-raket lang, mga guesting, hosting...ganyan. ‘Tapos lumalapit siya sa akin, sinasabi niya, ‘Pasensiya ka na, Babes,' siguro lalaki kasi siya. But I tell him, ‘Babes, para ka namang others, family tayo, ‘di ba? Pamilya na tayo.'

"Thank God na lang na ngayon, binibigyan naman ako ni Lord ng mga trabaho at the time na wala naman masyado si Archie. Alam n'yo, yung hindi Niya kami pinapabayaan na pareho kaming wala. So, I feel really blessed. Kaya sinasabi ko sa kanya na huwag ka nang ma-insecure kasi, nandito naman ako."

MONEY NOT AN ISSUE. Naniniwala si Mickey na sa pagsasama, hindi raw maganda na magiging isyu ang pera.

"Ang pangit, e, kapag naging isyu ang pera," sey niya. "That's why I always tell Archie, ‘Babes, whatever happens, ke ikaw ang meron or ako, basta tulungan tayo."

Ayon pa kay Mickey, medyo hirap daw ang ama ng kanyang anak sa ganitong situwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo nahihirapan talaga si Archie na i-digest yung ganoon kasi ang feeling niya, alam n'yo, yung machismo na 'ako ang lalaki'. But I tell him every day na, ‘Babes, it's okay...'"

PLANS, BUSINESS & WEDDING. Matagal na rin daw nilang naiisip na mag-put-up ng business, pero si Mickey na rin ang nagsabi na wala raw silang maisip na business na sa tingin nila, papatok talaga. Pero, aniya, gusto raw talaga nilang magnegosyo para kahit paano ay may fallback din sila.

On the other hand, matagal na rin silang nagsasama at nabiyayaan na sila ng isang anak. Pagdating sa planong church wedding ay hindi pa rin daw niya alam kung kailan talaga ito magaganap.

"Actually, plano pa rin siya!" natatawang pahayag ni Mickey. "Kasi parang ngayon, ang daming mga responsibilities na dapat naming asikasuhin. Although Archie and I know na kami na talaga.

"Like ako, wala na talaga 'kong planong maghanap. Si Archie naman, wala na rin siyang planong maghanap. O, ‘di ba, ang haba ng hair ko?" natatawang biro pa niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero seriously, sinasabi niyang talaga na ayaw na niyang talaga."

Pero, ani Mickey, ipu-pursue pa rin nilang dalawa ang kanilang church wedding.

"Before pa, noong nagsisimula pa lang kami, sinasabi na niyang gusto niya. Siyempre ako, gusto ko rin yun. Pero palaging naiisantabi. Like dumating nga si Brent. Pangalawa ngayon, nag-iipon kami para pang-aral ni Brent. Pero sure na kami, e.

"As far as I can tell, ha, I know... Kaso si Archie kasi, gusto niya talaga, engrande. Ako nga, sabi ko, simple na lang. Pero siya yung, hindi...gusto ko engrande! Minsan lang ako magpapakasal, so, it might as well, engrande talaga.

"Pero sabi ko nga, Diyos ko, how long? 10 years?!" natatawa niyang sabi. "Pero honestly, walang time-table, e. Puwedeng this year, next year. I can't tell, e. But for sure naman, kung magdedesisyon kami, you guys will be the first to know."

CLOSED CHAPTER. During the time na buntis pa si Mickey, madalas na napapabalita noon na sumusugod daw si Mickey sa taping or sa show ni Archie dahil sa selosan factor. Pero ayon na rin mismo kay Mickey, tapos na raw ang mga ganoong chapter sa buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay oo! graduate na kami ro'n. Wala na...Thank, God for that, graduate na kami. Parang ano ‘yan, four years na pagiging high school ulit. So, ngayon, wala na."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I always tell Archie, ‘Babes, whatever happens, ke ikaw ang meron or ako, basta tulungan tayo,'" says Mickey Ferriols as she relates how she and partner Archie Alemania handle their relationship.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results