PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kart racer turned actor Matteo Guidicelli has a crush on KC Concepcion

Matteo is touched by KC concepcion's kindness.
by Rommel R. Llanes
Published May 22, 2008
"I was brought up na irespeto yung babae. Saka ‘ayun, conservative ang family ko, e. Lahat ng babae dapat irespeto," says Matteo Guidicelli who talks about Erich (bottom), Karla (top) and KC in this interview.

Kasama ang kart racer turned commercial model-actor na si Matteo Guidicelli sa pinakabagong teleserye sa Haponstastik ng ABS-CBN, ang Ligaw na Bulaklak na pinagbibidahan ni Roxanne Guinoo na mapapanood na sa May 26 pagkatapos ng Wowowee. Gaganap dito si Matteo bilang isang rebeldeng anak.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa ginanap na presscon para sa naturang serye kagabi, May 21.

"Family ko is a political clan. Rebel ako sa family kasi ayaw ko ng politics. Then I fell in love with Erich [Gonzalez]. May love triangle kami rito ni Carla Humphries," kuwento ni Matteo sa PEP tungkol sa kanyang role.

LOVE TEAM: MATTEO AND ERICH. Si Erich ang ka-love team ni Matteo, na balitang nililigawan din daw ngayon ng binata.

"Sobrang bait si Erich. She's my good friend. I'm very nice to her and she's very nice to me also. Yun po. Pero yun, friends lang kami. Hindi ko po siya nililigawan," pagtatapat naman ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi niya nililigawan si Erich, bakit may balitang madalas niyang dalawin ang dalaga sa taping nito noon para sa isang defunct show ng ABS-CBN?

"Isang beses ko lang po siyang dinalaw. Kasi sa Alabang ang taping nila that time, e. Sa Alabang po kami nakatira. Sabi po niya sa akin, dalawin ko raw siya."

Hindi ba niya type si Erich na ligawan at maging girlfriend?

"Type ko naman po, but ngayon concentrate muna ako sa trabaho ko at sa school," sagot ng binata.

MELISSA'S CRUSH: MATTEO. Guwapo si Matteo kaya hindi kataka-taka na maraming girls ang nagkakagusto sa kanya. Isa na nga rito ang young actress na si Melissa Ricks na very vocal sa pagsasabing humahanga siya sa kakisigan ni Matteo.

Aware ba si Matteo na crush siya ni Melissa?

"May mga nagsasabi po sa akin. She's really nice. When I had a play sa Brent [School, kung saan nag-aaral si Matteo], nagpupunta siya doon, nanood po siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magkaibigan po kami ni Melissa."

Maraming lalaki ang sinasamantala ang mga babaeng nagkakagusto sa kanila. Pero hindi isa roon si Matteo.

"Hindi naman...kasi I was brought up na irespeto yung babae. Saka ‘ayun, conservative ang family ko, e. Lahat ng babae dapat irespeto."

MATTEO'S CRUSH. Si KC Concepcion naman ang crush ni Matteo.

"Ang dream girl ko po talaga, si KC Concepcion. Gusto ko po talaga siyang makita. I worked with her na po sa I Am KC. Sobrang bait po talaga ni KC, sobra. I didn't expect na ganoon si KC."

Kahit nakatrabaho na ni Matteo si KC ay hindi naman nagkaroon ng chance na maging close sila ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta.

"Hindi kami naging close kasi mabilis lang ang taping namin, one evening lang. But we spoke during the taping."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I was brought up na irespeto yung babae. Saka ‘ayun, conservative ang family ko, e. Lahat ng babae dapat irespeto," says Matteo Guidicelli who talks about Erich (bottom), Karla (top) and KC in this interview.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results