Presidentiables tackle controversial personal issues in final debate

Apr 24, 2016
<p>During the second part of the final leg of the <em>PiliPinas Debates 2016: The Presidential Town Hall</em> <em>Debate</em>, held in Pangasinan, the presidential candidates were given the chance to grill their fellow candidates on controversial personal

Sa ikalawang bahagi ng Pilipinas Debates 2016: The Presidential Town Hall Debate na ginanap sa Pangasinan at umere sa ABS-CBN noong Linggo, April 24, nabigyan ng pagkakataon ang limang presidential candidates na magbato ng tanong sa kanilang kapwa kandidato, na bibigyan ng sapat na oras para depensahan ang kanyang panig.

Sa mga nagharap-harap, agaw pansin ang tanong ni Sen. Grace Poe para kay Davao City Rodrigo Duterte.

Tinanong ng senadora ang alkalde kung ano ang kahihinatnan ng kababaihan kung sakaling siya ang mahalal na pangulo at inihalimbawa ang kanyang pahayag na weaker sex ang babae at nang tawagin ni Duterte na “drama queen” ang anak na si Inday Sara nang sabihin nito na rape victim din siya.

Depensa ni Duterte, “In Davao City, we're the first city to come up with the Women's Code.

“Davao City is the only city with the police department na walang vice squad. I have disbanded it because they used to arrest sex workers. The only person who can arrest them would really be city health, tapos to order the police.

Continue reading below ↓

“Sa Davao, ang mga Mutya ng Davao at Kadayawan Queen, we do not allow swimsuits, it's only shorts and beach wear. That is how important the women are in Davao.

“Meron kami niyan, Women's Code, the first, pinagbawal namin 'yang swimsuit, wala nang naka-bikini d'yan and even bawal ang pulis maghuli at ang mga babae do'n hindi natatakot kung saan-saan sila mamasyal in Davao City.”

Nag-follow-up question si Sen. Grace at sinabi kay Duterte na sa kabila ng mga sinabi ni Duterte, nararapat lamang ang magandang pagtrato sa mga babae.

“That is what I am: you are you and I am I, so 'yon ang identity ko.

“But really yung babae na rape na Australian sa Davao, pinatay ko lahat yung 16. Nagmura ako then I narrated it in a different situation but it is all true. There was no malice in that,” dagdag ng alkalde.

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang Australian rape victim sa Davao City nang magbiro si Duterte sa isang campaign rally na sana siya ang nauna nang makita niya kung gaano kaganda yung biktima.

“It's just a narration na ito ang nangyari kasi ang rinig ko one of these guys kumukuha ng original tape sa galit ko and they were about to use it, binibili nila ako ng one million, e, inunahan ko na because kung maglabas 'yan ngayon at this very late day, I would have a hard time coping with it.

“Kaya nalabas ko na at yung galit [ko sa isyu] ng babae, there was really no malice. It was a pure narration of the truth,” paliwanag pa niya.

Nang mabigyan naman ng pagkakataon si Duterte na tanungin si Sen. Miriam Defensor-Santiago, tinanong lang niya kung kumusta na ito.

Nagsalita naman si Santiago tungkol sa kanyang kalusugan na aniya'y ginagamit laban sa kanya upang siya'y sirain.

Continue reading below ↓

Matatandaang inamin ni Santiago ang pagkakaroon niya ng lung cancer taong 2014.

Sabi niya, “I'm almost back to normal good health because I'm on a secret pill that is not yet available in the market.”

Dagdag ng senadora lubhang mahal ang gamot pero tinawag niyang itong “miracle worker” dahil halos balik normal na siya.

Hinaing niya, “I have been the subject of much black propaganda concerning my health.

“I have never been false to the people. The moment I was diagnosed, I immediately called a press conference and announced the stages of my health, but after consulting with my sister who is a doctor in the United States, I learned now that there is a cancer revolution there.”

Tinanong naman ni Santiago si Secretary Mar Roxas na magbigay siya ng mga halimbawa kung paano siya kwalipikado bilang pangulo—academically, professionally, at morally.

Continue reading below ↓

Ani Roxas, nakapagtapos siya sa Wharton School of Business sa US na isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa Amerika.

Nagkatrabaho rin daw sila ni Santiago bilang mga senador at tinawag pa niyang “best judge” si Santiago upang makapagsabi sa kapabilidad ni Roxas.

Sa loob din daw ng higit sa dalawang dekada, hindi raw nasabit ang pangalan ni Roxas sa anumang anomalya.

Sa tanong naman ni Vice President Jejomar Binay kay Sen. Grace, sumentro ito sa isyu ng pagiging Pilipino ng senadora, na siyang maikokonsiderang pinakamalaking isyung kinaharap ni Grace sa kanyang pagtakbo.

Sinabi naman ni Grace na hindi niya kailangang itakwil ang kanyang paging mamamayan ng Pilipinas upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Hindi rin daw kabawasan ang pagmamahal sa kanyang bansa ang magtrabaho sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya.

Meron din daw batas na kinikilala ang pagkakaroon ng dual citizenship.

Ayon pa sa senadora, puwedeng umalis ang isang Pilipino sa Pilipinas pero hindi maiaalis ang Pilipinas sa isang Pilipino.

Continue reading below ↓

Sa pagtatrabaho raw sa US, nagkaroon siya ng mas malawak na pananaw at gusto niya itong magamit upang mapabuti ang kanyang bansa.

Isa ring nakaagaw pansin ay ang tanong ni Roxas kay Binay, kunsaan kinuwestiyon niya ang Vice President hinggil sa overpricing ng building at iba pang kagamitan sa Makati City na umano'y ibinulsa ni Binay.

Banat ni Binay, si Roxas ang halimbawa ng mga taong hindi tumatanggap ng paliwanag at nakikita lamang ang gustong makita.

Idiniin din ng Bise Presidente na sinagot na niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Dagdag pa niya, ang debate ay pagsentro umano sa mga plataporma nila bilang mga kandidato at sinabi ni Binay na ang focus niya ay mabigyan ng mas magandang buhay ang mga magsasaka at mangingisda.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>During the second part of the final leg of the <em>PiliPinas Debates 2016: The Presidential Town Hall</em> <em>Debate</em>, held in Pangasinan, the presidential candidates were given the chance to grill their fellow candidates on controversial personal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results