PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi happy that "Babangon Ako't Dudurugin Kita" is seen as most intelligent GMA-7 soap

Yasmien calls Direk Joel Lamangan "The Best."
by Rose Garcia
Published May 24, 2008
"As in, nagulat po kaming talaga sa rating lalo na noong lumabas na ako as Salve at kinawawa na niya sina Via at Alfred. Pati yung Joaquin Bordado, nataasan din niya sa rating, which is, hindi po talaga namin ine-expect," says Yasmien Kurdi about her soap Babangon Ako't Dudurugin Kita.

Ilang weeks na nga lang ang itatakbo ng Babangon Ako't Dudurugin Kita na ayon sa bida nito na si Yasmien Kurdi ay hindi na talaga maaari pang i-extend dahil sigurado raw na masisira lang ang istorya.

Pero, aniya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), masayang-masaya siya sa rating na naitatala nila at sa mga feedback at comments na natatanggap nila.

"Hindi na po talaga puwedeng i-extend kahit mataas ang rating. As in, nagulat po kaming talaga sa rating lalo na noong lumabas na ako as Salve at kinawawa na niya sina Via at Alfred. Pati yung Joaquin Bordado, nataasan din niya sa rating, which is, hindi po talaga namin ine-expect. Kaya ang saya pong talaga, pero yun nga lang po, hindi na po talaga puwedeng i-extend pa."

THE BEST. Hinding-hindi makakalimutan ni Yasmien ang Babangon sa direksiyon ni Joel Lamangan, na itinuturing niyang "the Best," bukod sa naipakita raw ni Direk Joel ang ibang kaya pa niyang gawin sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nanonood at pumupuri sa acting ko. Ibang klase po kasi ang mga eksena namin sa Babangon. Kumbaga, naipapakita po sa palabas namin ang realidad ng buhay, kung ano talaga ang nangyayari at situwasyon din sa ating lipunan at pulitika na talagang nangyayari in real life.

Isa pa raw sa nakakapagbigay ng inspirasyon sa kanya ay nang makabasa raw siya ng comment na ang Babangon ang siyang pinaka-intelligent soap sa GMA-7.

OVER-EXPOSURE. On the other hand, hindi raw talaga maaaring maiwasan ang tinatawag na over-exposed kung sa katulad niya na napapanood na gabi-gabi at meron pa rin sariling show na pinagbibidahan tuwing Linggo.

Naramdaman daw niya 'yon with Tasya Fantasya.

"Agree po ako ro'n, kasi, kapag angat ang isa sa show mo, meron din isa na medyo bababa. Nagkataon kasi na ngayon din umere ang Tasya, although, last year pa naman talaga. Pero kahit ako rin naman, walang magagawa dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Happy pa rin naman po kami, kasi karamihan naman ng episodes namin sa Tasya, angat naman pong talaga ang rating namin."

Read Next
Read More Stories About
Yasmien Kurdi
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"As in, nagulat po kaming talaga sa rating lalo na noong lumabas na ako as Salve at kinawawa na niya sina Via at Alfred. Pati yung Joaquin Bordado, nataasan din niya sa rating, which is, hindi po talaga namin ine-expect," says Yasmien Kurdi about her soap Babangon Ako't Dudurugin Kita.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results