Mat Ranillo III is mad at daughter Krista's sexy pictorial for "Paupahan"

It seems that Krista Ranillo's decision to take the sexy route did not have her father Mat Ranillo III's approval. On seeing Krista's daring pictorial for the movie Paupahan, the famous '70s matinee idol reportedly got mad at his daughter.


Specific ang directquote ni Krista Ranillo on how she feels her famous father, ‘70s matinee idol MatRanillo III, would react about her launching movie, Paupahan.

And we quoteagain: "Si Daddy, hindi niya nabasa yung script. Hindi niya pa rinnapapanood ang movie, but I'm confident naman na magugustuhan niya ito. Perosiguro sa una mabibigla siya kasi hindi siya sanay na ganoon yung role ko andyung dialogues. But I know he will be supportive pa rin." (Click here for related article).

It turns out daddy is not that supportive and obviously,hindi rin niya ito nagustuhan. Pagkatapos kasing ma-post ang first item naminabout this dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 3, tumawag agad sa aminang co-producer and scriptwriter of the movie na si Dennis Evangelista.Tinawagan daw siya ni Krista na nag-iiyak, galit ang daddy niya sa kanya.

A friend of her father's read the PEP article and saw thepicture and immediately notified Mat, who was shocked at his daughter's sexypictorial.

Ang request ni Krista kay Dennis, i-tone down ang sexy slantng movie and kung puwede, huwag nang ilabas ang iba pang sexy pictures niya.

Sagot naman daw ni Dennis, it's a sexy movie and she knewthis when she accepted the role. Sana raw, na-consult muna ni Krista ang kanyangama before she agreed to do the movie.

Hindi naman siguro ikahihiya ni Krista ang pelikula dahil itwas approved without cuts ng MTRCB (Movie and Television Review andClassification Board) and was even given an R-13 rating. ‘Tapos, naka-B pa angpelikula sa Cinema Evaluation Board.

Sa parte ng boyfriend ni Krista na si Direk Dominic Zapata,okay naman daw ang ginawa ni Krista and supportive pa rin ito.

Balitang hindi pa rin nakikita ni Mat ang sexy pictures ni Krista forthe August 2008 issue of FHM magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN