Gary Estrada relieved by settlement of case on his farm in Quezon

"Siyempre, hassle lang, mahirap lang yung proseso. Perookey na, masaya ako na naibalik na. Kung anuman yung mga nangyari, wala nayun. Ngayon nga lang, mas careful na ako, especially sa titles ng mgaproperty," says actor Gary Estrada about the case of his farm in Quezon.


Bagamat madalas naha-hype ang paghihiwalay ng isang showbiz couple, marami pa ring mgamag-asawang artista na napapanatiling intact ang kanilang relasyon at buo angkanilang pamilya.

Who would think na ang dating matinee idol, na nakilala dahilsa kanyang playboy image—si Gary Estrada—could make his marriage last? Sevenyears na rin since ikinasal sila ng asawa niyang si Bernadette Allyson. Now,they are blessed with three beautiful children.

Nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Garyay kauuwi lang nilang mag-anak from their out-of-town vacation sa Subic.

"Wala lang, nagbakasyon lang ng konti. Medyo maluwag kasiang schedules ngayon dahil katatapos lang ng naging teleserye ko sa GMA-7,yung Kaputol ng Isang Awit. At saka, at least, bago rin pumasok sa school yungpanganay, nakapagbakasyon na rin kami.

"Siguro anytime, uuwi naman kami sa Quezon, sa farm,mag-i-stay kami ro'n ng ilang days. Alam n'yo naman ako, iba talaga yung tawagsa akin ng buhay sa farm," natatawang sabi niya.

CONTROVERSY AT THE FARM. Speaking of his farm, may mga isyung lumabas kaugnay ng farmniya sa Tiaong, Quezon. Diumano, may kaugnayan sa isyu ang ina ni Gary na siAgnes Moran. Lumabas kasi ang balitang naisangla raw ni Gng Moran ang propertyni Gary, na matagal ding sinikap maipundar ng aktor.

Pero halatang relieved na si Gary sa isyung ito dahil okeyna raw ang lahat at naibalik na rin kanya ang titulo ng lupa. Aminado si Gary na para muling mabawi ito ay ilang milyon angnaubos niya dahil tumagal ang kaso.

Gayunpaman, isang bagay ito na ayaw nang idetalye ngaktor. Aniya, "Okey na yun, tapos na yun. Ang mahalaga, nasa akin na ulit yung farm. Although hindi naman nawala dahil kahit nung time na nawalapansamantala sa akin ang titulo, ako pa rin yung nandoon sa farm. Hindi namannangyari yung hindi namin ito napupuntahan.

"Siyempre, hassle lang, mahirap lang yung proseso. Perookey na, masaya ako na naibalik na. Kung anuman yung mga nangyari, wala nayun. Ngayon nga lang, mas careful na ako, especially sa titles ng mgaproperty."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa pangyayaring ito, napatunayan ang pagiging mabutinganak ni Gary sa kanyang ina. No wonder, ang description ng asawang siBernadette kay Gary ay napakabait na asawa, kaya going strong pa rin angpagsasama nila.

WAITING FOR NEXT PROJECT. After Kaputol ng Isang Awit, naghihintay lang daw si Gary ngfollow-up project na puwedeng ibigay sa kanya ng GMA-7. Ayon saaktor, masaya siya being a Kapuso.

"Ilang taon na rin ako na halos lahat ng shows ko, puroGMA. Masasabi ko na mas gamay at mas kumportable ako working with GMApeople," sabi niya.

Pero nilinaw naman ni Gary na he's not exclusive to the Kapuso Network, kaya open din siya to do projects kahit sa ibang network, as long asmaganda naman ang offer. Kung siya raw ang masusunod, gusto raw niya nakasing ganda sana ng naging role niya sa Kaputol ang Isang Awit ang susunodniyang gawin.

"Sobrang proud kasi ako sa ginawa ko sa Kaputol,"sambit ni Gary. "In fact, puwede kong sabihin na sa lahat ng ginawa ko, ito angpinakagusto ko at pinakamaganda sa lahat. So hopefully, sana yung susunod,maging kasing ganda rin ng ibinigay sa akin sa soap na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN