Gerald Anderson rushed to hospital due to overfatigue

Young actor Gerald Anderson had to be pulled out from the taping of My Girl last Monday, June 2, because he had fever.


Bumigay ang katawan ng young actor na si Gerald Andersondahil sa sobrang pagod sa set ng teleserye nila ni Kim Chiu, ang My Girl, saSan Juan de Dios Hospital sa Pasay City noong Lunes, June 2. Tinamaan ng lagnatsi Gerald.

Nagkataon naman na ang location nila that day ay sa ospitalkaya nabigyan agad si Gerald ng first aid at pinainom ng gamot. Dahil dito, hindinakunan ang mga eksena ni Gerald, pero tuloy pa rin ang taping ng ibang cast.

Worried na worried si Kim nang malaman ang condition niGerald. Hindi ito mapakali at gustong sumunod sa nilipatang hospital ni Gerald.Naibsan ang worry ni Kim nang tiyakin ng production staff na she will be informedevery now and then sa kalagayan ng kapareha.

"He was advised to get at least three-day rest," ayon sa nakausapng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Mataas ang temperature niya. Atfirst, we thought it was dengue."

That same day, nakuha rin daw agad ang resulta ng tests ni Gerald.Negative ang aktor sa urinary tract infection (UTI) at dengue. Nakahinga nang maluwag ang mga handler niGerald sa magandang resulta ng tests.

Makakahinga na rin nang maluwag ang mgafans ni Gerald ngayong safe na ang young actor sa isang kinatatakutang karamdaman.

Hopefully ay makapag-report na si Gerald sa set ng My Girlthis Friday, June 6. Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes kasi ang taping nila ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN. Maraming maiipit na commitments kung nagtuluy-tuloy ang sakit niGerald.

The following day, Saturday (June 7), Gerald and Kim willplay a big part sa Big Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus nagaganapin sa Araneta Coliseum. Isang bonggang production number ang gagawinnila ni Kim at ng iba pang cast.

Kung matatandaan, sina Kim at Gerald ay produkto ng firstseason ng PBB Teen Edition. Si Kim ang naging Big Winner at third placer namansi Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nagpapasalamat naman si Gerald dahil patuloy ang pagtaasng viewership ng My Girl. Base sa latest survey, ito ang number one primetimeshow ng ABS-CBN ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN