Ten newbies vie for Best New Actor and Actress at Star Awards for Movies on June 27

(Top, from left) Zanjoe Marudo, Gammy Lopez, Will Sandejas, and Matt Evans will compete for Best New Actor along with Jerrold Tarog (not in photo); (below, from left) Rhian Ramos, Lovi Poe, Jennica Garcia, and Ina Feleo will battle it out for Best New Actress along with Mayo Suzuki (not in photo).



Tuloy na tuloy na sa June 27 ang 24th Star Awards For Moviesna gaganapin sa Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University sa Katipunan, Loyola Heights, Quezon City. Ite-telecast angproceedings ng awards night sa June 29 sa ABS-CBN.

Isa sa pinakamahalagang awards saStar Awards For Movies ay ang kategoryang Best New Actor and Actress. Sa mganagdaang taon, makikislap na pangalan sa kasalukuyan ang mga nagtamo ng award.Ilan sa kanila ay sina Daniel Fernando, Dennis Trillo, Marvin Agustin, RyanEigenmann, at Tonton Gutierrez na ngayon ay kinikilala sa kanilang husay sapagganap.

Sa mga aktres naman, ang mga nagwagi na nito ay sina KrisAquino, Lotlot de Leon,Angelika dela Cruz, at Sharmaine Arnaiz. Gaya ng kanilang male counterparts ay naging matagumpay rin at nagkaroon ng matinding stayingpower sa larangan ng showbiz.

Ngayong taong ito, limang lalaki at limang babae angmaglalaban-laban para sa tropeyo na simbulo ng tuluyang pamalalagi nila sa industrya.Gaya na ng nakagawian, dumaan sila sa isang masusing proseso bago silanapili. Hinimay-himay ang maraming pelikula at sa bandang huli, ang mgapangalang ito ang namukod-tangi.

Sa pamimili ng kung sino ang tatanghaling pinakamagaling samga baguhan, higit itong mahirap dahil halos lahat ay pantay-pantay, walangangat, walang kulelat sa mga nominado.

Sa male category, mamimili ang mga botante ng PhilippineMovie Press Club (PMPC) kung kanino kina Will Sandejas, Zanjoe Marudo, GammyLopez, at Jerrold Tarog ang tatanghaling Best New Male Actor.

Sa mga babae naman, isa kina Rhian Ramos, Lovi Poe, Mayo Suzuki, Ina Feleo, at Jennica Garcia ang tiyak na papalaring manalo bilangBest New Actress.

Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga nominado para sa dalawang kategoryang ito, at ito ang kani-kanyang reaksyon tungkol sa pagkakapili sa kanila.

Best New Actor Nominees

WILL SANDEJAS. "Para na rin po akong nanalo sa nominasyongito, nagpapasalamat po ako sa PMPC sa pagbibigay-importansiya nila sa role ko saSikil. Hindi ko ito inaasahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung tutuusin, maliit na aktor pa lang si Will, halos walapang star value. Pero sa una pa lang niyang pagganap, sa pelikulang Sikil,ipinakita niyang posibleng maging isa siyang respetadong aktor kung mabibigyan pasiya ng ibayong break.

Sabi nga niya, "Sana naman po, maging simula na itong Sikil. Gusto ko pa talagang manatili saindustriya kaya umaasa akong papansinin ako ng mga producer at direktor diyan."

Pagkatapos ng Sikil, isinali rin si Will sa Troika, at ilanpang mga pelikula at TV projects, pero tila nasasayang nga lang ang galingniya. Sa kagaya niyang indie actor, kailangan talaga niya ng matinding pansinmula sa mas malalaking produksyon upang maipagpatuloy niya ang kanyang ambisyong maging ganap at respetadongaktor.

ZANJOE MARUDO. Suwerte ang naghuhukom sa career path niZanjoe Marudo. Puwedeng sabihing inihain sakanya ang stardom sa isang ginintuang plato. Mula kasi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition, isa siZanjoe sa nabigyan ng matinding break ng ABS-CBN.

Sa unang salang niya sa You've Got Me ng Star Cinema ay bidasiya, kasama sina Toni Gonzaga at Sam Milby.Kahit yung exposure niya sa TV ay sobrang tindi rin. Puwedeng sabihing sa hanayng mga nominado, siya talaga ang may pinakamabigat ang karanasan. Pero ‘ika nga,bilog ang bola kaya kahit na halos nakasisiguro na si Zanjoe,may tulog pa rin siya sa iba.

"Dinig ko nga po, mahalaga ang Star Awards For TV. Sana poako ang manalo. Pero kung hindi naman, malaki pa rin ang pasasalamat ko saPMPC. Isang karangalan po para sa akin ang mapansin ng inyong organisasyon,"sabi ni Zanjoe.

Sa ngayon, marami nang naka-lineup na movie, TV, at iba pangprojects para kay Zanjoe Marudo.

GAMMY LOPEZ. Siya ang kakambal ni Nathan Lopez, ang mahusayna teen actor na nadiskubre sa Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Sa PisayBatch ‘86, ipinakita ni Gammy ang kanyang kakayahan bilang aktor. Sa unang mgaeksena, aakalain mong siya si Nathan, pero makikita mo ang pagkakaiba dahil ibaang atake ni Gammy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung papalaring manalo si Gammy, puwede nang sabihing hindisiya pahuhuli sa sikat niyang twin brother.

"Parehong mabait ang mga anak ko, hindi po silanagsasapawan," sabi sa amin ng kanilang ama nang makatagpo namin sa isangfunction. "Nagtratrabaho po sila dahil gusto nilang makatulong sapamilya. Kahit po sa mga araw-araw na buhay nila, hindi po silanagkukumpetisyon. Nagbibigay po sila ng suporta sa isa't isa."

JERROLD TAROG. Walang masyadong impormasyon kay JerroldTarog. Pero siya ang mahusay na Visayan actor na gumanap bilang mayor sa indiemovie na Confessional, isa sa mga mahuhusay na pelikula last year.

Binigyan ng character ni Jerrold ng kakaibang timpla ang pelikula. Napakahusay ng pagganap niya that itmerited a nomination sa PMPC Star Awards for Movies this year.

MATT EVANS. Panggulat din gaya ng kanyang Pedro Pendukocharacter ang role ni Matt Evans sa una niyang movie, ang Shake Rattle &Roll 9 ng Regal Entertainment.

Pangiti-ngiti lang si Matt Evans nang makausap namin tungkolsa kanyang nominasyon. Ayon sa kanya, nagulat siya dahil hindi niya akalaingpapansinin siya sa naturang pelikula.

"Pero talagang salamat po. Hayaan ninyo, kung magkakaroon papo ng tsansa sa ibang movies, paghuhusayan ko pa po lalo. Promise po, hindi kobibiguin ang paniniwala ninyo sa aking kakayahan," pahayag ni Matt.

Best New Actress Nominees

RHIAN RAMOS. Si Rhian Ramos ay nominado para sa kanyangpagganap sa Ouija ng GMA Films. Markado at mahaba ang role niya at talagangnakipagtagisan siya sa mga bidang sina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, at Iza Calzado.

Puwede nang sabihing halos kapantay na siya ng mganabanggit, pero dahil nga baguhan pa lang, sa supporting level siya ikinunsidera.Pero talagang ibinigay lahat ni Rhian ang nalalaman niya sa pag-arte.

Puwede ring sabihing hasa na siya sa TV kung kaya nagingmahusay siya sa Ouija. Walang jitters at professional ang kanyang approach, kayanamang deserving siyang mapasali sa mga nominado sa kategoryang Best New FemaleActress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, isa si Rhian sa mga pinagtutuunan ng pansin ngkanyang home network, ang GMA-7.Maraming plano sa kanya at sa dating ng mga usapin at iba pang intriga, walangdudang bukas-makalawa ay isa na sa mga pinakamalaking bituin sa larangan ngentertainment si Rhian.

LOVI POE. Winner si LoviPoe ng Best Female Star for TV noong nakaraang taon. Heto atnominado na naman siya para as Best New Actress for movies para sakanyang pagganap sa "Christmas Tree" episode ng Shake, Rattle & Roll 9.Alam na alam na raw ni Lovi ang feeling ng isang nominee.

"Excited po, at the same time grateful. Kasi nga po, lagiakong napapansin ng PMPC. Para sa akin, importante po yun. Sana naman, maibalikko sa kanila ang importansiyang ibinibigay nila sa akin," sabi ni Lovi.

Simple lang ang mga ngiting ipinakita ni Lovi, pero talaganghindi maikukubli ang kanyang excitement.

Naaalala niya ang unang pagsalang niya sa isang eksena ngShake, Rattle & Roll, kung saan kinakabahan siya.

"Akala ko po 'di ako papasa, pero sa una lang po pala yun.Natapos po ang movie na talagang hindi nawala yung excitement ko araw-araw.Kasi po, the movie meant too much for me. Hindi ko po talaga malilimutan,"sambit ng young actress.

Ngayong nominado siya ulit, natural lang na ayawniyang umasa. Okey lang daw sa kanya kung hindi manalo, ang mas mahalaga raw aypinansin siya ng PMPC at yun ay hinding-hindi na niya makalilimutan.

JENNICA GARCIA. Sobrang lakas talaga ng dating ng anak naito ni Jean Garcia at Jigo Garcia. Si Jennica ay unang sumalang sa telebisyonvia GMA-7's Impostora. Kaya nga hindi nagdalawang-isip ang Regal matriarch nasi Lily Monteverde upang ilunsadsiya sa Hide & Seek, kung saan na-nominate siya.

Dahil sa kahusayan niya, puwede talaga siyang mapili sanaturang kategorya.

"Nakatataba naman po ng puso ang nominasyon ninyo," sabi niJennica nang makarating sa kanya ang tungkolsa kanyang nominasyon. "Salamat po, salamat po sa pagkakataong ibinibigay ninyosa mga baguhang tulad namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INA FELEO. Simple pero makabagbag-damdamin anginterpretasyon ni Ina Feleo sa kanyang maiksi, pero makatas na role sa indiemovie na Endo. Bilangdisgruntled girlfriend ni Jason Abalos sa naturang movie, naipadama ni Ina sa kanyang audience angkapaitang dinadala niya.

Maaaring hindi pa siya gaanong kilala, pero dark horse siIna sa kategoryang ito. May pinagmanahan naman kasi si Ina bilang alagad ng sining.Siya ay anak ng premyadong direktor na si Laurice Guillen at ng magaling nacharacter actor na si Johnny Delgado.

MAYO SUZUKI. Ang indie film na Telebisyon, na ipinalabaslast year, ang bagong panggulat ni Mayo Suzuki. Marami kasing "bomba" ang half-Pinay,half-Japanese actress na ito, and every time she drops one, lagi ngang nagugulatang showbiz. Remember yung debut niya kung saan nagsuot siya ng labing-walonggowns?

SaTelebisyon ay mahusay na nagampanan ni Mayo ang kanyang role. And if only for that, isangmalaking tsansa ang mapabilang sa shortlist ng mga nominado para sa kategoryangito. Who knows, because of this movie, hindi na kailangang magpasabog pa ngibang bomba si Mayo sa hinaharap?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN