PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Last three evictees of "PBB Teen Edition Plus" unanimous in choosing Ejay as Big Winner

Alex, Nan, and Valerie are all for Ejay.
by Nora Calderon
Published Jun 6, 2008
(From left) Arnann Jay Clenaur, Valerie Weigmann, and Alex Esmoso Ansemuccio all want to stay in Manila after being evicted from Big Brother's house.

Iniharap na ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ang last three evictees mula sa Bahay ni Kuya—sina Alex of Italy, Nan from Davao, and Valerie from Germany—sa isang lunch sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN The Loop kahapon ng tanghali, Thursday, June 5.

Kasama ni Alex ang Mommy Minda niya, si Mommy My Love naman ang kay Nan, at si Tita Violy naman ang kay Valerie.

ALEX ESMOSO ANSEMUCCIO, 18, FROM ITALY. Si Alex ang last evictee sa bahay ni Kuya last Wednesday evening, June 4. Maraming nanghinayang na siya ang napalabas dahil siya raw ay mas mukhang artista kaysa iba.

Ano ang una niyang ginawa paglabas niya sa bahay ni Kuya?

"Nagulat po ako nang makita ko ang Papi [his Italian father] ko na umuwi rito para makasama ako," wika ni Alex nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaya ang higpit-higpit ng yakap ko sa kanya. Crispy chicken ang una kong kinain, pero sa isang room pa rin ako sa Bahay ni Kuya natulog kagabi. Mixed emotions ako, kasi parang they are so near, yet so far. Naroon lang sila sa tabi ko, pero nasa labas naman ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon na nasa labas na siya, ano ang balak niya?

"Gusto ko pong mag-stay na rito sa Philippines kasama si Mama, at gusto kong mag-aral ng Tagalog. Gusto ko po talagang maging Pinoy, at gusto kong madalaw ang lola ko [sa mother side] na nasa Lucena," nakangiting sagot ni Alex.

"I've finished my high school in Italy, gusto kong kumuha ng electrical engineering and be close to my mom. Noong nasa Italy kasi kami, wala kaming time to be together. Domestic helper siya, at madalas nasa trabaho, kami naman ng mga brothers and sisters ko, nasa school. Member din kasi ako ng soccer team sa Milan. Si Papi ang babalik sa Italy pagkatapos ng grand night sa Saturday."

Isa sa pagpapatunay ni Alex na gusto niyang maging isang Pinoy ay ang pagpapa-circumcise niya sa Bahay ni Kuya. Matagal na raw niyang gustong gawin 'yon, pero nagkaroon lang siya ng chance nang nasa bahay na siya ni Kuya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman daw siya nasaktan nang siya ang na-evict noong Miyerkules ng gabi, pero feeling daw niya ay siya na talaga ang mae-evict. Hindi siya nakasama sa Big Four dahil less ang support sa kanya ng mga tao rito. Nasa Italy raw kasi ang mga friends and barkada niya, tulad din ni Valerie who came from Germany.

May na-develop man sa kanila ni Beauty sa loob ng bahay ni Kuya, gusto rin muna ni Alex na makalabas si Beauty.

"Iba po kasi ang feelings kapag nasa labas na kami ng bahay ni Kuya," sabi ni Alex.

Kung papasukin ang showbiz, gusto niyang tularan si Piolo Pascual at gusto niyang leading lady si Beauty.

For Alex, mas gusto niyang maging Big Winner si Ejay dahil ito ang una niyang naging ka-close sa Bahay ni Kuya at kailangan daw talaga nito ang pera. Ang number two niya ay si Robi, number three si Beauty, at number 4 si Nicole.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARNANN JAY CLENAUR, 18, FROM DAVAO. Inamin ni Nan na hindi siya marunong umiyak, pero nagawa siyang paiyakin sa loob ng Bahay ni Kuya. Sinisikap daw niyang laging maging masaya pero deep inside, seryoso siya.

Ang sagot niya sa tanong na kung gusto niyang sakalin sa galit si Beauty dahil sinabihan siya nitong 'plastic', "No, hindi ako nagalit kay Beauty. Pero doon ko nga nalaman na marunong din pala akong umiyak.

"Siguro po dahil iyon ang pinakamatagal na nalayo ako sa family ko at nami-miss ko na sila. Isang magandang experience ang nangyari sa akin sa Bahay ni Kuya at hindi ako nag-expect na makakasali ako sa Big Four.

"Marami po akong natutunan sa bahay tungkol sa friendship, self-discipline, teamwork, at maging independent sa buhay."

Isang seaman ang father niya.

Ano ang balak niya ngayong patapos na ang PBB Teen Edition Plus?

"Gusto ng father ko na lumipat na kami ng Manila. Gusto kong mag-aral ng college dito, siguro sa susunod na semester dahil start na ng classes on Monday. Ang sister ko na lang ang umuwi ng Davao dahil naka-enrol na siya roon," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

If given the chance na mapasok siya sa showbiz, sino ang gusto niyang sundan ang yapak among our actors today?

"Gusto ko pong sundan ang yapak ni Vhong Navarro, gusto kong magpatawa ng mga tao," sagot ni Nan.

After niyang lumabas sa Bahay ni Kuya, gusto sana ni Nan na maglakad-lakad sa kalye, pero hindi siya pinayagan.

For Nan, gusto niyang si Ejay ang maging Big Winner dahil kailangan daw nito ang pera. Number two niya si Robi na kahit daw hindi ito manalo, malaki ang pagkakataon nito kasi matalino at very responsible. Number three niya si Nicole, at number four si Beauty.

Idiniin ni Nan na hindi siya bading, kaya nga raw nagulat siya nang tanungin siya ni Cristy Fermin sa The Buzz last Sunday, June 1, tungkol dito.

VALERIE WEIGMANN, 18, FROM GERMANY. Gusto rin ni Valerie na mag-stay na sa Pilipinas, kahit ang Filipino mother niya ay nasa Germany, kasama ng ama niyang German. Gusto niya ring mag-aral na magsalita ng Tagalog. Guardian niya rito si Tita Violy na siyang nagkuwento tungkol kay Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Natuwa ako nang mapanood ko siya na marunong siyang maghugas ng pinggan at magluto," sabi ni Tita Violy. "Spoiled kasi siya sa daddy niya sa Germany, dahil medyo old na ito at gusto niyang pagsilbihan ang kanyang anak sa konting panahon na itatagal ng buhay niya. Kaya kahit kumuha lamang ng plate, iaabot mo pa sa kanya. Pero iyon nga, maraming nabago sa kanya sa loob ng Bahay ni Kuya."

Sabi naman ni Valerie, "Marami akong natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya. Team spirit, they give me more strength in doing our tasks, natuto akong maging independent."

After niyang na-evict, tinawagan siya agad ng mommy niya dahil napapanood daw sa Germany, through TFC, ang reality show nila.

"She told me she's very proud of me," nakangiting wika ni Valerie.

Hindi kailang na-in love sa kanya si Ejay. Palagay ba niya, totoo ang love nito sa kanya?

"Yes, I know Ejay loves me. Siguro dahil from the start tahimik na siya, matapat siya sa akin. Pero ang hirap niyang kausap noong una. But now, malaki na ang ipinagbago niya, madaldal na siya," sabi ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

If ever na pasukin niya ang showbiz, sino ang gusto niyang tularan?

"Marami sila. Sina Anne Curtis, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Kristine Hermosa, at Judy Ann Santos. Gusto kong makatambal sina Sam Milby, Piolo Pascual, Luis Manzano, and Jake Cuenca."

Siyempre pa, si Ejay ang gusto ni Valerie na maging Big Winner. Number two niya si Robi, number three si Beauty, at number four si Nicole.

Ang Big Night at the Big Dome ay gaganapin bukas, June 7, sa Araneta Coliseum. Sasalubungin ang mananalong Teen Big Winner ng Big Winner ng unang PBB Teen Edition na si Kim Chiu at 3rd Teen Placer na si Gerald Anderson, kasama ang buong cast ng My Girl. Makikisaya na rin ang bagong host ng Pinoy Dream Academy 2 na si Billy Crawford, sina John Prats, at Mickey Perz, at lahat ng ex-teen housemates and their guardians.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Arnann Jay Clenaur, Valerie Weigmann, and Alex Esmoso Ansemuccio all want to stay in Manila after being evicted from Big Brother's house.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results