Alfie Lorenzo to Judy Ann Santos’s detractors: "Huwag naman si Juday ang pag-initan nila!"


Judy Ann Santos's long-time manager Alfie Lorenzoonce again came to his ward's defense in response to the criticisms earned byJuday in the wake of the Meralco system's loss infomercial. "In-explain langniya yung system loss, sa paraan na mas madaling maintindihan ng mga fansniya. At saka, para sa mga fans niya yung ginawa niyang explanation na 'yon. Samga fans niya na nagagalit sa Meralco. Para naman mabawasan ang mga nagagalitsa Meralco," wrote Alfie



Ginagawa diumanongscapegoat ng ilang kritiko ang aktres na si Judy Ann Santos para lamang lalongpainitin ang Meralco system-loss issue. Ito ang pananaw ng equallycontroversial manager ni Juday (Judy Ann's nickname) na si Alfie Lorenzo.

Naging mainit na usapinkasi lately ang paglabas ni Juday sa isang infomercial ng Meralco upang ipinaliwanag niya ang system loss. Ang system loss ay ang panibagongissue na kinasasangkutan ngayon ng Lopez-owned power company, kung saanmuling inaakusahan ang nasabing kumpanya ng "overcharging" sa mga consumer.

Sa paglabas ni Judy Annfavoring Meralco ay marami ang nagalit at nag-react. Hindi na raw inisip ngaktres ang tunay na laman ng nasabing isyu at ang implikasyon nito sa taongbayan.

Noong Martes, June 3, ay nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption(VACC), sa pangunguna ng lider nito na si Dante Jimenez, sa publiko na i-boycottand lahat ng pelikula at TV shows ni Juday bilang tugon sa diumano'y pagkatignito sa Meralco.

WHAT CONGRESS? Sa latest na pahayag ni Alfie nanailathala ngayong araw, June 6, sa Abante Tonite, matapang na sinabi ngbeteranong talent manager, "E, ilang ulit ko bang sasabihin na hindi namanin-endorse ni Juday ang Meralco, na wala naman siyang sinabi na magpakabit nakayo ng Meralco?"

Ipinaliwanag lang namandaw ng kanyang alaga ang system loss sa paraang mas magiging madali itongmaintindihan ng publiko. Nauna na ring sinabi ni Alfie na sinunod lang naman niJuday kung ano ang nakalagay sa script. Kumbaga ay talent lang naman daw siJuday kaya hindi raw fair na idawit ito sa kung anumang hinaing meron angmarami laban sa Meralco.

"Hindi po niya ginawa ‘yong pagpapaliwanag na ‘yon para samga tao na gusto siyang i-boycott o para sa mga congressman o sino mangpolitician na gustong maki-ride on," wika ni Alfie na lantarangpinapatutsadahan ang ilang indibidwal na diumano'y "nakikisawsaw" sa usapin.

"Huwag naman si Juday ang pakialaman at pag-initan nila! E,si Juday pa ang pakikialam nila, e, alam ba nila kung gaano kalaki angibinabayad ni Juday sa Meralco?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuwestiyon din ni Alfie ang posibilidad na ipatawag siJuday sa Kongreso para magpaliwanag.

"Bakit naman siya ipapatawag?" tanong ng manager, "Ano baang nilabag niyang batas?"

Patuloy ni Alfie, "Hindi siya puwedeng ipatawag dahil walanaman siyang nilabag na batas. May nilabag na batas na ba yung nagbasa ka ngscript at nag-explain ka lang?"

FOR THE FANS' SAKE. Sa interview niya sa radio programni Mike Enriquez noong June 3 ay maraming nabigla nang sabihin ni Alfie na hindisiya aware na may offer pala kay Juday para gawin ang Meralco infomercial.

Paano daw mangyayari ang ganoong scenario samantalangmanager siya ni Juday at imposible namang makalusot ang mga offer nang hindidumadaan sa kanya? Ang dating tuloy sa ilan ay naghuhugas-kamay si Alfiesamantalang nasa Europe ang sikat na alaga.

"E, totoo naman na hindi nagdaan sa akin ang infomercial na‘yon. Ang secretary ni Juday na si Jane dela Cruz [ang nakipag-usap para saproject]."

Sa ngayon daw ay nais malaman ni Alfie kung paano napapayagsi Juday para gawin ang ad. Theory niya, "Baka naman sinabi nila kay Juday napara sa mga fans niya ‘yon, kaya ginawa naman ni Juday, o nabola siya."

Alam na raw ni Judy Ann ang gulo na idinulot ng kanyangpatalastas dahil tinawagan na ito ng ina niyang si Mrs. Carol Santos. Hindi raw mapakaliang ina ni Juday dahil sa lahat ng nababasa at naririnig nito. At nang malamannga raw nito na ang sekretarya ang nakipag-negotiate ng ad in behalf of Juday, "Hayun ang nanay ni Juday, nasa ospital ngayon," kuwento ni Alfie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN