Cesar Montano finally speaks up about rift between wife Sunshine and sister Ched

"All ugly things said against my wife are not true, same with my sisterChedi. they both don't deserve to be treated that way just because ofgrudges, personal differences. Kawawa ang mga walang kinalaman,especially their children," says Cesar Montano about the ongoing rift between wife Sunshine Cruz and sister Ched Manhilot.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angmanager ni Cesar Montano na si Norma Japitana sa concert ng isa pa niyang talent na si Rico J. Puno sa MetroBar last Thursday, June 5. Wala raw kamalay-malay ang talent manager nanagpa-interview ang misis ni Cesar na si Sunshine Cruz tungkol sa alitan nilang kapatid ng aktor na si Mercedes "Ched" Manhilot.

Hindi rin daw aware si Norma sa sinasabi ni Sunshine na maymga paninirang ginagawa sa kanya ni Ched na naka-base sa Italy.Ang ikinagulat pa ng manager ni Cesar ay pati panganay na anak na babae ng aktor na si Angela ay nadawit pasa isyu nina Sunshine at Ched.

Nakausap na raw ni Norma sa telepono si Cesar noong Huwebesdin. Agad daw niyang tinawagan si Cesar nang may magpaalam upang kunin angreaksiyon ng aktor sa mga sinabi ng kanyang asawa. Pero ayaw na raw patulan ni Cesar ang mga nilabas niSunshine sa press.

Ang nasabi lang daw ng aktor sa kanyang manager ay bakanaghahanap lang daw ng makakaaway si Sunshine kaya hayaan na lang daw.

Nalilito Norma sa mga inilabas ni Sunshine dahil kamakailan lang aymadalas manood ng sine sina Cesar at Sunshine. May balita pa na sa bagong bahaynila ni Cesar sa Tivoli umuuuwi si Sunshine upang dito sila ulit magsimula ngkanyang mister at ang kanilang tatlong anak.

"Hindi ko nga maintinidihan, e. Dati rin may nilabas na Marianna [del Rio]issue, pero hindi rin napatunayan na totoo. Ngayon, ‘eto naman. Hindi alam ngpress ‘yan, e. Baka siya ang nagkuwekuwento," lahad ng manager ni Cesar.

Samantala, sa Startalk kaninang hapon, June 7, ay nagbigay na ng opisyal napahayag si Cesar bilang reaksiyon sa mga interview ni Sunshine at sa officialstatement na inilabas ng abogado ng aktres na si Atty. Bonifacio Alentajan.

Binasa ng Startalk co-host na si Joey de Leon ang sumusunodna statement ni Cesar:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"All ugly things said against my wife are not true, same with my sister Chedi. they both don't deserve to be treated that way just because of grudges, personal differences. Kawawa ang mga walang kinalaman, especially their children.

"They are both mature and adult citizens of this world. Shine and Ched must have known their own responsibilities to themselves—family, country, and God.

"From day one, I told them to stop destroying one another by saying harsh things. It can still be resolved. It's sad they declined.

"I love them with all my heart. Nothing can change. I pray that you soon realize you are destroying our family and your kids are part of it."

With additional report by Erwin Santiago


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN