Missing-in-action "Starstruck" hopeful Kirby de Jesus resurfaces in "Paupahan"


"Sigurado naman po ako sa pagkalalaki ko, at sa tingin kohindi naman po makaaapekto ito sa gender ko. Trabaho lang sa akin ang maging bading,"says Kirby de Jesus about playing gay roles.



Halata kay Kirby de Jesus na may malaking panghihinayang siya sa hindi niya pagtatagumpay mula sa kanyang naging stint noon sa Starstruck 2 ng GMA-7.

Alam kasi ni Kirby na isa siya sa mga outstanding sa kanyangbatch, judging sa naging suporta sa kanya ng GMA-7at fans niya sa mga panahong 'yon. Pero tanggap naman daw niyang hindi pa niya panahon kaya tilanapag-iwanan siya ng mgakasamahan niya sa naturang star search.

"Gano'n po siguro, baka destiny ko. Baka talagang hindi parasa akin yun," malungkot na sabi pa ni Kirby sa PEP (Philippine EntertainmentPortal). "Siguro po, darating din yung panahon ko. Bata pa naman po ako, maramipang tsansa. Ang masasabi ko lang po ngayon, nandito po ako, marami pa rinnamang tumutulong sa akin. Dahan-dahan po, baka naman maabot ko pa yungambisyon ko."

THE HARASSMENT CASE. Pagkatapos kasi ng isang kontrobersyal naharassment case na isinampa niya sa isang taong dating malapit sa kanya,kapansin-pansing tumamlay na ang kanyang career.

"Maimpluwensiya kasi siya. Alam ko naman po yun, talagangkaya nilang palubugin ang career ko. Tingin ko na po, ganyan ang nangyari, peroewan ko rin. Hangga't maaari, ayaw ko na sanang pag-usapan yun, kinalimutan kona, nakipag-ayos na ako sa kanya dati, kaya ‘wag na lang po yun," pakiusap ni Kirby.

Wala naman daw pagsisisi sa kontrobersyang kinasangkutanniya.

"Ginawa ko lang po ang nararapat para maprotektahan angsarili ko. Kung naging kabayaran ang career ko, okey lang po, tanggap ko. Hindiako nagsisisi at binigyan ko ng proteksyon ang sarili ko."

VISIBLE AND GAY. Isa si Kirby sa mgaartistang tampok ngayon sa Paupahanng ATD Films. Very challenging ang role niya rito bilang isang gay teenager namaraming hangups sa buhay at kung sakali, baka naman makatulong ang movie naito para muli siyang mapansin.

Visible na nga siyang muli. Muli na rin siyang pinapansin ng mga taong nag-aakalanoon na hindi na siya mag-aartsita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akala po talaga nila, tumigil na ako. Kapag nakikita koyung mga dating caster at mga director, sinasabi nila na hinahanap nila akopero wala raw silang balita. Buong akala nila talaga, tumigil ako. Pero hindinaman po ako nawala. Meron naman po akong mga raket. Sadya lang po siguronghindi sapat para nga maging visible ako."

Sunud-sunod na gay roles naman ang ginawa niya. Ngayon nga, bading ulit angrole niya sa Paupahan. Yung huli niya sa GMA-7,sa I Love New York, bading din siya.

Meron pa raw siyang offer ngayon na gay rin ang role niya. Hindi kayamag-reflect na iyon sa kanyang pagkatao o kaya ma-typecast siya sa ganoong roles?

"Hindi naman po, trabaho lang ‘yan. Sa ngayon, kailangan konggawin ang mga inilalapit na trabaho sa akin. Kailangan ko po talaga, sayangnaman. Sigurado naman po ako sa pagkalalaki ko, at sa tingin ko hindi naman po makaaapekto ito sa gender ko. Trabaho lang sa akin ang maging bading," napapatawang sabi pa ni Kirby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN