Ogie Alcasid forgets it's been a year since he admitted romance with Regine Velasquez

"Actually, hindi konaaalala yung panahon na yun. Hindi ko na naaalala yung part na yun. But ofcourse, it's very important yun sa amin. But kung anuman yung dinaanan namintapos na yun. Maluwag na. Pero tama ka, ‘no, magandang regalo ‘to [Urduja], this project for us," saysOgie Alcasid.



Nagulat si Ogie Alcasidnang ipaalaala namin sa kanya na isang taon na ngayong buwan mula noongnag-open-up na siya finally sa tunay na relasyon nila ng Asia'sSongbird na si Regine Velasquez.

"Oo nga, ‘no?" sabi pa niyasa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Urduja.

"Actually, hindi konaaalala yung panahon na yun. Hindi ko na naaalala yung part na yun. But ofcourse, it's very important yun sa amin. But kung anuman yung dinaanan namintapos na yun. Maluwag na. Pero tama ka, ‘no, magandang regalo ‘to [Urduja], this project for us."

Habang kausap namin siOgie ay panay naman ang pakita ng MTV ng animated movie na Urduja ng ATP Productions at Regal Films kung saan ang boses ni Regineang ginamit para sa lead role.

Doon ay may nakapansin ng mahabang buhok ni Regine sa MTV.Hindi kaya nami-miss ni Ogie ang long hair ni Regine?

"Oo, nami-miss ko. Perookey naman siya. Parang ibang babae ang kasama ko. Ha-ha-ha!

"Hindi, joke lang. Actually,joke niya yun sa akin, ‘O, isipin mo na lang ibang babae ako.'"

Kahit nami-miss niya anglong hair ni Regine hindi naman daw niya masabi sa kasintahan na magpahaba na ulitito ng buhok.

WEDDING BELLS SOON? This year, natapos na rin ang bahay na ipinatayo ni Reginesa Ayala Hills Estate Subdivision sa may bandang Celebrity Sports Plaza sa Quezon City. Marami naman umaasamna ang kasunod nito ay ang pagpapakasal na ng dalawang singers.

"Hindi ko pa puwedengpag-usapan kasi ang mga bagay na ‘yan dahil ako'y hindi pinahihintulutan."

Mukhang matagal angproseso ng annulment case na isinampa niya sa kasal nila ng first wife niya at datingMiss Australiana si Michelle Van Eimeren. Hindi ba siya naiinip?

"E, in God's time,"matipid na sagot ni Ogie.

Pero baka maunahan pasila ng mga kaibigan nila ni Regine na sina Judy Ann Santos atRyan Agoncillo na matunog na matunog nang magpapakasal sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, naku! We will bevery excited for them."

Gagawan ba niya ng kantasina Juday at Ryan for the wedding?

"If they ask me, why not?Kung gusto nila kumanta pa ako doon."

FATHER'S DAY IN TWO COUNTRIES. Next Sunday is Father's Day. Ano ang plano niya for thisspecial occasion with his children at si Regine?

"Dalawa kasi ang Father'sDay ko. Ah, ang Father's Day ko dito sa Pilipinas, e, yung regular. Kasi ang Father'sDay ko sa Australiais actually August. Actually, the first also and the first week ofSeptember kasi yun ang Father's Daynila. British kasi. So, masuwerte ako dahil dalawang beses ko sini-celebrateang Father's Day ko. So, yun talaga ang Father's Day ko. Pero tinatawagan namanako ng mga anak ko ‘pag Father's Day dito.

"'Yun talaga kami. Ewanko, pero mas nararamdaman ko yung Father's Day na yun kasi kami-kami langtalaga yun and malapit kasi yun sa birthday ko. Kaya dalawa lagi ang regaloko."

But this year,ise-celebrate ni Ogie ang kanyang ika-20 anibersaryo sa showbiz on September27. May narinig kaming darating daw ang mga anak niya at si Michelle on Augustto celebrate with him?

"No, they would probablyarrive a week before [the celebration]."

Ano'ng plano niya sa pagbabalik muli sa Pilipinas niMichelle?

"Hindi ko alam."

Sa bahay pa rin ba nilani Michelle tutuloy ang kanyang dalawang anak at si Michelle?

"No, no, they'll bestaying..." sabay putol ni Ogie. "Ayokong sabihin kasi ayokong bulabugin sila. But,ah, I'm taking them to Hongkong. Kasi my kids have not...hindi sila nakapunta ng Disneyland, e. So, dadalhin ko sila doon after theconcert."

Isa ba yun sa mga paraanpara makapag-bonding din si Regine sa kanyang mga anak?

"Huwag na lang. Ayokongpag-usapan yun kasi I'd rather keep those things to ourselves kasi. One time,you know, wala lang. Private lang. I cherish those times with the kids. Kunganuman yung mangyayari, mangyayari at mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWENTY SLASH TWENTY. Ano'ng magaganap sa concert niya on September 27?

"Well, alam mo, kasi myconcert kasi is called 20/20, e.Basta maraming surprises."

Darating ba doon ang dalawangbabae sa buhay niya?

Natawa muna si Ogie bagosumagot.

"Isa lang," nakangiti paring sabi ni Ogie.

"Well...dalawa yung mgaanak ko.

"Uh, it's the fist time that I'm doing, ah...There's a full orchestra by Gerald Salonga, ‘tapos directed by Rowell Santiago,TV director of course is Louie Ignacio. Ngayon pa lang, actually, January palang, start na kami [kung ano ang gagawin sa concert]."

Ano'ng partisipasyon niRegine sa concert niya?

"She's a big part ofthat."

Kumakanta rin ba angdalawang anak niya na babae?

"Pareho, actually."

Kakanta ba sila saconcert niya?

"Matatakot ang mgayun Hindi sila talaga mahilig sashowbiz."

"OPENING-UP" ANNIVERSARY. So, anong gagawin nila ni Regine on the first anniversaryof their opening-up to the public about their relationship?

"Alam mo, ano,manonood kami ng Urduja, premiere night sa June 15 and then June 18 ang showing,"sabay tawa ni Ogie.

Wala ba siyang ibibigayna gift kay Regine for this occasion?

"Hindi naman kasi yun anganniversary namin talaga. Pero yun nga for opening-up? Hindi ko pa naisip. Perosige na nga, gagawa na ako [ng gift]," tapos ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN