Glaiza de Castro's debut album to be launched two years after its release

"Actually, matagal na‘to...two years ago na. Naka-ilang press release na rin sila. Pero hindi patalaga siya officially nalu-launch. Ngayon pa lang," explains Glaiza de Castro about her debut album.



Buong-akala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay maybagong album na ilu-launch ang young actress-singer na si Glaiza de Castro saMetro Phi sa Metrowalk this week. Yun pala, two years ago pa nakalabas sa mgarecord bar ang self-titled album niya, pero wala raw promotion na nagawa ritoang Dyna Records noong una. Hindi matatawag na re-launching ang mangyayaridahil this week pa lang daw talaga ang official launch ng kanyang album.

Sa mga hindi pa nakakaalam, aside from being a competentactress, Glaiza is also a singer. She actually started her showbiz career asa singer via her very first album noong bata pa lang siya, ang Magbalik Ka.

Mga pop, R&B songs daw ang laman ng kanyang album.

"Actually, may dalawa akong covers. ‘Tapos, ni-revive kokasi yung ‘Basta't Kasama Kita,' pero ginawa kong English. ‘Tapos, yungcarrier, yung ‘Paano.' English naman siya na original song ni Joey Albert, naginawa naming Tagalog, " simulang pahayag ni Glaiza nang makausap siya ng PEP saSOP noong Linggo, June 8, after niyang mag-promote ng final week ng Kaputol ng IsangAwit.

Ikinuwento ni Glaiza kung bakit umabot ng two years bagoofficial na ilu-launch ang kanyang album. Ayon sa kanya, "Actually, matagal na‘to...two years ago na. Naka-ilang press release na rin sila. Pero hindi patalaga siya officially nalu-launch. Ngayon pa lang."

Aminado si Glaiza na hindi ito umaandar sa market. "Hindikasi alam ng mga tao. Walang promotion, so paano nila malalaman?" banggitniya.

Nakatulong din daw sa album niya ang pagkakaroon niya ngafternoon series na Kaputol ng Isang Awit. Dahil dito, naging aware ang mga taona isa rin pala siyang singer.

"Nakatulong talaga siya," sabi ni Glaiza. "Kasi doon, nagpe-performako, umaarte ako. E, kailangan din yun sa expression, di ba, kapagnagpe-perform ka? So, malaking tulong yun sa akin."

Ngayon daw, umaasa siyang kahit paano ay mas nakikilala narin siya at posibleng mas marami ang magkaka-interes na bumili ng kanyangalbum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least ngayon, nalaman ng mga tao na kumakanta pala ko. ‘Taposyung song ko pa sa Kaputol, kanta ko rin sa album. So yung mga tao, naku-curious,parang 'Saan galing yung kanta na yun?' Like yung carrier single ko, yung ‘Paano,'ilang beses ko na rin siyang kinanta sa mga episodes ng soap.

"Siyempre, nanonood ako ng YouTube minsan, ‘tapos nakikitako na nakalagay sa music video ko mismo na kinanta niya ‘to sa Kaputol, di ba? Or,may album ba siya? At least, naku-curious sila. ‘Tapos, parang hahanapin nilakung saan yung album ko...yung ganyan-ganyan. So sana, marami rin ang sumuporta,"asam niya.

Sa launching daw ng album niya, mapapanood siyangnagpe-perform with a band.

Para kay Glaiza, gusto raw niyang maipakita ang versatilityniya sa iba't ibang larangan at masubukan lahat.

"Marami na ring ganyan, di ba?" sabi niya. "Sila Sarah [Geronimo],sila Regine [Velasquez], so parang matalino na rin naman ang mga tao ngayon.Alam na rin nila kung kaya mong kumanta, okey sige, alam namin. Kung kaya mongsumayaw, sige, alam namin. Parang ako lang, ayoko namang mag-stick lang saisang medium."

Hindi naman daw maiwasan ni Glaiza na hindi malungkot dahil lastweek na ngayon ng Kaputol ng Isang Awit, ang kauna-unahang serye napinagbidahan niya. Mami-miss daw niyang lahat ang nakasama rito from the productionteam to her co-stars.

"Medyo malungkot, kasi noong farewell party naminnoong Thursday [June 5], medyo emotional kami. Ang hirap kasing bitawan. Parangnaging pamilya ko na silang lahat," pagtatapos ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN