Sheree happily adjusting to motherhood

"Grabe, napaka-responsible ni Gian! Super! Talagang hands-on siya na nagpapadedesa baby. Gigising talaga siya kapag halimbawa hindi ko kayang gumising. Siyatalaga yung gumigising para magpadede, magpa-burp. Napaka-very good pa niyangmagpa-burp," says Sheree about boyfriend Gian Magdangal.



Isang buwan lang pagkatapos ipanganak ni Sheree ang baby nilang kanyang boyfriend na si Gian Magdangal, halos walang bakas na nabuntis pala ang sexy actress.

Bago magtapos ang SOP last Sunday, June 8, ay nakita ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Sheree na dumating para puntahan si Gian,na regular performer ng Sunday musical-variety show ng GMA-7.

Ayon kay Sheree, hindi raw pala talaga madali ang magingisang magulang. Bagamat iba ang fulfillment as a mother, may mgaadjustments talaga silang pinagdaanan ni Gian pagdating ng kanilang babyboy na si Gian Haley. Sheree gave birth last May 5.

"Okey naman kami. Medyo adjusting lang kasi naninibago kamisa mga pangyayari ngayon. Siyempre before, kung gusto mong gumimik, taping orwhatever, nakakaalis ka. Ngayon, talagang una mo munang iko-consider siyempreyung baby na maiiwan," nakangiting pahayag ni Sheree.

Nakakaalis lang daw siya, gaya nung nakita namin siya sa GMANetwork, sa pagkakataon na yun dahil ang mga magulang ni Gian ang humahalili sakanya sa pagbabantay sa kanilang one-month-old baby.

"Nandoon naman yung parents ni Gian. Bale sila muna yungkasama. Sila talaga yung nagte-take over. Sobrang suwerte kong talaga, kasi yungfamily ni Gian, very supportive talaga silang lahat," lahad niya.

Pero ayon kay Sheree, hindi naman daw nila kasama ang mgamagulang ni Gian sa bahay. They are living in a condo, kung saan bago pa mansila magsama ni Gian ay siyang tinitirhan na niya. Ang male singer dawang lumipat dito.

Kung i-describe ni Sheree ang anak ay isang "happy baby." In fact, one week pa lang daw si Gian Haley, napansin na raw nila namahilig itong mag-smile.

Ayon pa sa kanya, "Hindi pa talaga naa-absorb ng system ko[yung pagiging ina]. Pero ano, sobrang nakakatuwa ang baby. Alam mo yung wordna amazing? Parang hindi mo alam kung paano mo ide-describe. Parang, ‘Oh mygod, galing ba ito sa akin? Nailabas ko ba talaga ‘to?' Parang ganoon,"natatawa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa si Sheree sa pansin namin na parang hindisiya nanganak. Aniya, dapat pa rin daw siyang magpapayat. Pero masuwerte rawsiya at istrikto si Gian sa kanya.

"Kailangan kasi... Okey nga lang dahil si Gian, istriktosiyang talaga. Hindi niya ako pinapakain ng chocolates! Ngayon kasi, parang bigla akong tumotodo sachocolates, pero kinu-control niya ako," lahad ng sexy actress.

Anong mga pagbabago sa relasyon nila ni Gianngayong may anak na sila?

"Actually, it made us more stronger," sagot niya. "Parangmas lalo kaming in love with each other ngayong may baby na kami. Kasi masnakakapag-open up na kami. Mas nakakapag-express kami ng feelings namin, consideringna may baby na kami. We should be open with each other."

Puring-puri naman ni Sheree ang ama ng kanyang anak. Aniya,"Grabe, napaka-responsible ni Gian! Super! Talagang hands-on siya na nagpapadedesa baby. Gigising talaga siya kapag halimbawa hindi ko kayang gumising. Siyatalaga yung gumigising para magpadede, magpa-burp. Napaka-very good pa niyangmagpa-burp."

Definitely, hindi magku-quit si Sheree sa kanyang showbizcareer kahit isa na siyang ganap na ina. In a few months, plano na raw niyangmagpaka-aktibong muli sa showbiz. Pero as much as possible, hindi na raw munasiya magpapa-sexy.

"I'll be concentrating more on my album. At kapag may rolena kukunin ako, siguro, yung mas seryosong role na at hindi na yung mga sobrangdaring," sabi niya.

Never daw siyang pinagbawalan ni Gian sa pagpapaseksi niya.Sarili raw niyang desisyon ito para na rin daw sa kanyang anak.

"Si Gian kasi, ever since, kahit na nagmu-movie ako ng sexy,sobrang supportive na siyang talaga. In fact, siya pa nga ang kumukuha ngpicture. Siya pa nga ang pinagpapa-praktisan ko. Alam n'yo yung ganun? May ganuntalaga. It's really my decision.

"At si Gian, hindi siya nakikialam pagdating sa career ko. Kayaisa yun sa mga kina-inlaban kong lalo sa kanya," masayang pahayag ni Sheree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ibinalita rin ni Sheree sa PEP na baka raw sa katapusan ng buwang kasalukuyan na bibinyagan ang kanilang baby boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN