Marky Cielo not upset that he didn't bag "Gagambino" title role

"Hindi ako na-dissapoint kasi hindi naman ako nag-expect.Kung parang sabi-sabi lang, hindi ako yung umaasa na or nag-e-expect. At nangmalaman ko na si Dennis, okey, kasi nakasama ko na rin siya sa Zaido. Kayaalam ko, magaling talaga siya at kayang-kaya niya yun," says Marky Cielo about the role of Gagambino, which went to Dennis Trillo.



Ngayon linggo na ang last week ng Sine Novela ng GMA-7 naKaputol ng Isang Awit. Kasama sa main cast ang StarStruck 3 Ultimate SoleSurvivor na si Marky Cielo.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)ay sinabi ni Marky na, so far, wala pa siyang alam na follow-up project niyaafter Kaputol ng Isang Awit. Pero hindi naman daw siya kinakabahan dahil forthe past few years, never naman daw siyang pinabayaan ng GMA-7 pagdating saprojects.

"Nangyayari na rin naman po kahit noon na kung minsan, twomonths po, wala pa pong show. Siguro po, hindi lang masyadong halata dahil saTV umeere pa. Pero siyempre, ako po, matagal nang natapos mag-taping. Minsan,after i-air sa TV, after a few weeks, nagkakaroon na rin po ng bago kaya saiba, ang dating parang hindi nababakante.

"Ano lang naman po ‘yan, kung may project at para sa ‘yo,kahit na ano'ng mangyari, para sa ‘yo talaga ‘yan. At saka, weather-weatherlang naman po ‘yan," pahayag ng young actor.

Plano raw niyang i-improve pa ang sarili now that he hasmore time to do that at habang wala pa siyang alam na bagong show na gagawin.Plano raw niyang mag-acting workshop para mas ma-develop ang pag-arte niya.Pagdating naman sa pag-i-improve ng katawan, nangiti si Marky dahil aniya,aminado raw siyang hindi masyadong masipag mag-exercise or mag-gym.

GAGAMBINO. Tinanong namin si Marky kung totoo nga ba na aside kayDennis Trillo ay na-consider din siyang gumanap sa title role na Gagambino.

"Opo, may nagsabi nga po sa akin, may nabasa rin po," saadniya. "Pero hanggang ganoon lang naman po. Wala po yung talagang ini-offer.Siyempre po, nang may magsabi, alam ko na magandang project. Pero okey lang naman nang malaman ko na siDennis na nga.

"Hindi ako na-disappoint kasi hindi naman ako nag-expect.Kung parang sabi-sabi lang, hindi ako yung umaasa na or nag-e-expect. At nangmalaman ko na si Dennis, okey, kasi nakasama ko na rin siya sa Zaido. Kayaalam ko, magaling talaga siya at kayang-kaya niya yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"KAPUTOL NG ISANG AWIT" CO-STARS. Sa magtatapos na Kaputol ng Isang Awit ay si Glaiza deCastro ang leading lady ni Marky. Ayon sa young actor, sa lahat daw talaga ngyoung actress, si Glaiza ang maituturing niyang matagal niyang naging kaparehakaya kumportable at gamay na raw siya rito.

"Nasanay na po ako. At saka kapag si Glaiza yung katrabahoko, mas magaan kasi. Kapag kausap ko siya, nasasakyan ko siyang talaga. Parangswak talaga," nakangiti niyang sabi.

Kinumusta rin ng PEP kay Marky ang dalawang co-stars pa nilasa Kaputol ng Isang Awit na sina Lovi Poe at Jolo Revilla, at sa sinasabingmasalimuot na lovelife ng dalawa. Ayonkay Marky, wala siyang masyadong masasabi dahil nang maglabasan ang mga isyu sadalawa, halos patapos na rin sila sa taping.

Nakakarating din daw sa kanila ang mga intriga sa dalawa atsa ina ni Lovi. Pero naunahan na raw siya ng hiya na magtanong pa tungkol sabagay na yun.

"Although ako po kasi, kung sakali rin, hindi ko rin po yataalam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Kasi wala pa rin naman akong mgaexperiences na ganyan.

"Siguro po, kung happy naman sila, okeylang, happy sila sa ganoon. Yung pagkakaroon naman po ng relasyon, hindi namanpo talaga masama yun. Pero yung makakaapekto na, yun lang po ang masama. Sanapo, mako-control lang nila," pahayag ni Marky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN