"PBB Teen Edition Plus" runners-up Beauty and Nicole answer issues and controversies

Teen housemates Beauty Gonzalez (left) and Nicole Uysiuseng (right) answered all issues and controversies involving them after coming out from Pinoy Big Brother house.



Katulad ng Pinoy BigBrother Teen Edition Plus big winner na si Ejay Falcon at second teen placer nasi Robi Domingo, na-interview rin ng The Buzz last Sunday, June 8, and thirdand fourth placers na sina Nicole "Nikki" Uysiuseng atChristine Marie "Beauty" Gonzalez.

BEAUTY. Tanggap dawni Beauty ang lahat ng hindi magagandang akusasyon sa kanya ng paglabas niya ngBahay ni Kuya. Una na rito ang pagiging taksil niya diumanong kaibigan.

"Inamin ko po nagingtaksil ako at alam ko po ang kasalanan ko," sabi ni Beauty. "Pero naghingi naako ng patawad at nag-usap na po kami, kami ni Rona."

Kung meron dawsiyang unang dapat kausapin ngayon na ex-housemate niya, ito'y walang iba kundisi Rona Marie Libby.

"Si Rona, balikan kosiya. Mag-usap kami. Hihingi ako ng sorry ‘tsaka kung ano ang nangyari sa loobng bahay, sana kalimutan na ‘yan," saad niya.

Bago pa man dawlumabas ng Bahay ni Kuya si Rona ay nagkaayos na sila at doon natutunan niBeauty ang lesson ng pagpapakumbaba.

"Yes, I'm open topeople who told me na kung ano ang mga mistakes ko. And I'll accept it and opento change my attitude."

Sinabihan din na OAsi Beauty ng mga televiwer dahil sa pagiging sobrang iyakin niya sa loob ng PBBhouse.

"Alam ko naman poOA, pero dapat ko ipalabas ang iyak ko kasi kung hindi, maloka ako doon. Iyaktalaga ako nang iyak, ganun. Pero okey lang. Kaya tumaba ako kasi yung depression ko, ipinalabas ko sa kain. ‘Taposwalang magawa at ang sarap ng pagkain," sabi ni Beauty, na halatang-halata parin ang puntong Bisaya.

Tinanong si Beautyng The Buzz host na si Ruffa Gutierrez kung ano ang waist line niya bago siyapumasok ng bahay ni Kuya.

"Huwag na po,please!" tanggi naman ni Beauty.

Natanong din kayBeauty kung nagkita na ba sila ng "boyfriend" niya sa loob ng Bahay ni Kuya nasi Alex Anselmuccio na taga-Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kagabi [June 7] nagkitakami, pero hanggang tinginan lang kami po."

Ipagpapatuloy ba nilani Alex ang naputol na relasyon nila sa loob ng Bahay ni Kuya?

"Hindi ko po alamkasi marami pang dapat ayusin."

Nakipag-break na basi Alex sa girlfriend niya?

"Hindi ko po alam.Yun ang una kong itatanong sa kanya kapag nagkita kami, ‘Na-break mo na ba?'"tawa niya.

Hindi ba sumama angloob niya na hindi siya ngaing Big Winner?

"Hindi po," sagot niBeauty. "Kasi hindi ko talaga inakala na aabot ako sa Big Four. Kasi yung attitudeko po pasaway, maingay. Inaamin ko po talaga."

Ano ang unang-unaniyang gagawin ngayong nasa labas na siya ng Bahay ni Kuya?

"Magpapapayat poako," diretso niyang sagot. "Bigyan n'yo po ako ng two weeks. Nag-start na akokanina. Ayaw ko na kumain ng marami."

Anong klase ngpagda-diet ang ginagawa niya?

"After six po. Kungmay alam ako kung saan meron dito, magdyi-gym ako."

Itinanggi ni Beautyna pinakamayaman ang pamilya niya sa Dumaguete.

"Hindi po, parangmay kaya lang po."

Spoiled brat dawsiya?

"Opo, aaminin koyan," nahihiyang sabi ni Beauty.

Only daughter langdaw kasi siya at youngest pa sa pamilya kaya masyado raw siyang na-pamper sapagmamahal. Plano niya bang baguhin ang ugali niyang ito?

"Opo, kasi hindi akoaasenso kung ganito lang ako palagi."

Gusto ba niyangmag-artista?

"Kung bigyan ako ngchance. Kahit ano pong role."

Ano ang gagawinniya sa napanalunan niyang cash prize na P200,000?

"Bigay ko sa parentsko sa lahat ng paghihirap niya sa akin," sabi ni Beauty.

NICOLE. Itinanggi ng third teen placer na si Nicole angakusasyon ng iba na umikot lang ang mundo niya sa dating kasama sa Bahay niKuya na si Marc Josef Elizalde. Very open din ang ina ni Nicole sa pagtutolniya sa namuong closeness nila ni Josef sa loob ng PBB house. Una, dahil kapwamay karelasyong iba sa labas ng Bahay ni Kuya sina Nicole at Josef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa The Buzz ay ipinaliwanag ni Nicole ang tunay na estado ngrelasyon niya sa kanyang boyfriend bago siya pumasok ng Bahay ni Kuya.

"Sinabi ko naman na nung pumasok ako sa Bahay ni Kuya,sobrang malabo na po. Pero wala pang closure. ‘Yan ang gusto kong ayusin sanapaglabas. Pero ngayon, hindi ko pa siya nakakausap," pahayag ni Nicole tungkol sa kanyang boyfriend.

Kailangan daw makausap niya ang kanyangboyfriend nang masinsinan. Hindi naman masabi ni Nicole kung sa pag-uusap nayun ay tuluyan na siyang makipag-break sa boyfriend niya or give therelationship another try.

Sa Big Night ng PBB Teen Edition Plus ay muli silang nagkitani Josef after a month ng pagkakahiwalay. Ano ang naramdaman ni Nicole nung makitaniya ulit si Josef?

"Ah, masaya," kasunod ang matamis na ngiti ni Nicole.

Hindi pa raw sila nagkikita ng mommy niya as of last Sundaykaya naiintindihan niya kung bakit tutol ang kanyang ina sa pagkakaibigan nilani Josef.

"Kasi yung time na yun, hindi pa alam ng mommy ko ang statusng boyfriend ko sa labas," paliwanag ng dalaga.

From scale of 1 to 10, tinanong si Nicole ng host ng TheBuzz na si Boy Abunda kung nasaan doon sa puso niya si Josef.

"Six," mabilis niyang sagot.

Five lang ang ibinigay niya na points sa kanyang boyfriendkung nasaan na ito ngayon sa puso niya.

Kasunod nito ang pagbibigay niya ng mensahe sa kanyangboyfriend on national television.

"Gusto ko lang sabihin na I want to fix things. I want totalk to him properly. I don't want to do it to him this way."

Pagkatapos ay kay Josef naman siya nagbigay ng mensahe.

"Thank you sa lahat. Kasi siya ang tumulong sa akin sa loobng Bahay to open up at makilala ako ng tao."

Nagpasalamat naman si Nicole sa lahat ng sumuporta sa kanyaat naniwala. Hindi raw niya ine-expect na aabot siya sa Big Four ng PBB TeenEdition Plus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Pinakaimportanteng leksiyon natutunan ko sa loob ng Bahayis don't let others judge you. Don't let them bring you down ‘coz you don'thave to please others. All you have to please is God and you know naman what istrue," pagtatapos ni Nicole.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN