Melissa Ricks insists that Matt Evans is not courting her

"Hindi naman nanligaw saakin si Matt kaya paano ko siyang binasted? Walang ganun. Promise! SiMatt, close lang talaga kami. Hindi siya nanligaw o nanliligaw sa akin.Nang-aasar lang 'yan. Makulit lang kasi talaga siya," says Melissa Ricks about reports that love-team partner Matt Evans is courting her.


Alagang-alaga talaga ngABS-CBN ang love team nina nina Melissa Ricks at Matt Evans. Pagkatapos ngappearance nila sa Your Song, may bagong show na naman sila saKapamilya Network, ang Iisa Pa Lamang, na pagbibidahan nina Claudine Barretto,Diether Ocampo, at Gabby Concepcion. Gumaganapdito si Melissa bilang nakababatang kapatid ni Diether atsi Matt naman bilang nakababatang kapatid ni Gabby.

"Ang role namin ni Matt sa Iisa Pa Lamang, mala-Romeo and Juliet angipinagbawal na pag-ibig. Kasi ang mga pamilya namin, magkakaaway dahil sa pulitika.Yung role namin, hindi na ito pa-cute. Binigyan talaga kami ng chance ngABS-CBN para maipakita sa tao yung acting skills namin," lahad ni Melissasa panayam sa kanya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) noong Linggo, June 8, pagkatapos ng ASAP '08, kung saan mainstayang young actress.

Bilang paghahanda saIisa Pa Lamang ay nagkaroon sila ng acting workshop. Puring-puri ni Melissa angcomebacking actor na si Gabby.

"Sobrang bait talaga ni Gabby, sobrang approachable," sambit ng youngactress."

Aware ba si Melissa na sikat na sikat dati si Gabby?

"Naikukuwento lang sa akin ni Mommy. Si Gabby Concepcion, daddy nga raw niKC, ganyan. Pero hindi ko talaga siya napapanood sa movies. Baby pa langyata ako nung sikat na sikat siya at yung love team nila ni Sharon [Cuneta]. Kayahindi ko nga siya napapanood," saad ng 18-year-old na Melissa.

MATT IS NOT HER SUITOR. Hiwalay na si Matt sa girlfriend nito at co-housemate sa Pinoy Big BrotherTeen Edition Season 1 na si Olyn Membian. After raw makipaghiwalay ni Matt kayOlyn ay niligawan niya si Melissa. Pero hindi raw pinalad si Matt na mapasagotang ka-love team. In other words, basted daw si Matt kay Melissa. Gaano itokatotoo?

"Huh!" gulat na reaction ni Melissa. "Hindi naman nanligaw saakin si Matt kaya paano ko siyang binasted? Walang ganun. Promise! SiMatt, close lang talaga kami. Hindi siya nanligaw o nanliligaw sa akin.Nang-aasar lang 'yan. Makulit lang kasi talaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JINX AWARD. Si Melissa ang itinanghal na Best New Female TV Personality sa 2005 Star AwardsFor Television ng Philippine Movie Press Club. May mga nagsasabi noon na sapagkapanalo ni Melissa ay hindi siya sisikat at biglang mawawala sasirkulasyon. Jinx daw kasi ang naturang award.

"May mga nagsasabi nga sa akin noon na malas yung award. Sabi ko, huwagnaman sana. After kong manalo, si Marian [Rivera] ang sumunod sa akin, di ba?Tingnan n'yo naman siya, sikat na sikat ngayon at nagbibida na. At akonaman, sa awa ng Diyos, tuluy-tuloy pa rin naman ang mga project ko sa ABS-CBNat nabibigyan nila ako ng magagandang role. So, hindi malas yung award," pahayagniya.

Ano ba ang dream role ni Melissa?

"Ang gusto ko naman yung inaapi ako, sinasaktan, at sinasabunutan. Yungmala-Kristine Hermosa na role," sagot ng young actress na produkto ngStar Circle Quest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN