ABS-CBN confirms report that newscaster Ces Drilon and two cameramen are missing in Sulu

ABS-CBN has released an official statement to answer speculations about the reported abduction of newscaster Ces Drilon (in photo) and her two cameramen in Sulu.



Bulung-bulungan kaninang tanghali, June 10, sa presscon ngPinoy Big Brother Teen Editon Plus ang tungkol sa pagkawala diumano ng News& Current Affairs host ng ABS-CBN na si Ces Drilon at dalawa pa niyangkasama na sina Jimmy Encarnacion atAngelo Valderama.

Kung anu-ano na kasiang lumabas na mga balita sa diyaryo, radyo, at telebisyon ngayong umaga. Kayaupang maliwanagan ang mga report na lumabas, nagdesisyon ang ABS-CBN na maglabasng opisyal na pahayag tungkol dito.

Narito ang officialstatement na ipinadala ng ABS-CBN sa PEP (Philippine Entertainment Portal):

"Tatlong mamamahayag ng ABS-CBN News ang nawawala sa Sulu—sinaCes Drilon, Jimmy Encarnacion, at Angelo Valderama.

"Ginagawa na ang lahat para sila ay mahanap at maiuwi salalong madaling panahon. Habang inaalam pa ang lahat ng detalye, nakikiusap angABS-CBN News sa kapwa namin mamamahayag na mag-ingat sa kanilang ibabalita,alang-alang sa kaligtasan nila Ces at kanyang crew.

"Nakikipag-ugnayan ang ABS-CBN News sa mga pamilya athinihiling namin na igalang natin ang kahilingan nilang huwag humarap sa media."

Ito ang dahilan kung kaya't minarapat ng PEP na huwagmaglabas ng anumang balita tungkol sa pagkakawala ni Ces hangga't wala pang go signal ang ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN