Yasmien Kurdi nominated as PETA's Sexiest Vegetarian Celebrity

"Sa totoo lang, hindi ko nga rin po alam kung paano konapasama! Sa mga fans, sa ilang reporters ko na langdin po nalaman yung tungkol sa contest na yun. So kung puwede, iboto n'yoako!" says Yasmien Kurdi about being nominated by People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) as Sexiest Vegetarian Celebrity.



Noong ikalawang araw ng wake noong Linggo, June 8, ng namayapang aktor na si RudyFernandez sa Heritage Park daw nakapunta at nakadalaw ang young actress na si Yasmien Kurdi. Sa mgahindi nakakaalam, "kapatid" ni Yasmien ang mag-asawang Rudy at Lorna Tolentinosa pangangalaga ng talent manager na si Lolit Solis.

Ayon kay Yasmien, bagamat ilangbeses lang sila nagkita ni Daboy, nalungkot daw siyang talaga nangmalaman niya na pumanaw na ang action superstar.

Kuwento pa niya, nakasama raw niya si Daboy sa isang Asian cruise.

"Lumaban po kami ng badminton, then yun na, nag-cruise kami.Sa Singapore, Thailand, Malaysia. Natatandaan ko yun. Two weeks kasi afternaming mag-cruise, yun naman yung nagkaroon ng tsunami," lahad ni Yasmien saPEP (Philippine Entertainment Portal).

Katulad ng ibang mga artistang nakasama ni Daboy, angpagiging palabiro raw nito ang naaalala ni Yasmien sa aktor. "Yung pagigingmaloko po niya, yun ang naaalala ko sa kanya. Kasi noong magkasama kami sacruise, palagi niya akong niloloko. Tapos, niloloko niya ako noon sa anak niya, kay Renz."

PETA'S SEXIEST. Natatawa naman si Yasmien nang kumustahin namin ang pagigingcandidate niya as Sexiest Vegetarian Celebrity ng People for the Ethcal Treatment of Animals (PETA) sa taong ito, kung saanonline ang pagboto. Bukod sa kanya, sina Alicia Mayer, Geneva Cruz, IsabelRoces, at Chin Chin Gutierrez ang ilan sa local celebrities na kasali sa list; along with Hollywood celebrities like Alicia Silverstone, Natalie Portman,Pamela Anderson, Vanessa Williams, Carrie Underwood, Rachel Leigh Cook, amongothers.

"Sa totoo lang, hindi ko nga rin po alam kung paano konapasama!" natatawa niyang sabi. "Sa mga fans, sa ilang reporters ko na langdin po nalaman yung tungkol sa contest na yun. So kung puwede, iboto n'yoako!"

Kasunod nito ay ibinigay nga ni Yasmien ang Internet sitekung saan puwedeng mag-log on at bumoto. Ito ang www.petaasiapacific.com Pero aniya, hindi naman daw siyanag-e-expect na manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam kung matagal na yung voting online. I'mnot into it naman kasi.

"Grabe, ang hirap kaya ng mga kalaban! Kaloka kaya!Imagine, Natalie Portman, Pamela Anderson, Simon Cowell, at marami pang-iba.Kasi may mga list pa rin sa mga male celebrities naman," natatawang sabi niYasmien.

Ayon kay Yasmien, January of last year nang magsimula siyangmaging vegetarian. Pero contrary saimpression na kaya siya naging vegetarian ay para madali siyang magpapayat, angmajor reason daw ay dahil sa awa na nararamdaman niya sa mga hayop napinapatay.

"I'm asking people to liberate their diet at i-try angvegetable," mensahe niya. "Sa dami ng mga masasarap na alternative foods,mae-enjoy pa rin naman yung pagkain na, at the same time, hindi na nakaka-harmng mga animals."

Hindi raw siya naaapektuhan kung may mga nag-iisip sa kanyana hindi naman siya totoong vegetarian dahil pumayat man, hindi pa rin namanmasasabing payat na payat na ang young actress.

Katuwiran niya, "Hay naku, try kaya nilang bumili ngbarbecue sa Bodhi at Greens. At sakahindi naman porke't kumakain ka ng gulay, magiging stict ka na."

LAST YASMIEN-JC TEAM-UP? Malapit na ring magwakas sa telebisyon ang soap opera ngGMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita, kung saan isa sa mga bida si Yasmien.Masaya raw siya dahil sa mataas na rating na nakukuha nila at sa magagandangfeedback na natatanggap nila tungkol sa show. So far, wala pa raw siyang alamna kasunod na project sa Kapuso Network, although may mga personal plans dawsiyang gustong gawin.

Walang duda na naging matagumpay ang pagtatambal nila ni JCde Vera. Yun nga lang, balitang sina JC at Rhian Ramos naman ang bagong partnersa bagong bubuksang programa ng GMA-7, ang La Lola.

Naitanong ng PEP kayYasmien kung ano ang pakiramdam niya na baka ang Babangon Ako't Dudurugin Kitana ang maging huling proyekto nila na magkasama.

"Ako naman po, I'm happy for him," sagot ni Yasmien. "Happyako na may bago na siyang show. At saka, depende naman po sa network ‘yan.Sumusunod lang naman kami kung ano ang gusto ng network na gawin namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang ba na maghiwalay muna sila ni JC as a love team?

"Bahala po ang GMA. Ayokong makialam sa project nangmay project, kasi may sari-sarili rin naman po kaming carreer," pagwawakas niYasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN