PBB Teen housemate Robi Domingo happy to be second placer

"I guess God has His reason kung bakit naging secondplacer lang ako. But still, I'm happy po dahil winner pa rin naman ako," says Pinoy Big Brother Teen Edition Plus second placer Robi Domingo.



Ang Atenistang si Robi Domingo ang itinanghal na second teenplacer sa Big Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus na ginanap saAraneta Coliseum last Sunday, June 8. Pero maraming supporters ni Robi anghindi matanggap na second placer lang ang kanilang idolo sa Big Winner na si Ejay Falcon.


Pero para kay Robi, tanggap niya kung anuman ang naging resulta. Blessed na rin naman daw siya dahilnapasama siya sa Big Four at itinanghal pang second teen placer.

"I guess God has His reason kung bakit naging secondplacer lang ako. But still, I'm happy po dahil winner pa rin naman ako,"sabi ni Robi sa panayam sa kanya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa presscon na binigay ng ABS-CBN para sa BigFour ng PBB na ginanap noong June 10 sa ELJ Building.


Sa ngayon ay freshman si Robi sa Ateneo. Health and Science ang kursongkinukuha niya rito.


Hindi pa raw nagkakaroon ng girlfriend si Robi maski minsan.

"Darating din naman po ang time na magkaka-girlfriend.Pero sa ngayon ay hindi yun ang priority ko," aniya.


Ngayong nakalabas na ng PBB house si Robi, siguradong malalaking opportunitiesang naghihintay sa kanya sa showbiz. Artistahin naman kasi ang dating ngbinata. Hindi pa nga siya artista at PBB housemate pa lang ay marami na siyangsupporters. What more kung naging isa na siyang ganap na artista.


"Hindi ko pa po alam kung ano plans ng ABS-CBN sa amin. Pero sa ngayon po,ang alam ko ay magiging busy kami sa mga TV guesting," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN