Karylle on issues involving Dingdong: "Never mong papakinggan ang tsismis."

"All the time kapag may tsismis na lumalabas, siya agad yungkakausapin ko, and vice-versa... Mahinahon kami mag-away. Parang discussion,"says Karylle about how she handles the showbiz issues that involve her boyfriendDingdong Dantes.



Nagbabalik si Karylle sa pagpe-perform on stage through themusical play na West Side Story. She will play the female lead role ofMaria, alternating with Joanna Ampil. First time ulit magpe-perform ni Karyllein theater after eight years. Huli siyang lumabas sa Little Mermaid in2000 bilang si Princess Sapphire. Ka-alternate naman niya bilang PrincessSapphire noon si KC Concepcion.

Incidentally, kasama rin noon sa Little Mermaid angsinger na si Christian Bautista. And this time sa West Side Story, silana ni Christian ang magkapareha.

"This is the first time we'll work together as partners, butwe've been friends for a long time [because of the theater company Trumpets],kaya hindi naman kami nagka-problema adjusting sa pagtatrabaho," pahayag pa niKarylle sa presscon niya sa Centerstage sa Timog Avenue, Quezon City, kahapon, June 11.

Bakit ngayon lang niya naisipang mag-perform sa isangmusical play?

"Ngayon lang ulit nagkaroon ng opportunity. Although I did amall play last December. Pero sa malllang yun. Yung Cat in the Hat, yung Dr. Seuss."

GROWING UP WITH MUSICALS. Mas gusto ba niyangumarte sa stage kesa sa pelikula at telebisyon?

"Hindi naman, pero masaya rin. Iba yung...buti nga sabi konakapag-Cat in the Hat ako. Yung anong tawag dito? Kasi pagdating modoon, ‘eto na yung music sheet. ‘Taposevery day ang rehearsal. Syempre bawal ang ma-late. Parang one to five, mgaganun. ‘Tapos kailangan lahat ng cues alam mo. Kasi ‘pag isa lang ang na-off,parang sira na ang lahat.

"And the funny thing with the play, everyone's excited.Matagal nang walang big, big play. When I was younger, kasi OB [Montessori]ako, e. So, sa OB sobra kaming exposed sa play. Si Lea Salonga kasi is from OBand then si Mrs. Soliven, parati kaming pinapanood ng mga kung anu-anongBroadway [play]. Kahit music play we have to memorize not so popular Broadwaysongs. So, even as a child because of my school and ‘tsaka yung dad ko,nanghihiram siya ng mga laser disc."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanood ba ng play ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

"Nanonood naman siya. Napanood niya yung play ko sa malllang."

WHEN IS THE WEDDING? Tatlong taon na rin silangmagkarelasyon ni Dingdong. At this point ba hindi pa nila napapag-usapan angkasal?

"Wala, ‘pag maypresscon lang," sabay tawa ni Karylle.

Nag-offer na ba si Dingdong sa kanya ng kasal?

"Ayokong mag-answer ng tungkol diyan."

Kahit mag-offer si Dingdong sa kanya ng kasal ngayon,malabong tanggapin niya?

"Ayoko pang mag-answer pa. I'm not yet prepared to answer."

Dahil sa sagot ni Karylle, feeling ng ilang member of thepress, once alukin siya ni Dingdong ng kasal she would readily say yes.

"Huwag naman this moment," nakangiting sagot ni Karylle.

SEXY DINGDONG. Ano ang reaksyonniya sa seksing billboard ni Dingdong?

"Okey naman. Pinipiktyuran ko siya minsan kasama ngbillboard."

Hinihinto nila ang pagtakbo ng sasakyan?

"Hindi, binabagalan lang niya."

Saan niya kinukunan si Dingdong with his billboard?

"Yung sa Edsa, sa may Balintawak, at yung dito dati sa mayCubao. Pinipiktyuran ko siya habang nagda-drive siya."

Na-shock ba siya nung una niyang nakita ang billboard niDingdong?

"Nung una kong nakita kasi, parang right after pictorial,pumunta siya sa house. So, naka-ready na yung food kasi parang one month na siyang hindi kumakain masyado. Lahat ng food na gusto niya naka-ready na.Kawawa, e.

"So, pagharap sa food, ‘tapos nakita ko na yung picture, e,di, wow! Siyempre, supportive muna...ganda. ‘Tapos siguro, mga pang-fifth na, ‘MyGod! Ang dami naman nito!' 'Tapos lahat naka-brief. E, di nagulat din naman ako. Sabiko, ‘Wait lang, break muna.' ‘Tapos tumayo muna ako, ‘tapos tiningnan ko ulit."

Hindi raw kasi sanay si Karylle na nakikitang naka-brief lang si Dingdong.

"Nakakagulat kasi lahat ng photos, ‘tsaka ngayon kasi, nungginawa niya yun first time talaga na ganun siya kapayat. So, wala naman. Happynaman ako kasi dati diet siya nang diet. Di kunyari kakain kami sa labas, so,parang feeling ko, konti lang din ang kinakain ko. E, matakaw ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kunyari diet siya, diet din ako. Pero parang hindinaman siya pumapayat. So, ngayong pumayat na siya, ‘di ba worth it din angpagda-diet ko?"

Magpo-pose din siya ng sexy sa billboard?

Natawa muna si Karylle bago sumagot.

"Pero at least ‘pag sa SOP kasi before, nagtatago ako sa kanya, e. Ngayonokey na. Kasi ano, medyo conservative siya. Pero ngayon, sasabihin niya, ‘Ay, ang ganda niyan, sexy.'Ina-appreciate niya."

MEN "FANTASIZING" DINGDONG. Hindi ba siya nagseseloslalo ngayon na ang dami nang nagpapantasya kay Dingdong dahil sa billboard?

"Pero alam mo, ang nagsasabi sa akin, more of guys. ‘Tsakayung iba, guys talaga, huh."

Baka naman mga closet queens yun, sabi namin kay Karylle.

"Hindi, hindi. Yung iba nagulat ako. Na-inspire sila namag-workout. Kasi parang nagkaroon sila ng hope. Kasi siyempre alam niyabefore, he had parang...he was a bit fat. And then parang may hope pala sila, ‘di ba?"

ON POSING SEXY. Gusto ba niyayung ginawa ni Dingdong na pag-pose ng naka-brief sa billboard?

"Choice naman niya yun, e."

Sa himig ng sagot ni Karylle parang hindi niya gusto angginawa ni Dingdong na pag-pose ng naka-brief sa billboard?

"Ako? Ayokong magsabi. Ayokong magsabi dahil baka ako, hindirin niya ako payagan."

May plano siyang mag-pose ng seksi?

"Hindi, wala, wala. Ayoko lang nung pinagbabawalan. Siyempre‘pag ayaw mo na pinagbabawalan ka. Ayaw mo rin magbawal ka."

DONG AND SHOWBIZ ISSUES. Mahirap ba angmaging kasintahan ng isang Dingdong Dantes?

"Normal lang. I mean, kasi nagka-boyfriend naman na akobefore, never naman siyang super weird."

What about sa leading lady ni Dingdong na si Marian Rivera,hindi ba siya nagkaproblema o nagselos kay Marian?

"Wala namang problema. Ang sa akin kasi, growing up with myMom [Zsa Zsa Padilla], sanay ako na madaming tsismis. ‘Tsaka parang natutunan kona ‘pag maraming tsismis, never mong papakingggan ang tsismis. Kung meron man, tatanungin mo yung tao talaganginvolved. Kasi otherwise, baka maloka ka naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ba sila ng misunderstanding ni Dingdong dahil kayMarian?

"Hindi naman. Mostly about write-ups," pigil na tawa niKarylle.

Ano ang pinakamatinding write-up na pinag-awayan nila niDingdong?

"Hindi, ‘di ba usually ganun lang ‘pag kunyari mayna-misinterpret na sulat or, ‘Nasabi mo ba talaga ‘to? Hindi ko na maalala."

Na-confront na ba niya si Dingdong?

"All the time kapag may tsismis na lumalabas, siya agad yungkakausapin ko, and vice-versa. ‘Pag kunyari may ganito [presscon], sasabihin nanamin ang pinag-usapan. Ano yung mga posibleng lumabas? Ano yung posiblengma-misinterpret? Lahat naka-discuss na."

Matindi ba sila mag-away ni Dingdong?

"Hindi naman, Mahinahon kami mag-away. Parang discussion.Parang...E, may ganun, ‘tapos ‘eto yung explanation. So, ganun."

Hindi raw natatapos ang isang araw na hindi nila inaayos niDingdong ang anumang gusot sa kanilang dalawa.

"Pero ang pinaka-agreement namin kung may misunderstanding kami, wala kaming gagawing any....parang,hindi naman talaga kami maano. Hindi ilalabas unless na-resolve na orsomething."

Although, may nakakapansin daw sa kanila ni Dingdong sa SOPkapag meron silang tampuhan.

"Hindi naman kami nag-aaway sa SOP," paglilinaw niKarylle.

Hindi raw kasi sila nakikitang magkadikit ni Dingdong sashow kaya akala ng iba, meron silang gap.

"Hindi ko alam. Na hindi kami magtabi? Ang corny kasi, e. Parang alam na ngang kami, ‘taposmagkakatabi pa kami."

DATE WITH DONG. Ayaw din daw kasi nila niDingdong ang sobrang PDA (public display of affection). In fact, ‘pagmagdi-date nga raw sila ni Dingdong, madalas sa Centerstage lang sila pumupuntana pag-aari ni Karylle.

"Nagkakantahan kami. Meron kasi kaming duet na playlist dito[Centerstage]. Puwede ring manood ng movie dito. Mga duets lahat inuubosnamin."

Ano ang favorite na kinakanta nila ni Dingdong?

"'Bed of Roses.' Rock parang sumisigaw."

Dahil ba wala sa tono si Dingdong?

"Hindi naman. Lahat dinu-duet namin usually. Yung ‘Bed ofRoses' kasi masaya, maingay. Meron din kaming song na iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE TWO-YEAR ALBUM. Hindi ba niya nami-miss namakatrabaho ulit si Dingdong sa isang drama show sa GMA-7?

"Oo, pero ngayon kasi like ang focus ko yung Pinoy IdolExtra. At yung play, ‘tsaka yung album. Kasi I have a new band. So, silayung kasama ko sa album. It's almost done. Mga finishing touches at mga two moresongs.

"I'm happy with the way things are going for my career now.Kasi before, for about two years, I was working on my album. Lagi akongtinatanong, ‘What are you doing? Whatare you doing?'

"Hindi ko naman ma-explain kasi mahirap magsulat. Two years because I wrote 12 songs. Ako lahat ang nagsulat although mayka-collaborate ako. But it was hard to explain na matagal magsulat. Kasi kunyari nasulat ko na, may tune na,pero hindi naman ako marunong mag-play. So, pupunta pa ako sa ibang musiciansat sila ang gagawa ng accompaniment."

Tumulong din daw si Dingdong sa pagsulat ng ilan sa mgakanta niya. Bukod diyan, may songs din sila na ginawa para sa isa't isa.

"Hindi siya kasama sa album."

Bakit?

"Hindi ko alam. Pang-personal na lang. Pero nasa iPod kosiya. Papalitan pa namin yung title kasi parang kulang."

Sa 12 songs na ginawa niya, alin doon ang dedicated forDingdong?

"Siguro mga 10. Ha-ha-ha!"

PINOY IDOL CRITICISMS. Since na-mention naniya ang Pinoy Idol, ano ang masasabi niya sa negative comments on theshow like hindi credible ang jurors at mas maganda pa raw yung PhilippineIdol ng ABC-5 kesa sa show nila sa GMA?

"Talaga? Ano ang sasabihin ko?

"Hindi. Well, lahat naman ng mga criticisms ngayon, I think,like kami, nagsa-suggest din kami. Syempre gusto namin gumanda't gumanda siya.So, kahit ako sinasabi ko baka pwedenating gawin yan?

"Even doon sa Extra gumagawa kami ng...I mean, kunyari,‘eto lang yung agreed na ginagawa namin. Dinadagdagan pa namin like pinapagandapa namin lalo, like yung isang gabi nag-pajama party. ‘Tapos pupunta kami ngEmbassy. Kung anu-ano ang ginagawa namin para lang mapaganda siya," depensa niKarylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN