Bubbles Paraiso leaves modeling for acting

"Sinabinga ni Paolo [Paraiso, her brother] sa akin na ihanda ko raw ang sarili ko sa showbiz kasi ang kalabandaw is puyatan at hintayan. Malayung-malayo sa glamorous world of modeling.Kaya handa naman na ako when I decided to try acting," says Bubbles Paraiso aboout shifting to acting.



Introducingang model turned actress na si Bubbles Paraiso sa pelikulang My Monster Mom at sabagong GMA-7 show na Codename: Asero. After seven years of modeling ay gusto nani Bubbles na maiba ang kanyang ginagawa.

Nakausapng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bubbles sa presscon ng My MonsterMom last Tuesday, June 10, sa Imperial Palace Suites.

Ayon sakanya, "I've been modeling since I was 16 years old. I'm 23 years old now atgusto ko namang subukan ang ibang field. Naisip ko na siguro acting would be agood choice since manager ko nga si Tita Annabelle [Rama] and good friend koang anak niyang si Raymond [Gutierrez].

"So far,masaya naman because I'm learning a lot. Malaki ang difference from modeling toworking as an actress. Unang-una ay yung mga working hours. Inaabot ng umagaang taping at shooting. Pero na-orient naman na ako sa ganyan because of mybrother Paolo [Paraiso]. Nagsimula rin as a model si Paolo before he got intoshowbiz. Kung ano ang naging preparations niya, yun ang in-advise niya sa akin.

"Sinabinga ni Paolo sa akin na ihanda ko raw ang sarili ko sa showbiz kasi ang kalabandaw is puyatan at hintayan. Malayung-malayo sa glamorous world of modeling.Kaya handa naman na ako when I decided to try acting," lahad niya.

THE EX-BOYFRIEND. Sashowbiz ay si Paolo Contis lang daw ang naging boyfriend ni Bubbles. Angmodel-actress ang sumunod na girlfriend ni Paolo after Nancy Castiglione.Inamin ni Bubbles na strict na boyfriend daw si Paolo. Marami raw ang bawalkaya isa raw siguro ‘yon sa dahilan bakit hindi sila masyadong natagal bilang magkasintahan.

"Mabaitnaman si Paolo and he's such a gentleman," ani Bubbles. "Pero masyado talaga siyangstrict. Maraming hindi puwede sa mga ginagawa ko. But I can't do anything aboutit because I was modeling then. I am working with different male models all thetime and I do different pictorials na may pagka-daring and sexy ang mga damit.I can't say no to a photo shoot or a modeling gig because trabaho ko ‘yon. Iguess yun ang hindi maintindihan ni Paolo. But we parted naman as good friends.Walang masama ang loob sa amin kasi mutual decision ‘yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon aynababalitaan ni Bubbles na malaki na ang pinagbago ni Paolo dahil na rin sarelasyon nito with Isabel Oli.

"Kilalako si Isabel kasi we worked before sa modeling din. I heard nga na medyonabawasan na ang pagiging mahigpit ni Paolo. I think may kinalaman si Isabeldoon. ‘Tsaka Paolo is now going to church and attending Bible studies. Parangwow, iba na siya, di ba? Maganda ang naging impluwensiya sa kanya ni Isabel andthat's good.

"Nagkikitapa rin naman kami ni Paolo every now and then. Kaibigan kasi niya ang brotherko na si Paolo. So they sometimes hang out sa mga lugar na pinupuntahan ko rin,"lahad niya.

DREAM AS AN INTERNATIONAL MODEL. Kung maypinanghihinayangan si Bubbles ay ang hindi natuloy ang dream niyang magingisang international model. May balak sana si Bubbles na dalhin sa next levelang pagiging modelo niya, pero marami raw naging hadlang.

"Nagawako na kasi lahat dito, e. I did print, commercials, and ramp modelling. I wantto take the next step sana which is to try out the international modelingscene. Pero may mga nagsasabi na my height wasn't good enough. I'm only 5 feet7 inches tall. Dito sa Pilipinas, okey lang ang height na ‘yan; pero sainternational modeling, maliit ako. Pero I want to still give it a try bakanaman may chance.

"Then Ireceived a call from a modeling agency in Malaysia. They saw my pictures na ipinadalasa kanila and they wanted to meet me. All I have to do is fly there and bringmy portfolio and they might have a job for me. Pero something came up and hindiako natuloy sa Malaysia.

"Nakakapanghinayangbecause isa sa mga dreams ko ang maging top model someday. Pero siguro callingko na itong showbiz. So far, I'm having fun and I'm learning a lot fromdifferent people every day. Wala namang regrets na ipinagpalit ko ang modelingfor showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But if things doesn't workout the way it's suppose to be, I can always go back to modeling anytime. I'mstill in my 20s and may trabaho pa naman siguro for me. Or I can go back to school sa University ofAsia and the Pacific. I was taking up a management course before at nakaabotako ng second year. But I had to take a leave because nagkasunud-sunod angtrabaho ko. Puwede pa naman akong makabalik anytime, pero siguro ibang coursena lang," pagtatapos ni Bubbles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN