Michelle Madrigal denies staying in "Dyesebel" because of Marco Alacaraz

"Hindi totoo na dahil kay Marco [Alcaraz, inset] kaya ayaw kong magpatanggal sa show. Bakit namansiya pa? Wala na ba silang ibang ma-link sa akin?" says Michelle Madrigal in jest about her decision to stay in Dyesebel.



Tinanongng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Michelle Madrigal sa pressconference ng My Monster Mom kung totoo ba ang tsismis na pinopormahan siyangayon ng co-star niya sa Dyesebel na si Marco Alcaraz. Ayon pa sa report,kaya raw ayaw niyang magpatanggal sa cast ng Dyesebel ay dahil kay Marco.

"Talaga?May ganyang tsismis talaga sa amin?" malakas na tawa ni Michelle. "Kami pa niMarco, e, barkada kami niyan even before we got into showbiz. Pareho kamingnag-start sa modeling noon and we've treated each other na parang barkada lang.Never siyang nagtangkang manligaw sa akin."

Dagdagni Michelle, ayaw niyang magpa-pull out sa Dyesebel dahil gustung-gusto niya ang role niya bilang kontrabidang sirena ni Marian Rivera.

"It'strue na ayaw kong magpatanggal sa Dyesebel because I love my role as Berbola.Gusto nga akong i-pull out ni Tita Annabelle [Rama] at ilagay ako sa ibangshow. Nagmakaawa talaga ako na huwag akong tanggalin.

"Peromarami na akong na-shoot na mga eksena for Dyesebel that time at nag-e-enjoyako sa role ko. Plus, number one ang Dyesebel nationwide. Natural na I want tobe part of a number one show, di ba?

"Kayasinabi ko kay Tita Annabelle na huwag na niya akong alisin sa show becausegustung-gusto ko ang ginagawa ko. ‘Tsaka I made good friends na sa set ngDyesebel. Para na kaming magkakapatid sa set tuwing taping," lahad ng youngactress, na produkto ng Star Circle Quest ng ABS-CBN.

Idiniinni Michelle na hindi magiging dahilan ang lalake kung aalis o mananatili siyasa isang show. Gusto ni Michelle ay loveless muna siya para maka-concentratesiya sa kanyang trabaho.

"Kayahindi totoo na dahil kay Marco kaya ayaw kong magpatanggal sa show. Bakit namansiya pa? Wala na ba silang ibang ma-link sa akin?" malakas na tawa ni Michelle.

"Uy,pero mabait ‘yang si Marco," bawi niya. "He respects me a lot kasi nga parangsabay kaming lumaki niyan. Mga bagets pa kasi kami noong magkakilala kami. Peronever niyang nanligaw. Hindi naman ako ang type niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Ayokong isipin ni TitaAnnabelle na dahil lang sa lalake kaya ayaw kong umalis sa Dyesebel. It'sreally the show and my role that made me want to stay at hindi dahil kay Marco."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN