Ehra Madrigal buzzed to topbill TV remake of Pinakamagandang Hayop

IMAGE 0

"Actually, may mga naririnig ako tungkol diyan. Pero for me, hangga't wala pa silang sinasabi sa akin mismo, na ako na talaga ang napiling bida for that, hindi pa rin ako maniniwala," says Ehra Madrigal about buzz that she will play the lead in Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.


Happy ang young sexy actress na si Ehra Madrigal sa mga feedback na natatanggap niya dahil siya ang cover girl ng special double-cover issue ng FHM for June 2008.

Sa nakaraang radio tour ni Ehra noong Martes, June 10, kasama ang ilang FHM staff, nabanggit niya na "super excited" na siya sa nalalapit na FHM 100 sexiest party sa July dahil marami ang nagsasabi sa kanya na isa siya sa mga malakas sa boto at maraming sumusuporta sa kanya para makapasok ng Top 10.

Nabanggit din niya na masayang-masaya siya dahil bukod sa pagiging cover girl ng double issue ng June FHM, birthday month niya din ngayon kaya feeling niya ay blessed talaga siya ngayong 2008.

"Sobrang thankful ako sa FHM dahil after kong maging cover girl nung September 2006, sunud-sunod na ang mga projects na dumating sa akin, katulad ng mga primetime shows ng GMA-7 at napili din ako as endorser ng Tanduay," pasasalamat ni Ehra.

Hindi naman maiwasan ng isa sa mga staff ng FHM na magtanong kung totoong si Ehra ang napipisil ng GMA-7 na maging lead star sa TV remake ng Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, na unang ginampanan nina Gloria Diaz at Ruffa Gutierrez.

"Actually, may mga naririnig ako tungkol diyan," pag-amin ni Ehra. "Pero for me, hangga't wala pa silang sinasabi sa akin mismo, na ako na talaga ang napiling bida for that, hindi pa rin ako maniniwala. Pero siyempre, sino ba naman ang ayaw nun dahil big break din yun kung sakali?"

Sa ngayon ay abalang-abala na si Ehra sa taping ng Codename: Asero ng GMA-7. Gaganap siyang isang geek na doctor na tutulong kay Richard Guttierez.

"Excited ako dahil first time kong naka-work si Heart Evangelista dito," smabit ni Ehra.

Next week ay lilipad naman si Ehra papauntang Macau para sa four-day taping ng Nuts Entertainment. Kasama nila rito ang special guests nilang sina Marvin Agustin at Angelika dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN