Cesar Montano's sister finally speaks up about feud with Sunshine Cruz

"Totoo ba yun? E,kung hindi naman totoo bakit siya magre-react? I don't even remembermentioning her in FS [Friendster account]. Ngayon, kung may lumabas nanagre-react siya, hindi ko na problema yun. Problema na niya yun," says Ched Manhilot-Cantu (not in photo) about the messages against sister-in-law Sunshine Cruz (in photo) she allegedly posted in her Friendster account.



Nakuha ng The Buzzang dalawang panig ng isa sa pinakamainit na isyu last week sa showbiz—angalitan sa pagitan ni Sunshine Cruz at ang kapatid ni Cesar Montano na si MariaMercedes "Ched" Manhilot Cantu. Nagsampa ng kasong libel si Sunshine noong nakaraanglinggo laban sa kapatid ni Cesar dahil diumano sa paninirang-puri.

"Durog na tayo,inaapak-apakan pa tayo," pahayag ni Sunshine pagkatapos magsampa ng kasong libel labankay Ched noong June 10.

Natukoy raw kasi niSunshine na ang kapatid ni Cesar ang naglabas sa Friendster at e-mail accountni Ched ng mga paninira diumano sa pagkatao ng aktres.

May ilang taon naraw nakakatanggap si Sunshine ng mga sulat mula kay Ched. Puno raw ito ng mgamapanirang paratang na pawang inaatake ang aktres. Ang ilan sa mga linyangbinitiwan sa e-mail at friendster website ang sunud-sunod na masamang salita.

Ayon sa abogado niSunshine na si Atty. Bonifacio Alentajan, "Dalawang kaso ng libel laban kay Ma. Mercedes Manhilot-Cantu.Sapagkat gumawa siya ng mga publications sa Internet ng masasamang bintang laban kay Sunshine, paninirang-puri,at kung anu-ano pang mga malalaswangdescription."

Sabi naman niSunshine, "Hindi ko naman gusto na ganito talaga, pero napuno na ako. Hindi kona kaya."

Dagdag niya, "Gusto kong iklarothat this has nothing to do with my husband Cesar Montano. Kung ano ang labanko ngayon, laban ko ‘to sa kanyang kapatid."

Nilinaw naman niSunshine na hindi kasama si Angela sa demandang isinampa niya laban kay Ched.Pero inamin niya na masama ang loob niya dahil sa mga lumabas na balita.

"May sama ng loobsiyempre. Parang kasi naimpluwensyahan siya ni Ched," saad ng aktres.

Pero ayon naman kaySunshine, hindi lang daw siya ang apektado sa kontorbersiya.

"My family, yes!They are affected. Kasi nabasa nila, e. Like my sister in Paris and Macau. Theysaw everything, and even my Mom. Mom ko ngayon may sakit ‘yan, didiretso dapat sa ospital ‘yan. Peronandito siya just to support me," lahad ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin niSunshine ang kumakalat na balitang pagpa-file niya ng annulment case sakasal nila ni Cesar.

"No, it's not true,"sambit niya.

CHED SPEAKS UP. Nagbigay naman ngpahayag sa The Buzz ang kapatid ni Cesar na si Ched na naka-base na sa Italy.

Ayon kay Ched, "Idon't see any reason to take it seriously after all. Kasi I'm an Italiancitizen, the Philippine court has no jurisdiction over me."

Sagot naman dito niAtty. Alentajan, "Kahit saan ka sa buong mundo, kung may nagawa kang krimendito, dito yun bibistahin."

Sinagot din ni Chedang bintang na hindi siya boto kay Sunshine para sa kapatid niyang si Cesar.

"I think she[Sunshine] thinks, ‘I don't deserve Cesar as a husband,'" sambit ni Ched. "Thatis not true. Before their wedding, I received several phone calls. Yunginformation na ibinigay sa akin was negative. [But] since Buboy made a decisionto marry her, I tried my best to be her ate as well."

Ikinakabit din kasi namay kinalaman ang kapatid ni Cesar sa hiwalayan nila ni Sunshine.

"Yung separationissue na ‘yan, sinasabi ‘ata niya na sinisira ko ang family nila, thatis not true. I'm not a home wrecker," mariing sabi ni Ched.

Nag-react din si Ched sa sinabi ni Sunshine na siyam na taon na raw silang may alitan ng kapatid ni Cesar.

"Huwag niyang sabihin na nine years na kaming magkakaaway o nine yearsnagtitiis sa akin. That's a big lie! Nag-start yung riftnamin talaga, yung mother ko pinalayas niya doon sa bahay nila. Parang she wasnot happy to see my mother around," pagsisiwalat ng kapatid ni Cesar.

Sa sigalot ninaSunshine at Ched, nadamay rin ang panganay na anak ni Cesar na si AngelaManhilot. Ayon kay Ched, hindi raw naging maganda ang turingan nina Sunshine atAngela.

Kuwento niya,"Nag-away sila, five years ago. They were yelling to each other. Dinala ko siAngela sa Italy. Three months dito sa Italy. She couldn't stay here anymore soshe had to go backthere. Pagbalik niya doon, ‘Tita, wala na yung kwarto ko doon,' sabi niyangganun. In-invade na raw ng stepmother [Sunshine] niya. Yun isa sa mga sama ngloob ko. Pero hindi ko ipinakita sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaliwanag namansi Ched sa isyu kung totoo nga na siya ang sumulat sa e-mail at Friendsteraccount niya.

"Totoo ba yun? E,kung hindi naman totoo bakit siya magre-react? I don't even remembermentioning her in FS [Friendster account]. Ngayon, kung may lumabas nanagre-react siya, hindi ko na problema yun. Problema na niya yun.

"E, kung applicablesa kanya yun, e, siya yung nakakaalam, di ba? May kasabihan tayo, kapag maysugat daw ‘pag nabangga o nasangga ng iba, umaaray yung tao."

Pagkatapos nito,isang malaking pagbubulgar ang inilabas ni Ched sa The Buzz: "May mga ipinadalasiyang text message na hindi maganda tungkol sa pamilya namin. May sinasabi siya na mas magiging masaya daw siya ‘pag nakita niya daw na mamatay ang buongangkan namin. One of my brothers has it. Meron siyang kopya nun."

HOPE FOR RECONCILIATION. Nagbitiw rin si Chedng mabibigat na linya laban sa aktres.

"Yung sincerity mo, yungpagiging sincere mo sa tao... Ayoko kasi ng plastic, e. Number one, hate ko yung pina-plasticako," sabi niya.

Buwelta naman niSunshine, "I think, I believe, that she needs psychiatric help."

Tinanong din ng TheBuzz ang mag-hipag kung may pag-asa ba na magkaayos pa sila.

"Years back therewas a time, some family members, gusto nila," sabi ni Sunshine.

Sabi naman niChed, "Mahirap na tanong 'yan! Hahaha! Siguro,I'm open naman. Sa akin okey lang, for the sake of my brother. I wish her thebest."

Sa huli, nilinaw niChed ang balita na isa siyang domestic helper sa Italy.

"Hindi ko namansinasabi na siya [Sunshine]. Pero siya na rin siguro yung nagpi-feed dun sa mgatao na katulong daw ako. That's not true. I'm a teacher here. Kung hindi ako binigyanng Panginoon ng magandang trabaho dito, siguro ginawa ko na yun. Why not? It's a noble job," pahayag ng kapatid niCesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN