Krista Ranillo's director-boyfriend is okay with her going sexy in "Paupahan"

After completing her Interdisciplinary Studies course at theAteneo de Manila University, Krista Ranillo immediately makes hercomeback movie, Paupahan.



Ilang taon din na nawala sa limelight si Krista Ranillo na naging magandang desisyon on her part dahil yun ang panahongtinapos niya ang kanyang pag-aaral ng InterdisciplinaryStudies sa Ateneo de Manila University. Now, Krista returns to showbiz with hercomeback movie Paupahan under actor Allen Dizon's first as a film producer via his ATD Productions,with Direk Joven Tan as director.

ACCEPTING PAUPAHAN. Aware si Krista na ilan narin ang nabigyan ng offer para sa role niya for Paupahan. Pero tilahindi kaya ng mga naunang inalok ang pagiging daring ng kanyang character sa pelikula.

Aniya "Noong ini-offer sa akin ni Tito Arnold Vegafria, my manager,naintriga ako kung bakit ang daming tumanggi sa role na ito. ‘Tapos nang binasako ang script, yun nga, medyo daring, sexy! ‘Tapos, yung mga dialogue din,medyo malupit talaga.

"Pero nakita ko rin naman na it's an acting piece at sakavery challenging. So it was a comeback project for me."

ANGRY DAD. Para kay Krista, pinaka-daring ever ang papel niya sa Paupahan.At aminado nga siya na hindi nagustuhan ng daddy niya na si Mat RanilloIII ang pagpapaseksi niya.

"Nagalit siya. Aware naman si Daddy na gumagawa ako ng moviena Paupahan. Pero kasi hindi niya nabasa ang script at hindi rin niyanapanood ang movie, so based on mga sinasabi lang kasi sa kanya, ikinukuwentosa kanya...iba-iba na. Mga nababasa sa diyaryo, mga nagte-text sa kanya."

May pakiusap nga raw ang aktor na si Mat nangmalaman ang tungkol dito.

"Well, sinabi niya kung hindi ko raw ba puwedengipa-pull out, like mga pictures? Pero hindi naman kasi siya confrontational.Parang nagtatampo lang siya, hindi kami masyadong nagkakausap. E, sobra panaman kaming close. So, ang hirap talaga."

Nang magpunta raw sila sa wake ni Rudy Fernandez, binatinaman daw siya ng kanyang ama. Pero hanggang ganoon lang.

"Hindi kasi kami sabay na dumating. Ang kasabay ko kasi, siDirek Dom [Dominic Zapata, her TV director boyfriend]. Tinanong lang niya ako,‘Kumain ka na ba?' Parang civil lang siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may gusto man daw siya ngayon, ito ay ang makapaglaanng oras ang kanyang daddy na panoorin ang movie sa premiere night nito sa June29 sa Megamall.

"Actually, sinabi ko sa mommy ko na sana manood naman siDaddy para makita niya na maganda naman ang ginawa ko."

So far, maganda ang reviews ng ilang nakapanood na ng film.Nabigyan nga ito ng rating na Grade B ng Cinema Evaluation Board dahil na rin sa ipinakita ni Krista na pag-artebilang trying hard bit player sa television at movies na nagpagamit sa iba'tibang production people just to get a significant role.

Twenty-three pa lang si Krista at isang fresh collegegraduate in real life. But she feels it is the right time at ready na talagasiya na ipakita ang daring side niya. Yun nga lang, hindi pa rin niyakayang mag-reason out sa daddy niya.

"Ayoko! Takot kasi ako sa kanya. Feeling ko, once namagsalita yun... Yun talaga ang pinaka-ayoko, kahit noong bata pa lang ako, takotako na magalit ang daddy ko. Kasi hindi siya madaling magalit, e. Pero kapagnagalit siya, talagang galit."

GOING SEXY ALL THE WAY. Ayon kay Krista,pinaka-daring scene daw na ginawa niya rito ay ang love scene niya with MonConfiado.

"Siguro yun ang pinaka-daring talaga. Kasi ginawa namin yunsa loob ng catering pan. So mainit siya, masikip! ‘Tapos, hindi siya closed set, kasi ang hirap nga, e."

After ng Paupahan, tila tuluy-tuloy na ang moveniyang pagpapa-sexy dahil by August, siya naman ang featured cover girl ng FHMPhilippines.

"After ng 100 Sexiest nila," sabi ni Krista. "Alam naman ni Daddy yun, perohindi pa niya nakikita. Actually, angsa daddy ko naman, hindi naman yung sa kailangang magpaalam ka. Ang sa kanyalang, at least alam niya, parang respeto na rin."

OKAY WITH DIREK DOM. When it comes to her boyfriend foralmost seven years na si Direk Dom, who directs GMA-7teleseryes, may approval daw nito ang pagpapaseksi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang naman sa kanya. Sabi naman niya, manonood daw siyang premiere night. Pero ewan ko kung tototohanin, kasi echosero rin naman yun,"biro pa ni Krista.

"Actually, sinabi ko rin sa kanya, ‘E, kasi, ayaw mo ‘kongi-cast sa mga soap mo, so gagawa ako ng pelikula!' ‘Tapos tumawa lang siya.Tinanong niya kung ano yung movie, although hindi niya nabasa ang script. So,surprise rin sa kanya. Pero sa kanilang dalawa, mas yung concern ko siyempre sadaddy ko na magpaalam kesa kay Direk," pag-amin pa niya.

Aminado si Krista na nakapag-adjust na raw siya sa sobrangbusy ng schedule ng boyfriend bilang director.

"Ang tagal na kasi namin. Magse-seven years na yungrelationship, pero kaibigan ko siya, mga nine years na. Bata pa talaga akono'n.

"Okey naman kami, masaya naman. Dati kasi, may time. Peronoong mag-Mulawin siya, Darna, nahirapan talaga ako dahil hindikasi ako sanay. Pero nakabuti rin na nag-aaral ako. ‘Tapos ngayon, busy namanako sa promotion.

"But in fairness to him naman, he makes time naman. And,mabait naman siya. I think," natatawang sabi ni Krista.

WAITING FOR PROPOSAL. Kung sakaling yayaindaw siya ng boyfriend na magpakasal, papayag na raw siya.

"Oo naman...ready na ako. Pero hindi pa niya ako niyayaya, e!" tawa niya. "Pero kung mga ten years pa siguro bago niya ako yayain, e, huwag na.Ayoko na, ‘no!

"Pero pinag-usapan naman kasi namin na yun nga, mag-focusmuna raw ako sa comeback ko. Pero siyempre, ang tanda na niya, ‘no! Sabihinn'yo nga sa kanya," biro ni Krista. "Pero siguro, kaya naman din kami ganito,kasi okey naman talaga kaming dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN