Princess Revilla: "Wala akong kasalanan."

"Kasi before, hindi po ako nagsasalita sa mga dati.... Sa mgaakusasyon sa akin nakaraang ilang taon. Ngayon po, humarap ako kasi kailanganna po magsalita, e. Una po, alang-alang sa mga anak ko," says former actress Princess Revilla about allegations that she maltreated her housemaid.



Sangkot muli sa kaso ng pang-aabuso at pambubugbog angnakababatang kapatid ni Sen. Bong Revilla Jr. na si PrincessRevilla-Ocampo.

Isang P16-million damage and civil lawsuit ang isinampanoong 1997 ng Commission on Human Rights laban sa dating aktres matapos humingi ngtulong sa kanila sina Precy Balolong at Rodelyn Lumactod. Sila ang sinasabingmga kasambahay ni Princess na diumano'y binugbog at inabuso niya.

Pagkalipas ng isang taon, na-acquit ang aktres nang biglanghindi na sumipot ang mga nagreklamong kasambahay at tila pinabayaan na angkaso.

Noong June 11, muli na naman naharap sa parehong kasosi Princess. Ito'y matapos lumantad ang isang 17-anyos na kasambahay ng datingaktres na diumano'y tumakas mula sa bahay nila sa Casa Verde sa Barangay Ugong,Pasig City. Dahil daw yun sa pambubugbog sa kanya ni Princess.

Nakunan ng pahayag ng The Buzz ang kasambahay ni Princess.

Lahad nito, "Binubugbog po, inaano po sa pader ulo ko po.Namamaga pa nga po, e. ‘Tapos po, sinasabunutan po, pinapatiwarik po. Dalawangwalis tambo, nabali na sa katawan ko po. Kanina nga pag-alis ko po, nanginginigpa po ako dahil pina-squat po ako ni Ma'am paggising ko po. Basta sinabi niyalang sa akin dahil daw po sa ginawa ko po sa pamilya nila po. Papatayin niyaraw po ako sa bugbog po."

Kung sa unang kaso noong 1997 ay pinili ni Princess ang manahimik nalang, sa The Buzz noong Linggo, June 15, ay humarap si Princess sa publiko,kasama ang kanyang abogadong si Atty. Raymond Fortun.

Unang tinanong ng host ng The Buzz na si Cristy Fermin angabugado ni Princess. Ipinalarawan kay Atty.Fortun ang reklamo ng kasambahay ni Princess at kung totoo ang akusasyon nitosa dating aktres.

"Definitely not. Sa aking pananaw po ay parang may isangmadilim na kamay na nagpapatakbo dito, sa batang ito," lahad ni Atty.Fortun.

Posible raw na meron lang nagtuturo sa dating kasambahay niPrincess para sabihin ang kuwentong pananakit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo," sabi ni Atty. Fortun. "Ang dahilan po na ang injuriesdaw ng bata na ito ay kamakailan lang. The records will show that as early asMarch 28, or more than two months ago, ay ‘yan na po ang kahuli-hulihang araw nananilbihan ang babaeng ito sa bahay nina Princess."

CHILD ABUSE. Dalawang kaso ang isinampa ng dating kasambahay niPrincess sa kanya: serious physical injuries at child abuse.

"Child abuse daw kasi menor de edad daw itong bata na ito atsinaktan siya," pahayag ni Atty. Fortun.

Meron naman daw pinaghahawakang dokumento si Atty. Fortun namagpapatunay na hindi na menor de edad ang nasabing kasambahay ni Princess, bataysa isinulat mismo nitong birth date sa kanyang bio-data. Nakalagay sa kanyangbio-data na siya ay ipinanganak noong Setyembre 21, 1989.

"Yes, at ito pong mga pahayag na ito ay kanyang pinirmahan,"dagdag pa ni Atty. Fortun.

"WALA PO AKONG KASALANAN." Diretsahan namang itinanggi ni Princess ang mga ibinibintangng dating kasambahay.

"Wala po akong kasalan kaya nga po ako humaharap dito, e,"sabi niya. "Kasi before, hindi po ako nagsasalita sa mga dati.... Sa mgaakusasyon sa akin nakaraang ilang taon. Ngayon po, humarap ako kasi kailanganna po magsalita, e. Una po, alang-alang sa mga anak ko."

Ayon pa sa dating aktres, tumakas na raw dati ang kasambahayna ito matapos magnakaw. Isang pangyayaring inamin diumano ng dating kasambahaysa sulat na hawak nina Princess ngayon bilang ebidensiya.

"Actually, may blotter naman po ‘yon kasi nawalan ng pera yunganak ko," paliwanag ni Princess.

Ang tinutukoy na anak ni Princess ay nagngangalang Angelica. Nawala raw ang piggy bank ng anak niya, kayasila nag-complain.

Pero ito naman ang kuwento ng dating kasambahay ni Princess:"May pinasulat po sa akin si Ma'am na nagnakaw daw po ako. Pinili niya po akona pasulatin po ng ganun po. Nagnakaw daw po ako ng piggy bank ng anak niya namay lamang pera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa salaysay pa ng dating kasambahay ni Princess, sinabi niyangtinalon niya ang mataas na bakod ng bahay nina Princess.

"Tumalon po ako magmula sa Casa Verde po. ‘Tapos sa likodpo, may pader po diyan. Kahit ako masaktan po, basta makatakas lang ako sakanya po. Papatayin daw po nila ako po," lahad ng kasambahay.

Pero kinontra ito ni Princess. Ayon sa kanya, hindi na raw siyaumuuwi doon. Meron na raw siyang nabiling unit sa The Fort sa may Taguig City.Almost two months na rin daw siyang nag-i-stay doon.

Nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare andDevelopment (DSWD) ang nagreklamong kasambahay ni Princess dahil sa kanyangbatang gulang.

Inalam naman ni Cristy kung ano ang magiging damdamin niPrincess once na magharap na sila sa korte ng dating kasambahay niya. Nakahandaraw si Princess na harapin nang diretso ang babae.

"Haharapin na lang kita kung anuman yung mga akusasyon mo.Sa korte na lang po kami dapat magkita," pahayag ni Princess.

Pagkatapos ay nagbigay din ng ilang salita si Princess sa publiko.

"Bigyan n'yo lang ako ng chance na i-explain ko o iparamdamko sa kanila kung ano ang nararamdaman ko ngayon at pagkakataon na i-prove sainyo na talagang wala akong kasalanan dito," pahayag ni Princess.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN