German Moreno convinces Ms. Gloria Romero to curse in "Paupahan"

After years of inactivity in movies, German Morenogoes back to acting in the indie movie Paupahan.



Masaya si German Moreno dahil sa magagandang review nanatanggap niya sa performance niya sa pelikulang Paupahan ng ATDEntertainment Productions. Kuya Germs's last big movie role ay noon pang 1986sa pelikulang Payaso na siya rin ang lead role. Pagkatapos noon ay halosmga guestings na lang daw ang ginawa niya.

Naniniwala si Kuya Germs na malaki ang nagawa ng directornila na si Direk Joven Tan para muling mapansin ang husay niya sa pag-arte.

PLAYING SERIOUS GAY. "Well, minsan lang akona-nominate noong araw, kasama ko pa ro'n si Dolphy, sa pelikula naming ArtistaAng Aking Asawa kunsaan, na-nominate ako for Best Supporting [Actor]. So,sabi ko nga, kung mauulit, kahit ma-nominate lang ay malaking bagay na,"masayang pahayag ni Kuya Germs nang makausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

"Siyempre, masarap din na sa edad ko na ito, meron pa ringnagtiwala na director, producer, writer, at nagplano na sa dinami-rami na pupuwedenggumanap na gay at meron naman na talagang gay, e, ako ang nasa isip nila. It'sreally an honor."

For the first time daw kasi, ngayon lang siya gaganap ngpapel na isang gay na seryoso. Marami na siyang nagampanan na gay roles in the past, pero kadalasan ay mga tipong eskandalosang bading. Kaya naging challenge for him ang pelikulang Paupahan.

Aminado si Kuya Germs na miss na miss na raw niya talaga angpag-arte or ang mag-drama.

"Miss na miss kong talaga! Para sabihin ko sa inyo, I'vebeen working in GMA, pero hindi ako napapasama sa mga soap opera. Parang siguronaiisip nila na kapag lumabas ako sa drama, tatawa ang mga tao.

"Pero na-prove ko na rin naman 'yan noong panahon ng telesinekunsaan, ang dami kong ginampanan. Kahit sa ABS-CBN noon, nakalabas ako withJudy Ann Santos. Naipakita ko naman ang pagiging seryoso ko."

Natatawang tila may hamon pa nga si Kuya Germs sa kanyangnetwork na sana raw, panoorin ang movie niya para makitang kaya naman niyangmag-drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MS. GLORIA CURSES, AT LAST. Bukod sa pagiging aktor saPaupahan, may isa pa raw naging importanteng role si Kuya Germs. At itoay siyang mangumbinse sa kanyang kumadre na si Ms. Gloria Romero para gawin angpelikula at higit sa lahat, mapapayag ito na magmura sa kanyang dialogue. Naging prinsipyo na raw pala ng iginagalang aktres simulapa noon ang hindi pagbibitiw ng bad words sa kanyang mga dialogue.

"Isa yun sa mahirap na ipinagawa sa akin ng aming direktor,yung kumbinsihin ko si Mareng Gloria na gawin yung movie. Nang ma-convince kona siya, sumunod naman dito ay yung i-convince ko siya na magmura sa pelikuladahil kailangan talaga.

"Sabi sa akin, ‘Pare, huwag naman ‘yan dahil hindi koginagawa ‘yang talaga. Kahit simula pa nang magkasama tayo sa Sampaguita[Pictures, kunsaan nagsimula ang kanilang showbiz careers], never akongpinagganyan.' Sabi ko lang, ‘Mare, para naman maging natural. Subukan langnatin at kapag pangit, pakiusapan natin ang direktor na tanggalin na lang."

Ayon kay Kuya Germs, napapayag naman daw niya ang beteranangaktres.

"Hayun, minura niya ang sarili niya, minura niya yunghusband niya at minura niya rin ako, kung kaya't ilang mura rin ang nabitawanniya," natatawa pa niyang kuwento.

MORE BILLY BASHING. Nakalabit ng PEP ang sensitibongissue tungkol sa kanyang dating anak-anakan na si Billy Crawford. Noong umpisaay ayaw pa munang magsalita ni Kuya Germs dahil ilang beses na rin siyangnagbitaw ng pahayag tungkol sa kanyang saloobin sa paglipat nito from GMA-7 toABS-CBN.

Katuwiran niya ay nasaktan daw talaga siya nang husto.

Nagsalita lang ito nang aminin na totoo raw na nagkausapsila ni Billy noong nasa States pa ito.

"Totoong kinausap niya ‘ko. Pero yung pag-uusap na yun,hindi porke na nakausap ka, e, okey na. For me, it's a commitment na dapat niyangisipin.

"Hindi naman umabot ng isang taon, kailan lang naman siya nanasa GMA. And it was a beautiful project na ibinigay sa kanya ng network. Bagosiya magpaalam na may tatapusin lang na album, talagang pagbalik niya, yun naang gagawin niya, his next project. Nag-i-e-mail na sila ni Rams David [GMA-7program manager] tungkol dito. So, ine-expect mo ngayon, walang problema. Then,all of a sudden, a guy by the name of ‘Arnold'...telling me that Billy will be workingin a different channel at ganito-ganito na gagawin niya. Hindi ako sumagot.Wala akong sinagot. And he told me na tatawagan nga raw ako ni Billy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The following day na raw after na tumawag ng tumatayongbooking agent ni Billy na si "Arnold," tumawag si Billy sa kanyang ama-amahan.At ayon kay Kuya Germs, diretso niya raw sinabi kay Billy na naha-high bloodsiya.

"He asked me, why raw ako high blood. Sinabi ko na dahilnarinig ko na may plano ka palang mag-work na sa kabilang channel. Sabi ko sakanya, bakit mo gagawin yun?"

HIS U.S. MANAGEMENT'S DECISION. Sinabi ng PEP kayKuya Germs ang katuwiran ni Billy na decision ng kanyang bagong managementcompany sa U.S. ang pagbalik niya ng Pilipinas at pagkakaroon ng show tulad ngang Pinoy Dream Academy sa ABS-CBN, pero ayon kay Kuya Germs, hindi rawsiya naniniwala sa katuwiran na yun ni Billy.

"Hindi ako naniniwala ro'n. I don't believe that. Because when he came back sa GMA, wala yungganyan, wala yung mga agency na yan or management. So, I even told him, you'rea liar dahil may commitment ka, meron kang e-mail na sa pagbabalik mo,ganito-ganyan.

"'Tapos sinabi niya, mabuti pa raw na hindi na lang siyababalik sa Pilipinas. So, sinabi ko naman, mas mabuti. At sinabi ko na, ‘Billy,it's so easy. Kung kailangan mong mag-trabaho...' and even the mother told me,kailangang magtrabaho ni Billy, hindi dapat magutom. So, sabi ko, teka, ginutomba siya sa GMA?"

Dugtong pa rin ni Kuya Germs na obviously ay malaki talagaang sama ng loob sa anak-anakan, "Ako ba, ‘kako, hinayaan ko siyang hindikumain? I gave everything and I did everything for him, kaya sabi ko, anongproblema? Walang ganoon.

"Sinabi ko rin na kung walang in-offer ang GMA, kung walasiyang commitment, okey lang, tanggapin mo [ang offer ng ABS-CBN], why not,bakit kita pipigilan? Trabaho yun, ‘di ba? Pero meron kang commitment!"

Billy reasoned na wala naman daw siyang commitment sa GMA-7 todo another show dahil wala naman daw kasi siyang kontrata sa Kapuso Network.Pero sinagot ito ni Kuya Germs ng, kailan ba nagkontrata si Billy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n'yo, doon na ‘ko nasaktan. It's no longer the same.Kung nangyayari sa ibang artista na lumilipat-lipat because of something...youknow."

DO NOT HURT YOUR "TATAY." Aware daw si Kuya Germs natatay ang turing sa kanya ni Billy, pero aniya, iba raw ang konsepto niya sasalitang tatay.

"Ang tatay kasi hindi sinasaktan. Ang tatay, hinihingan ngadvice kung, ‘Puwede ko bang gawin ito?' Sasabihin ko sa kanya na, ‘Tapusin moitong dito, after that, saka ka pumunta sa kabila. Wala ka nang problema.' So,kung talagang ginamit niya yun. Walang problema."

Kuwento pa ni Kuya Germs, ‘yung last concert daw ni Billy saAraneta ay siya ang nag-produce. Siya ang nag-save sa concert na free for hisfans dahil muntik na raw itong hindi matuloy.

"Actually, even his manager, Raul Laurente, sinangla yunglupa para lang matuloy ang concert na yun. But at the end, ako pa rin angsumalba dahil yung lupang isinasangla, hindi naman dito kundi sa Cebu. So, ayawpumayag ng bangko. Ako ang nag-guarantor kaya kung anuman ang halagangkailangan, sinagot ko sa bangko.

"Then, after that, ganito ang mangyayari? Siguro naman, kahit kayo ang lumugar salugar ko, hindi maaaring hindi kayo masasaktan. Kuya Germs did everything.Lahat ng ginawan ko, even a single centavo, hindi ako nangomisyon. Bagkusnag-aabono ‘ko."

Sa huli, tinanong ng PEP si Kuya Germs kung ano kaya angpuwedeng gawin ni Billy para mawala ang sama ng loob niya sa singer?

"I think, that's a big question mark...siguro hindi ko na...paraque? Wala...wala na yung feeling ko. Alamko naman na ang sasabihin niya, kakausapin niya ko. Pero kapag tinanggap ko na,ano pa, wala rin. Kailangan niyang ma-realize. Kailangan niya rin matuto. Dahilkapag ginawa kong ganyan, hindi pa rin siya natuto.

"Ako kasi, may iba pa rin akong mga artista na nandoon na sakabila, pero, never akong namerhuwisyo. Ever since, ang itinuturo ko lang,maging marespeto at professional. Pero mahirap kapag mismong ang company na angnagtuturo sa mga bata na maging ganoon. Mahirap, mahirap pala...kumbaga,dumarating na tayo sa point na masaktan na kung sino ang masaktan," emosyunal pa rin na paglalahad nga ngmaituturing na pinaka-loyal na Kapuso star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN