PMPC announces nominees for 24th Star Awards for Movies

A Love Story (top, starring Maricel Soriano, AgaMuhlach and Angelica Panganiban), Katas ng Saudi (left, LornaTolentino and Jinggoy Estrada), Ouija (center, Jolina Magdangaland Judy Ann Santos) and Sakal, Sakali, Saklolo (right, Ryan Agoncilloand Judy Ann Santos) vie for the honors, Movie of the Year and Director of the Year, under themainstream film category in the 24th



Pormal nang inihayag ng mga bumubuo ng Philippine MoviePress Club (PMPC) ang mga nominado para sa gaganaping 24th Star Awards ForMovies 2008, sa Hunyo 27, ika-6 ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater,Ateneo De Manila University, Quezon City. May TV coverage ito na ipalalabas saLinggo, Hunyo 29, sa Channel 2, simula ika-10 ng gabi.

Makasaysayan ang Star Awards for Movies sa ika-24 na taonnito ngayong 2008, dahil sa pagkakapili nito bilang Ulirang Artista LifetimeAchievement Awardee ang yumaong aktor-prodyuser na si Rudy Fernandez.

Para naman sa mga parangal, dalawampu't limang kategorya angpaglalabanan ng mga nominado mula sa dalawang grupo ng manlilikhangpampelikula: ang mainstream movie industry at independent o "indie" cinema nagumagawa ng mga pelikulang digital.

Maliban sa mga parangal sa pagganap, may dalawang sets ofnominees ang Star Awards for Movies '08. Pararangalan ang mga pinakamahuhusayna pelikula, direktor, manunulat, at tekniko mula sa mga kategoryang Mainstreamat Digital.

Para sa Movie/Director of the Year Mainstream Category aynominado ang mga sumusunod: A Love Story (ni Maryo J. Delos Reyes),"Daddy's Angel" episode ng Angels (Jose "Dingdong" Dantes III), AtaulFor Rent (Neal Tan), Katas ng Saudi at Sakal, Sakali, Saklolo(Jose Javier Reyes), One More Chance (Cathy Garcia-Molina), at Ouija(Topel Lee).

Para sa Movie/Director of the Year Digital Category ay nominadoang mga sumusunod: Confessional (nina Jerrold Tarog at Ruel Antipuesto),Pisay (Aureaus Solito), Selda (Paolo Villaluna and Ellen Ramos), Tambolista(Adolfo Borinaga Alix Jr.), at Tribu (Jim Libiran).

Pinakaaabangan din taun-taon ang mga nominado attatanghaling winners ng Star Awards for Movies, para sa dalawang major actingcategories, ang Movie Actor at Movie Actress of the Year.

Sa taong ito, nasa listahan ng nominees ang mga sumusunod:

Actors: Paolo Contis (Banal), John Lloyd Cruz (OneMore Chance), Ryan Eigenmann (Baliw), Sid Lucero (Selda), AgaMuhlach (A Love Story), and Piolo Pascual (Paano Kita Iibigin?).

Actresses: Ai-Ai delas Alas (Ang Cute ng Ina Mo), BeaAlonzo (One More Chance), Cherry Pie Picache (Foster Child), JudyAnn Santos (Sakal, Sakali, Saklolo), Maricel Soriano (A Love Story),and Lorna Tolentino (Katas ng Saudi).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Limang pinaka-supportive sa PMPC movie scribes ang nominado,pero isa nga lang ang tatanghaling Darling of the Press sa taong ito ng 24thStar Awards for Movies. Sino kaya kinaDingdong Dantes, Allan K, Luis Manzano, Diether Ocampo, at Regine Velasquez,ang pinaka-"Darling" sa gabi ng Star Awards?

Ang 24th Star Awards for Movies ay produksiyon ngGARP Events Productions, sa direksiyon ni Arnel Natividad. May malalaking musical production numbers, sapamamahala (choreography) ni Ms. Maribeth Bichara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN