Gabby Concepcion has no regrets about returning to the Philippines

Three months since he returned to Manila, does Gabby Concepcion miss anything in theU.S., having lived there for 13 years?

"Meron... Yung walang intriga!"



Mataas ang energy ni Gabby Concepcion taping ng Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN dahil ngayon lang siya makakagawa ng isang soap-opera.

"Enjoy! Ang sarap,ganado ‘ko dahil kararating ko lang. Siyempre sa ngayon, enjoy pa, ganado pangdumating sa set, e. In fact, dumarating ako sa set, an hour before theschedule," natatawang kuwento ni Gabby nang makapanayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Nagkaroon ng pagkakataon si Gabby na mulingmakausap ang press people nang mapilitan silang mag-pack-up dahil sa sunud-sunod na pag-ulan. Ayon pa kay Gabby, nag-e-enjoy rin daw siyasa iba't ibang location nila.

"Meron kami sa Alfonso, Cavite, meron din sa Batangas, kayGovernor Leviste na resort. Meron din sa Laguna. Puro out of town kaya magandapara makita ko rin ang buong Pilipinas, especially Batangas area dahil matagalko rin itong na-miss."

SIMILAR BUT DIFFERENT. Although ngayon nga lang niyanakatrabaho si Claudine Barretto, okey naman daw agad ang working relationshipnila.

"Para kong nakikita si Gretchen, magkamukha sila, e. In myopinion, ha, magkamukha sila. Magkaiba sila, of course, pero may similaritysila. ‘Tapos, nakikita ko pa ang mga billboard nila," sey niya.

"Tagapagtanggol" daw ang kanyang role sa teleseryengginagawa. When asked kung sino naman sa palagay niya ang mas magaling umarte samagkapatid na Gretchen at Claudine, safe ang naging sagot niya na pareho rawmagaling ang dalawa.

"Magaling silang pareho, oo...kunsabagay, matagal ko na rinnamang hindi nakikita si Gretchen na umarte at si Claudine ang nakikita kongayon. Ibang kalibre. Kumbaga, parehong baril pero, magkaibang kalibre."

DEFENDING LUCIDA. As we all know, after nga ni Gabbyna mai-launch as the new endorser of Lucida-DS and Vaniderm, tila mas malakingisyu pa ang lumabas aside sa pagkakakuha sa kanya ng kumpanya as their newendorser. Yung credibility naman ng product ang kinukuwestyon.

Sa naging report kasi ni Korina Sanchez, hindi raw sapat na500 mg. gluthathione ang nakapaloob sa Lucida-DS at Vaniderm. Kinontra namanang report na ito ng pahayag ng president/CEO ng Best Nutrition Products na siDr. Kumar Pati. Aniya, their products have correct milligram content and theystrictly follow the U.S. Quality Standards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But of course, bilang endorser ng mismong produkto, we askedGabby kung ano ang reaction niya sa lahat nang ito.

Aniya, "Sa totoo lang, ayokong makialam dahil siyempre,hindi ko naman linya ‘yan. Sabi ko nga, maganda nga noong nakilala ko angLucida, simple lang, magaan ang dating at napaka-simple. Actually, simple langnaman ang lahat ng bagay kaya hindi na dapat gawing complicated."

Para kay Gabby, naniniwala naman daw siyang dumaan sa seriesof quality inspection test ang halos lahat ng produkto lalo na ang Lucida-DS.

"Besides, meron namang benefits ang lahat ng iniinom naprodukto, basta basahin mo lang ang content. Para sa akin, okey. Kaya ako,example ako ng produkto, iniinom ko siyang talaga. Gusto kong malaman kung maymangyayari sa akin, e."

Ibinato namin kay Gabby ang comment ng ilan na parangmahirap daw makita sa kanya ang totoong effect ng product na ineendorso dahilnatural naman ang pagiging maputi ng actor.

Nangiti si Gabby nang marinig ito, pero aniya, "Well, kapaginiinom ko naman kasi, ewan ko ha...kasi yung pagputi naman daw, side-effect langdaw yun. Pero yung purpose niyang talaga, for your health benefit.

"Hindi naman kasi na porke't maputi ka, healthy ka. Ofcourse, side benefit na lang yun. Nagustuhan ko lang talaga ang health benefitniya like yung grape seed extracts. Yung anti-oxidants which is siyang gustoko."

WISHING THERE WERE NO INTRIGUES. Halos magtatatlongbuwan pa lang daw siyang narito sa Pilipinas, pero ayon kay Gabby, wala rawregrets on his part sa naging desisyon na muli ngang magbalik ng bansa.

"Wala," maagap niyang sagot. "Ako naman, I go with the flow.Kahit pa anong gawin sa akin, nakatayo lang ako rito, ‘di ba? Kung nakatayoako, nakatayo ako. Kung babarilin ako, babarilin ako, sasaluhin ko lang. Hindirin naman ako nagsusulat para sumagot.

"Wala naman akong gustong sabihin para makasakit ng tao.Pero yun nga lang, kahit wala kang gustong sabihin, meron pa rin," napapailingniyang sabi. "Pero sabi ko nga, ako, trabaho lang ako, bigyan n'yo ko ngtrabaho at tatrabahuhin ko lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang nami-miss sa buhay niya noon sa ibang bansa?

"Meron... Yung walang intriga!" natatawang tugon niya.

Sa pagbabalik-bansa at showbiz nga niya, kung may isangbagay man daw na sana'y wala na lang, ito ay ang intriga, though, alam na namanni Gabby na hindi na raw mawawala yun sa showbiz. At least on his part,masasabing binalikan na lang talaga niya ang maintrigang buhay, sabihin man nafor several years ay nag-rest siya rito, he's used to it na rin naman.

HOW'S GENEVIEVE? Sa lahat nang ito, tinanong naminkay Gabby ang wife niya na si Genevieve Yatco Gonzalez. Nasa Pilipinas na rinkasi ito, kasama ng kanilang baby. Paano naman ito nakakapag-adjust sa buhaynila ngayon?

"Okey lang naman siya. Sinabi ko naman sa kanila noon napapasok ba ‘kong muli ng showbiz? Merong mga offers? Gusto n'yo ba o hindi?Kung ayaw ninyo, hindi natin gagawin. Lahat naman sila sa pamilya, verysupportive."

Aminado si Gabby na sa pagbabalik niya, lahat ng desisyonniya ay ini-involve niya hindi lamang ang side of his family, kundi pati na rinang side ng family ng kanyang asawa.

"Kinonsulta ko rin ang pamilya nila. I got their opinion. ‘Iwant you to be a part of it, you decide...'hindi naman kasi sila showbiz. ‘Thereare offers, what do you think, what are the possibilities, do you think, weshould accept it? Will it be something na okey, not just for me, but for thewhole family?' May mga intri-intriga yan. Sabi naman nila, okey lang ‘yan,ituloy mo lang ‘yan."

Sa nakikita naman daw niya, nakakapag-adjust naman daw angwife niya sa bagong buhay nila ngayon. At sa family side naman nito, parangsiya na rin daw ang tumatayong ama, in a way, sa mga ito.

"Yung family niya kasi, namatay na yung father niya. So,puro sila magkakapatid. Puro pa mga babae!" natatawang kuwento ni Gabby. "So,wala silang father figure. So, ako pa actually ang eldest sa kanilang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinatanong ko sila, I get their opinion. Siyempre sila,magsasama-sama sila. Pag-uusapan nila kung ano ang makakabuti. Kung ano angmagiging okey. Okey naman sila, hindi lang talaga sila showbiz. But I guess,they are showbiz supporters naman. Karamihan ng mga kamag-anak niya sa States,meron silang TFC.

CROSSING PATH WITH SHARON. Wala rin daw intensiyon onhis part na iwasan na magkita sila ng dating asawang si Sharon Cuneta sa wakeni Rudy Fernandez. Ayon kay Gabby, naghihinayang nga raw siya at hindi silanagkasabay kung ganoon.

"Nandoon ba siya?" ang sagot-tanong naman agad ni Gabby."Hindi ko nakita...hindi ko nakita. Nandoon ako two nights ago, before ilibingand yung mismong burial. Pero, hindi kami nagkita."

Sa tono ng pananalita ni Gabby, tila gusto niyang magkitasila?

"Well, hinihintay ko nga, e...para at least...nandoon na. Kungmagkita man kami, siyempre lalapitan ko. Kung ano lang ang normal. Siyempre,ang una kong sasabihin siguro, hello," natatawa niyang sabi. "Pero siguro kungmagkita man kami, magiging spontaneous siguro. Bahala na lang kung ano angmangyayari."

Sa kabila nang mga naglalabasang writeup sa kanilang dalawa,mula raw nang makauwi siya ng Pilipinas ay hindi pa raw sila nagkakaroon ngchance na magkausap.

"Nagkausap lang kami noong bago ‘ko umuwi. Pero ngayon,hindi pa...hindi pa. Kaya nga, ang dami nang lumalabas, hindi ko pa sinasabi, angdami nang lumalabas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN