Accidents nearly spoiled Kapusolympics

Actor Wendell Ramos (main photo) dislocated his right shoulder while StarStruck Avenger Jan Manual (inset) suffered a second-degree burn.



Dumagsa ang halos lahat yata ng Kapuso stars sa nakaraangKapusolympics na ginanap sa Golden Sunset Resort saCalatagan, Batangas, noong Martes, June 17.

Ang call time sa mga artista ay 3 a.m. dahilsa layo ng resort na pag-aari ng beauty guru na si Ricky Reyes. Around 8 a.m. namannagsimula ang event.

Naging masaya naman ang isang araw na pagkakaisa ng mga Kapuso stars, bilang bahagi ng 58th anniversary ng GMA-7's. Pero sa kabila ng kasiyahan, hindi naiwasan angilang aksidente na naganap sa kabuuan ng Kapusolympics.

Some are minor accidents lang naman na nagkakaroon ng sugator galos, na basically ay normal sa mga ganitong events. Isa na rito ang modelturned actress na si Bubbles Paraiso. Umpisa pa lamang ay nagkaroon na ngaksidente nang lumusot ang paa niya sa balsa relay game. Dahil dito aynagkaroon siya ng sugat sa hita. Pero hindi ito naging hadlangkay Bubbles para sumali sa iba pang games.

Ang sexy actor na si Wendell Ramos at ang StarStruck 4Avenger na si Jan Manual ang nagtamo ng medyo grabeng injuries

Si Wendell ang team captain ng Green Team. Na-dislocate angshoulder nito sa isang game na sinalihan niya.

Si Jan naman ay nagtamo ng second-degree burn. Last part nang event nang mahulugan ang young actor ng pinaka-ulo ng torch na pinaglalagyanng gas. Ang Blue Team na kinabibilangan ni Jan ang nag-overall champion kungkaya't umakyat ang buong team sa ladder para kuhanin ang torch.

Pero nang mahawakan na raw ni Jan ang torch at itaas,nahulog ang pinaka-ulo ng torch sa mukha niya, kaya na-shock ang lahat ng nakasaksi.Pero naging maagap ang team captain nila na si Richard Gomez na naghubad ngkanyang pang-itaas at siyang ibinalot sa mukha ni Jan.

Hindi naman daw nagpabaya ang GMA-7 sa lahat ng ito. Bukodsa may nakaantabay na first aid, naisugod agad sa pinakamalapit na hospitalsina Jan at Wendell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa kabila ng mga nangyaring aksidente, isang malaking tagumpay angnakaraang Kapusolympics. Naramdaman sa lahat ng Kapuso stars,staff, at production ang pagkakaisa at saya sa isang araw na yun na puro laroat bonding ang naganap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN