Ai-Ai delas Alas feels big pressure in doing sequel of "Ang Tanging Ina"

"Iba na yung 250million ngayon kumpara sa 250 million noon. Fifty, seventy [pesos] lang yata angsine noon kumpara sa one-hundred thirty ngayon. Nagpapasalamat na lang ako salahat ng mga taong sumuporta. Sana sa Part 2 ng Tanging Ina, suportahan nila uli," says Ai-Ai delas Alas.



Sa laki ng kinita ngAng Tanging Ina (2003) ng Star Cinema, hindi na pinagtakhan kung bakit may sequel angnasabing pelikula—Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Ito ay sa direksiyon muli ni Wenn Deramas.

Sa prescon ni Ai-Aipara sa nalalapit niyang show na Tanging Ai-Ai... In Concert na gaganapin saZirkoh on August 2, inamin ng comedienne na may pressure para sa kanya angpaggawa ng sequel ng pinagbidahang pelikula.

"Ang sabi ko nga sakanila, ang first Tanging Ina, regalo sa akin ng Diyos yun. Makopya namin,salamat; kung hindi, history na yun, di na natin mabubura yun sa industriya.Saka sa hirap ng buhay ngayon, mahal na ang sine, mahal na ang gas, mahal naang bigas, magiging napakaganda para sa amin at sa movie industry ‘pag kumitapa rin ‘yung Tanging Ina Ninyong Lahat na kasing laki ng Tanging Ina noon.

"Iba na yung 250million ngayon kumpara sa 250 million noon. Fifty, seventy [pesos] lang yata angsine noon kumpara sa one-hundred thirty ngayon. Nagpapasalamat na lang ako salahat ng mga taong sumuporta. Sana sa Part 2 ng Tanging Ina, suportahan nila uli," pahayag ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ai-Ai also gave theassurance na maganda at dapat talagang abangan Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.

"Sobrang dami ngdapat abangan!" bulalas ng komedyana. "Unang-una, presidente ako dito ngPilipinas. Yung mga anak ko, may kanya-kanya silang eksena doon. Maganda talaga, may touch ng ala-GMA [GloriaMacapagal Arroyo], Tita Cory [Aquino], and [Margaret] Thatcher. Same cast, walana nga lang sila Heart [Evangelista] and Marc Acueza bilang mga anak ko, peromay mga nadagdag naman."

AI-AI'S SON. Tumatalakay angTanging Ina sa pagiging isang ina kaya kinumusta rin namin kay Ai-Ai angkalagayan ng anak niyang si Sancho, na na-involve noon sa isang demanda laban saisang emplayado ng isang convenience store. Kung dati ay naiiyak ang komedyana ‘pagnapag-uusapan ang tungkol dito, ngayon ay mas kontrolado na nito ang emosyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ongoing pa rin yungkaso," sabi niya. "Babalitaan ko kayo kung ano ang mangyayari. Hindi na akonaiiyak ‘pag napag-uusapan, pero nandun pa rin yung pain. Siyempre, painful pa rinsiya kasi siyempre anak ko yun. Hindi naman nabibili ang anak sa mall, bigay ngDiyos yun para alagaan mo at hindi saktan ng ibang tao.

"Okey naman siya, nag-aaralsaka nagbi-business. Nagne-networking siya. May networking ang mga bagets ngayon.Uno ang tawag, tsinek ko muna. May mga ipon siya ‘tapos may kaunting share ako.Nagbebenta ako ng mga sabon ngayon, 8-in-1 coffee... Masipag ang anak ko kayasuportado ko," pagmamalaki ni Ai-Ai.

MOVIES WITH ATE VI & ERAP. Nabalita noon nailan sa mga projects na gagawin ni Ai-Ai ay ang Mama Mia, kung saan makakasamaniya si Batangas Governor Vilma Santos at isang movie na kapareha naman niya siex-President Joseph Estrada. Nagbigay ng updates sa PEP ang ComedyConcert Queen tungkol sa mga proyektong ito.

"Mama Mia yung saamin ni Gov. Vilma. Gustung-gusto niyang gawin, kaya lang hindi niya alam kungkailan niya magagawa kasi sobrang busy siya as governor of Batangas. Yung kayPresident Erap, inaayos pa yung script. Hindi nagusuthan ni Papa Erap yungscript, so may mga pagbabago na ginagawa," lahad niya.

IN CONCERT. Kilala si Ai-Ai na maymga kaberdehan at kakaibang ginagawa sa concerts o shows niya. Since nagkasamana sila ni Erik Santos noon sa isang concert sa Araneta Coliseum, siguradongsi Richard Poon naman ang makakatikim ng "kamandag" ngayon ng komedyana sa show niya sa Zirkoh.

"Hindi ko panakikita si Richard. Pero nung sinabi kong lagot sa akin si Richard, sumagotdaw ito ng, ‘Just take good care of it.'

"Dapat nila itong abangan kasi mag-aaral ako ng mga bagong songs, mgagimik. Kasi na-realize ko nung nakita ko si Madonna sa magazines, 50 years oldna pala siya and yet, nakikipagsabayansiya kay Justin Timberlake," saad ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN