Jolina Magdangal teasingly picks Venice for her honeymoon someday

"Siguro hindi naman doon necessarily yung honeymoon,pero isa 'yon sa target na lugar na dapat mapuntahan talaga," says JolinaMagdangal about Venice, Italy, where some of the scenes of her movie I.T.A.L.Y.(I Trust And Love You) were shot.



Very memorable para kay Jolina Magdangal ang movie na I.T.A.L.Y.( I Trust And Love You) ng GMA Films dahil naging kontrobersyal ito becauseof Gabby Concepcion. Matatandaang almost plantsado na ang usapan tungkol sa project nang bigla siyanng nag-backout. Ikinaloka ni Jolensang nangyari, pero sa kabila ng aberya't kaguluhan ay natuloy pa rin ang proyekto. Atang guwapong aktor ng Kapuso Network na si Dennis Trillo ang kanyang nakatambal.

"I'm really glad that GMA Films still pushed through withthis project despite the problems we encountered at the start. Proud akodito dahil kuwento ito ng isang paglalakbay patungkol sa buhay, pag-ibig, atkapalaran. First time gumawa ng GMA Films ng isang movie na kinunan sa isangcruise ship [Costa Magica], na isang luxury cruise na bumibiyahe sa iba't ibangbansa na sakop ng tatlong kontinente ng mundo [Asya, Europa, at Africa] kayabongga talaga ito," bungad ni Jolina sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa presscon ng I.T.A.L.Y. na ginanap sa Jumbo Kingdom Floatingresto sa CCP Complex recently.

Ang role ni Jolens dito ay bilang si Des Pinlac, isangchambermaid sa cruise na pangarap maging isang mang-aawit. Sobrang natutuwa rinang dalaga dahil nakasama niya ang mga kaibigang sina RufaMae Quinto, Eugene Domingo, Rhian Ramos,at Mark Herras. Nagkaroon daw talaga sila ngbonding sa shooting at narating pa nila ang iba't ibang bansa. Nag-enjoyraw talaga silang lahat while working.

"Ang ganda ng movie, promise! Nakakatawa. Merongnakaka-touch, merong talagang makikita n'yo kung saan-saan talaga kami nagpunta.Proud ako dahil na-capture ni Direk Mark Reyes yung mga dapat talagang makitadoon sa movie. Siguradong masisiyahan ang mga manonood ng movie. Hindi langsila maiiyak at tatawa, mapapaibig pa sila sa pelikulang ito dahil makakapasyalna rin sila sa iba't ibang bansa," pagmamalaki pa ni Jolens, na after ng Ouijaay bida nga ulit dito sa bagong pelikula ng GMA Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOLINA'S WEDDING. Naging vocal si Jolina sa paghanganiya sa city of Venice in Italy. Sobrang na-in love siya sa lugar.Nanghihinayang nga raw siya dahil kahit nakasama niya sa tour while doing themovie ang kanyang boyfriend na si Bebong Muñoz ay hindi naman niya ito nakasamasa Venice na para sa kanya ay napaka-romantic na lugar.

"Sana talaga, kasabay ko na nga lang siya umalis, e. Actually,sumunod siya sa amin kaya lang nakapunta na nga kami sa Venice, kaya hindi kosiya nakasama doon. Yun talaga ang gusto at wish ko, yung makasama ko si Bebongsa Venice. Siyempre kahit pa trabaho ang pinuntako doon, para sa akin okey na rin yun, at least nagkasama kami sana sa lugar nagustung-gusto ko talagang puntahan. Maybe, some other time na lang. Malay natinsa honeymoon—joke! Ewan natin!" pagbibiro pa ni Jolens, na sinang-ayunannaman ng press na kausap niya.

Follow-up question tuloy ng PEP, kung may plano na ba talagasilang mag-settle down ng kanyang boyfriend of almost seven years and fivemonths.

"Ay, wala pa talaga. Para sa akin, hindi pa muna naminnapag-usapan ulit ang tungkol sa bagay na 'yan [wedding]. Siyempre naman, 'pagnapag-usapan ulit yun, siyempre, ipapaalam ko sa inyo kasi sinubaybayan n'yoako, e," pangako pa niya.

So, sa Venice na ba niya napili ang dream honeymoon placenila, if ever?

"Siguro hindi naman doon necessarily yung honeymoon,pero isa 'yon sa target na lugar na dapat mapuntahan talaga," kinikilig nasabi pa ng dalaga sa pagtatapos ng aming chikahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN