Newlywed Maybelyn dela Cruz busy as housewife and with TV comeback

"Kakakasal pa lang naman po kasi namin noong January, somarami pa po siyempreng adjustment. Especially bago pa lang po ang buhay ko saDagupan. Siguro po next year or in two years time," says Maybelyn dela Cruz about having a baby.



Pinaninindigan ng young actress na si Maybelyn dela Cruz angpagiging butihing maybahay niya sa kanyang asawa na si Michael Fernandez, isangcouncilor sa Dagupan City, Pangasinan. Since their wedding last January, nagdesisyon na rin si Maybelyn na sa mismong bayan ng asawa na manirahan.

Ini-enjoy muna niya ang simula ng kanilangmarriage life bago muling sumabak sa showbiz. Ngayon, nagbabalik-showbiz na siMaybelyn sa pamamagitan ng pinakabagong Sine Novela ng GMA-7 Gaano KadalasAng Minsan, na magsisimula ngayong Lunes, June 23.

Sa panayam ni Maybelyn sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa presscon ng naturang Sine Novela, sinabi niya na masaya siya sa kanyang buhay bilang housewife.

"Housewife talaga ako," sambit niya. "Ako naggo-grocery,namamalengke ako ro'n. Akonagpi-prepare ng breakfast, lunch, dinner. Naka-based talaga kami sa Dagupankasi nandoon ang husband ko. City councilor siya at bisi-bisihan din naman akodun kasi I have my own event."

Isa raw siya sa mga director ng Red Cross Pangasinan. Isang bagay rin ito na pinagkakaabalahan niya bukod sapagiging maybahay.

Uwian daw siyang talaga sa Dagupan once nag-regular na angtaping days nila ng Gaano Kadalas ang Minsan tuwing Tuesday and Saturday.

"Sa ngayon, dalawa ang tinitirhan ko. Yung bahay ng husbandko sa Quezon City at may bahay rin naman kami sa Las Piñas," saad ni Maybelyn.

Wala raw naman problema sa asawa ni Maybelyn kungnag-aartista pa rin siya. In fact, suportado pa nga raw siya nito.

"Oh yes, he's been very supportive talaga. Yung mga unangtaping nga namin, wala akong driver, siya yung nagmamaneho sa akin. Sa Pampangapa yun, di ba? So, ida-drop-off niyaako sa Pampanga. ‘Tapos kapag medyo late na, magtse-check-in na siya sa Clarkat doon na kami matutulog," lahad niya.

So far, wala pa raw silang planong magka-baby dahilnag-a-adjust pa raw sila, partikular na si Maybelyn, sa bagong buhay niya.

"Kakakasal pa lang naman po kasi namin noong January, somarami pa po siyempreng adjustment. Especially bago pa lang po ang buhay ko saDagupan. Siguro po next year or in two years time," nakangiting pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Five months daw ang itatakbo ng Gaano Kadalas Ang Minsan, soassured na raw sila ng five-months work. Kuwento pa ni Maybelyn, makakasabayrin daw halos ng pagsisimula ng Sine Novela nila ang GMA NorthernLuzon, kung saan magkakaroon din siya ng isang show.

"Yung taping will be in Dagupan. Yung studio po kasing local channel ng GMA Northern Luzon, sa Dagupan. Kaya sabi nga nila, masmaganda na nandoon na ako kasi doon ako naka-based," sabi ni Maybelyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN