Jennylyn Mercado: "Kung may ibibigay ka, hindi mo naman kailangang i-broadcast."

"Ama pa rin ng dinadala ko si Patrick.Pero kailangan magkaroon sila ng kusa. Ako naman kasi, nandito lang ako. Kasamako rin ang pamilya ko. Tinutulungan din ako ng pamilya ko. So hindi naman akonamomroblema ngayon. Hindi ko namankailangan ng kahit na anong tulong," says Jennylyn Mercado about the help that Patrick Garcia's family is offering.



Sa wakas ay lumabas na sa Showbiz Central ang sinasabingGood Samaritan na nag-offer sa young actress na si Jennylyn Mercado na saAmerika na lang siya manganak. Bagamat hindi nagpabanggit ng kanyang pangalan at ibapang identity sa kanyang pagkatao, may file video naman na ipinakita angShowbiz Central na kuha sa isang show ni Jennylyn, kung saan may isang babae nabumati sa young actress.

Pinabulaanan ng Good Samaritan ang naging pahayag ng ina niPatrick na si Mrs. Bing Garcia last Sunday, June 22, sa Showbiz Central din nakamag-anak siya ng manager ni Patrick na si Arnold Vegafria.

"I am a privateperson and I don't want any publicity. Just to clear up what Bing said lastSunday sa Showbiz Central, first of all, Bing mentioned that I am related toArnold. That's not true.

"I am not related to Arnold. Arnold's sister happens to bemy high school friend and we are like sisters. I only had good intentions whenI offered her [Jennylyn] to give birth here and she never sweet talked me. Sherejected my offer because she knows that giving birth in the U.S. would cost alot of money.

"Lastly, I don't have anything against Patrick and Bing. Idon't know them personally. I hope this issue has been cleared up because Idon't want Jen to have a bad reputation due to this offer. I did not expectthis situation to get blasted negatively all over TV."

THE OFFER. Pagkatapos nito ay nakapanayam naman ng Showbiz Centralco-host na si John "Sweet" Lapus si Jennylyn. Sinagot na rin ng pregnant youngactress ang naging pahayag ng ina ni Patrick last week, partikular na ang offernilang tulong kay Jennylyn.

Ang unang tanong ni Sweet sa young actress ay kung bakittinanggihan niya ang offer ng kanyang Good Samaritan na manganak sa U.S.

"Siyempre, thankful ako sa offer na yun. Pero mahirap kasi first time kongmanganganak. ‘Tapos hindi ko pa kasama yung mom ko, hindi ko kasama yung familyko. Wala akong alam, lalo na at first babyko ‘to, hindi pa ako marunong magbuhat ng baby. Maraming adjustment, so kailanganko ang support ng family ko, ng friends ko around me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya hindi ko rin natanggap ang offer. But of course, Iwanna thank Tita Marlene [the name of the Good Samaritan] dahil yung sa offerna yun, sobrang-sobrang thank you na may mga tao pa pala na ganoon kababait.May mga natitira pa palang taong ganoon. So, I feel so blessed."

Ano naman ang reaction ni Jennylyn sa sinabi ni Mrs. Garciana nandiyan pa rin ang offer nilang tulong sa dalaga, provided lang nasasabihin ni Jennylyn in public na kailangan niya at tinatanggap na niya angnaturang offer. Ayon sa ina Patrick, "Knock and the door shall be opened, askand it shall be given to you."

Sagot naman ni Jennylyn, "Well, kasi, di ba, kung willing kanaman talagang tumulong, like si Tita Marlene, willing siyang tumulong without...Hindi naman ako nanghingi. Hindi naman ako nag-offer na parang, "Please, tulungann'yo naman ako.' Kumbaga, kung willing ka naman talagang tumulong at bukal saloob mong tumulong at magbibigay ka, ibibigay mo namang talaga nang bukal sapuso mo, di ba? Hindi kailangan yung manghingi pa.

"Siyempre, kumbaga, ama pa rin ng dinadala ko si Patrick.Pero kailangan magkaroon sila ng kusa. Ako naman kasi, nandito lang ako. Kasamako rin ang pamilya ko. Tinutulungan din ako ng pamilya ko. So hindi naman akonamomroblema ngayon. Hindi ko namankailangan ng kahit na anong tulong."

Kung sakaling magbigay nang kusa ang pamilya ni Patrick,tatanggapin ba ito ni Jennylyn?

"Well, siyempre, kung may ibibigay ka, hindi mo namankailangang i-broadcast or hindi mo naman kailangang ipagmalaki sa lahat ng tao.Kung talagang gusto mong tumulong, ibibigay mo. Siyempre, hindi ko namantatanggihan lahat ng mga tumutulong basta nasa lugar, at alam ko na tama atwala namang masama, di ba?" pahayag ng young actress.

Sinabi rin ni Jennylyn na walang problema sa aspetongpinansiyal kaugnay ng kanyang panganganak.

"Yes of course, pinaghandaan namin ‘yan. Pinaghandaan ko atng pamilya ko. Ina-assure ko sa kanila na siyempre, mabibigyan ko ng magandangfuture ang bata, yung magiging anak ko," diin ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN