Princess Violago promises to leave "pasaway" ways behind in TV comeback

"I know that I've disappointed a lot of people, lalo na samga taong nagtiwala at naniwala sa akin. Pinagsisisihan ko lahat iyon noong umalisako ng showbiz. Now that I'm given another chance, I want to do good. Hindi naako pasaway and I want people to put their trust in me again," says thecomebacking Princess Violago.



Balik-showbiz via Ako Si Kim Samsoon ang tinaguriang "pasaway" na si Princess Violago.

Nakilala noon si Princess nang magkaroon ito ng sariliniyang segment sa now-defunct showbiz talkshow na S-Files at napasamasiya sa teen series ng QTV-11 na Posh at sa horror series na Hoo U?.

Sa kalagitnaan ng nag-uumpisang showbiz career niya, biglana lang nawala sa sirkulasyon si Princess. Nagkaroon pa ng magkakasunod na mganegative na balita tungkol sa kanya. Una na rito ay ang hindi niya umanopagsipot sa taping ng Posh, para magpa-spa; ang hindi rin daw niyapagsipot sa taping naman ng Hoo U? (na siyang ikinatanggal niya sashow); at ang diumano'y pagkakaroon niya ng attitude problem, kaya inalis nalang din siya sa S-Files.

"I WANT TO DO GOOD." Inamin ni Princess nadumaan nga siya sa pagiging rebelde sa edad niyang iyon. Alam naman daw niyangnagkamali siya kaya nga gusto na niyang ituwid ang lahat.

"Kaya nga I want to make up for all the bad things na ginawako," diin ni Princess. "I know that I've disappointed a lot of people, lalo nasa mga taong nagtiwala at naniwala sa akin. Pinagsisisihan ko lahat iyon noongumalis ako ng showbiz. Now that I'm given another chance, I want to do good.Hindi na ako pasaway and I want people to put their trust in me again."

May balita ring kaya siya nawala ay nabuntis daw siya ngkanyang non-showbiz boyfriend. May nakakita raw kasi sa kanya na medyo malakiang tiyan at naka-maternity dress pa siya.

"Noong may nagpadala ng text message sa akin regarding that,natawa lang ako because nasa U.S. na ako that time. So, paano ako nakita ditosa Pilipinas na at the same time nasa States ako? Weird, di ba?

"Tsaka wala akong boyfriend that time. Hindi ako pinapayaganng mommy at daddy ko na magkaroon ng boyfriend. At lagi kong kasama is my mom,kaya imposible na I got pregnant."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Princess na kayasila lumipad sa U.S. ay dahil gusto ng kanyang parents na doon na lang siyamagtapos ng pag-aaral niya. Dahil nga sa mga negative na mga balita sa kanya,minabuting ilayo na lang daw siya sa showbiz at mag-concentrate sa school.

"That was the plan talaga. Nakapag-enroll na ako sa NYU [NewYork University] pero halfway sa semester, parang hindi ko nagustuhan doon.Nalungkot ako kasi I missed my friends dito sa Pilipinas.

"Nagmakaawa ako sa parents ko na pabalikin ako sa Pilipinas.I promised na itutuloy ko na lang ang studies ko dito and I will be a goodgirl. Pumayag naman sila kaya since January of this year, nandito na ako.

"I am currently home schooled kasi nga dumating itong AkoSi Kim Samsoon. Pero kahit maging busy ako ulit sa showbiz, magigingpriority ko ang studies ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN